Chapter 25: Love Guru (Last Part)

50 5 0
                                    

🌿🍁🍀🌸🌹🌿🍁🍀🌸🌹🌿🍁🍀🌸🌹🌿🍁🍀🌸🌹🌿🍁🍀🌸🌹🌿

Note: Di po ako gumamit nang ganito na font sa dialog thanks!

Calixzphere's POV

Oh yan! Tapos na! Tapos na pala kaming mag luto. Buti nalang masunurin tong assistant chefs ko. Matapos maluto pina upo ko na sila sa table, siyempre hindi mismong sa table, sa chair na nakapalibot sa lamesa. At nag simula na akong mag salok ng mga niluto ko sa bowl at sa mga plate. At nung matapos na, sinerve ko na ito, nung makita nila, siyempre nagningning ang mga mata nila. Ako pa!

"Wow! Ang sarap naman ng mga mukha nito"namamanghang sabi ni Chelsea, ay di ko pa pala nasabi na nakarating na siya sa dorm ko.

"Pang professional ang plating. Ang astig!"komento naman ni Kian.

"Mukhang kumain lang ako sa restaurant!"sabi naman ni Shiki. Okay, tumaba puso ko dun.

Nagtanong sila kung ano ang mga dishes na yun nang kumalabog ang pintuan. At tumakbo papalapit sa amin ang dalawang mokong. Oh diba! Sabi ko sa inyo eh!

"Anong ginagawa niyo rito?"tanong ko. Kakain na kami eh.

"Hinahanap namin si Kian, at may nakapagsabi sa amin na dito siya pumunta. At nagmadali kami dahil, manlilibre daw sana si Kyle ng dinner, pero ito kakain na pala siya"sabi ni Keith tapos napatingin siya sa food na nakahanda. At mukhang nag laway siya. Oy! Koya!! Laway mo po!

"Dude!! Laway mo!"sita sa kaniya ni Kian na ikinatawa naming lahat, oo sumali ako. Natapos ang tawanan namin nang tinignan nila ako na nagtataka. Ano ginawa ko?

"Tumawa ka?"tanong ni Kian. Tumango naman ako.

"Tumawa ka. Tumawa ka! Yes!!!! Tumawa na rin si Miss Coldie!!!!!"sigaw niya. At naghiyawan naman sila na ikinangiti ko. Miss Coldie? What the eff is that?

Tapos nagulat nalang ako sa sinabi ni Kyle. Ganito kasi eh.

"Ang ganda mo pag ngumiti"nang sinabi niya yun nagkarera ang tibok ng puso ko. Okay, mukhang may problema ako sa puso.

"Aishh!!! Sige kain na tayo"sabi ko.

"Teka wait lang picture!!!!" At pinicturan ni Shiki isa isa ang mga dishes na niluto ko.

"Ano pala toh?"tanong ni Chelsea. Mga anak mayaman nga, di alam ang Filipino cuisine.

"Siyempre, alam ko na alam niyo ang adobo, yung isang yan sinigang. Ito naman paksiw. Ito namang isa relyenong bangus. Ito menudo, caldereta,at afritada"nakangiting sabi ko. Nagyaya na silang kumain at ayun lafang time!!!! Gulat naming tinignan si Kyle. Anyare neto? Di nakakian ng isang linggo?

Kasi nung una sobrang liit nang kanin ng kinuha niya at sobrang liit ng kinuha niyang caldereta at mukhang nandiri pa siya ng konti. Pero nung kinain na niya, inubos niya ito at kumain pa siya at kuha pa nang kuha kahit puno pa ang bibig. Ang cute niya!

"Ang cute mo"sabi ko at napatingin naman sila sa akin. Anong problema sa sinabi ko? Pati si Kyle na kain ng kain napahinto rin.

"Kian, alam na natin gagawin"tumango lang si Kian sa sinabi ni Shiki at nagsimula din silang kumain ng napakarami. Ay shit! Ang sinuglaw.

"Guys, babalika ko nakalimutan ko ang isa"tinangoan lang nila ako. Pumunta ako sa kusina at, kinuha ang sinuglaw. Nung bumalik ako, nilagay ko ito sa gitna. At pinagtitinginan naman nila ito.

Willford Zixcelle UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon