Calixzphere Fallzhinne
May naririnig akong kung anong sigawan, at halos dugo ang aking nakikita. Mga patay na tao at mga kakaibang nilalang na hindi ko malaman-laman kung ano. Tinignan ko ang aking mga kamay, nanginginig na napaatras naman ako nang masilayan iyon.
'Bakit m-may d-dugo ang mga k-kamay k-ko?!'
Tila tambol ang aking puso sa lakas ng tibok nito. Nanginginig na rin ang aking mga kamay at unti-unting tumulo ang aking mga luha papunta sa lupang aking kinatatayuan.
'Bakit ganito?! Why am I here? What am I doing here?!'
Biglang may sumigaw nang sunod sunod tila dumadaing. Napalingon ako sa direksiyon na pinanggagalingan ng mga hiyaw at tinakbo ito, may nadadaanan pa akong mga bangkay na tila naubusan ng dugo, ang iba ay tila kinagat nang kung ano ang kanilang katawan kaya nagkasugat sugat, meron ding may mga kamlot sa iba't ibang bahagi ng katawan.
'Saan na ba ako? Ano ba 'tong lugar na 'to?'
"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ng kung sino. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo, pero ingat-ingat dahil baka matamaan ko ang mga namayapa na. Pinunasan ko ang aking mukha dahil sa pawis na namumuo doon, pero imbis na makuha ang pawis ay mas lalo itong napalala at mas dumami pa dahil sa dugo na nasa aking mga kamay. Hindi ko na lang ito pinansin.
"Pakiusap tulungan niyo naman kami!" pagmamakaawa na naman. May babaeng kasa-kasama ang kanyang anak na babae, yakap yakap niya ito at kasalukuyang may kinakaharap silang isang... DEMONYO?! Napatigil ako sa aking kinatatayuan at napatakip sa aking bibig at lumaki ang aking mga mata.
'Paanong may demonyo?! Saan galing 'yan?!'
"Pakiusap, huwag mo kaming sasaktan!" pagmamakaawa niya na lumuhod na sa harap ng demonyo. Isa iton maitim at mabalahibong nilalang, may dalawang malalaking sungay at may mahahabang kuko at ngipin, meron din itong pakpak na tila'y sa paniki, at pula ang mga mata nito at walang ni katiting na emosyon ang makikita. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila at sinipa ang sa tiyan ang demonyo.
'Kahit na anong mangyari sa akin, tutulungan ko sila."
"Hoy demonyo! Face me instead of this poor people!" malakas kong sigaw sa kanya. Ngumisi ito na tila naggagalak akong makita, at humakbang paabante papunta sa akin. Kaya humakbang naman ako papaatras.
'Bakit masaya ata siya na makita ako?'
"Ang... Itinakda..."
"Calixzphere!!" agad akong napabangon nang marinig ang sigaw. Nakapalibot sila sa aking lahat, ang aking mga kuya, si Chelsea, Kian, Keith, Shiki at ilan sa mga kakilala namin pati na rin ang council. Sinapo ko ang aking dibdib at sunod sunod ang aking mabigat na paghinga.
BINABASA MO ANG
Willford Zixcelle University
RandomCalixzphere Fallzhinne a girl you've never met until now. Born with a silver spoon on her mouth. Authority, respect and discipline is her thing. She was destined to be special, special among the rest. Behind her angel looks is a devil in disguise. M...