Lia's POV
"Baby, wag ka na umiyak okay? Kuya is already fine. Natutulog na lang si kuya kaya stop crying na." pag-aalo ko sa anak kong todo yakap sa akin at isinubsob pa ang ulo nito sa leeg ko. I just rubbed her back at pilit pinapatahan kaya.
"Sino pinag-iwanan mo sa mga bata, Lia?" madiing tanong ni Gideon. Tiningnan ko ito at tumingin lang ng matalim sa akin. Di ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko. Di ko man lang sila naihabilin ng maayos sa kapitbahay.
"Nasabihan ko lang yung kapitbahay na i-check ang mga bata from time to time. Di ko naman akalain na magiging ganto---" pagdadahilan ko at nakita kong nalukot ang mukha nito at iniwas ang tingin. He took a deep breath at napapikit. Kita ko namang hinawakan ito ni Dhanzelle sa braso at nakita ko namang kumalma ito.
"Alam mong pwede mong ihabilin ang mga bata sa akin, Lia. Tinuring ko na din silang akin at kaya kong maglaan ng oras para sa kanila." mahinahong sabi nito. Napayuko na lang ako at sinilip ang batang akay akay kong ngayon ay payapang natutulog kaya lumapit ako sa sofa na andito sa kwarto ni Giovanni at inilapag ito. Kinuha ko ang coat ko at tinakluban ito para di lamigin.
"Di mo kailangan gawin 'yon kasi andito na ko." isang baritonong boses ang nagsalita kaya napatingin ako sa direksyon kung saan galing yon. Nakita ko ang madilim na mukha ni Gio kaya mas lalonng dumagundong ang bawat tibok ng puso ko. Unti-unti itong pumasok at tinignan ang anak nitong natutulog sa hospital bed na ngayon ay may benda sa ulo at ang natutulog na Lianna sa sofa.
I saw Dhanzelle pulled Gideon palabas habang yung isa ay nagpupumiglas pa pero nang tumingin ito sa akin as I mouthed 'go' ay wala na itong magawa at nagpatangay na lang ito sa babae. The moment they closed the door, the only people left we're us. Ako, si Gio, and out children.
Nakita ko itong kumuha ng monoblock at umupo sa tabi ng kama ng anak nito. Nakatitig lang ito sa mukha nito at inabot ng nanginginig na kamay ang kamay ng anak na natutulog. I saw his lips tremble so he bit this trying to suppress the tears welling up on his eyes but he failed.
Tuluyang tumulo ang mga luhang pinipigilan habang pinagmamasdan si Giovanni.
"He looks just like me, Lia." bulong nito gamit ang boses na ngayon ay naging garagal na. Ibinaba na nito ang kamay ng anak at dahan-dahang binaling ang paningin sa ngayon ay mahimbing na natutulog na Lianna. He carefully stood up from the chair not making a sound and closed the distance between him and his daughter kaya ngayon ay nasa tabi ko na.
Lumuhod ito sa harap nito and combed her hair. Naramdaman naman siguro ng isa at wala sa sariling kumapit sa kamay na ngayon ay hinahaplos ang pisngi nito. His eyes directly went to that at bahagya itong natigilan. "They're so tiny." kumento nito at tumingin sakin.
Sadness. His eyes screamed sadness.
Tumayo na ito at tumingin sa aking mga mata. "Why?" that single word sent so many emotions.
BINABASA MO ANG
His Broken Vow
General FictionGio Acejo's Story Date Started: October 31, 2015 Date Finished: (On-Going)