12

11K 335 26
                                    

Lia's POV


"Ako na ang magbubukas ng pinto." sabi ko at tumayo na. As I walk my way to the door, di ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.


I unlocked the door and opened it at bumulaga sa akin ang isang taong nag-aalala.


"Andito ka lang pala. Iniwan mo ako dun sa opisina. Ako na yung binobomba ng mga katrabaho natin about sa inyo ni Sir dahil kaibigan daw kita baka may pwede daw akong ichismis sa kanila." nagtatampong sabi ni Dhanzelle sa akin.


"It's just-----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang pumasok si Dhanzelle sa bahay.


"Andito ba si Gideon?" excited na tanong nito.


"Oo nasa kusina." pagkasabi ko pa lang na nasa kusina si Gideon at tumakbo na ito papunta doon. Kaya natawa na lang ako.


"Eeeww! Bitawan mo ako! Sisigaw ako ng rape! WAAAAHHH!" narinig kong sigaw ni Gideon sa kusina at kasunod noon ang munting halakhak ng mga bata. I walked my way back to the kitchen at sumalubong sa akin si Gideon na nandidiring ibinabaklas ang pagkapulupot ng mga braso ni Dhanzelle sa braso nito.


"Ano ba, Gideon! Nanlalambing lang eh. Dapat masanay ka na. Ikakasal din naman tayo." natatawang sabi nito at hinigpitan pa lalo ang pagkakakapit sa braso ni Gideon.


"Eeewww. Ayokong magpaSAKAL sa'yo!" sigaw ni Gideon na ikinasimangot ni Dhanzelle.


"Ikaw ha. You hurt my feelings." pagdradrama ni Dhanz at padabog na umupo sa upuan ko't sinubuan na lamang ng pagkain si Lianna.


"Ashuu. Baka magka-developan kayo niyan." tukso ko sa kanila.


"Ako matagal na. Siya hindi PA." sabi ni Dhanzelle.


"Hinding-hindi! Walang PA dahil hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo! Never as in never!" sabi ni Gideon kay Dhanzelle.


Napailing na lang ako sa dalawa.


Di ko alam kung totoo bang may gusto si Dhanzelle kay Gideon o di kaya ay iniinis lang nito si Gideon. Pero infairness ha. Ang cute nilang dalawa. Bagay sila!


"Papa Daddy, food!" naiinis na sabi ni Giovanni na dahilan para mapatingin ako sa kanila. I saw Gideon stuck his tongue out na tila iniinis si Dhanzelle. Si Dhanzelle naman ay ganun din ang ginagawa.


"Kung maglalambingan lang din naman kayo, dun kayo sa sala." natatawang sabi ko sa kanila na dahilan para iiwas ang kanilang paningin sa isa't-isa at sinubuan muli ang mga anak ko.


"Mabuti pa sana kung ikaw yun. I'm very much willing to love you and marry you." may ibinulong si Gideon na hindi ko narinig. I just didn't mind it.


Ang kailangan kong pagtuonan ng pansin ngayon ay kung paano ko haharapin si Gio muli. Dahil bali-baliktarin man natin ang mundo. Hindi maiiwasan na baka magkasalubong kami sa opisina.


I sighed deeply.


"Ang deep ha! Baka makita mo na si Adele na gumugulong niyan." natatawang saad ni Dhanzelle na ikinanuot ng ulo ko.


"Ay ang slow. Rolling in the Deep by Adele. Sa sobrang deep you can see Adele Rolling. Di mo gets?" di makapaniwalang sabi nito. I just shook my heads sideways.


"Ha-ha-ha. Nakakatawa Dhanzelle." sarkastikong sabi ni Gideon.


Hay nako. Away na naman 'to!


--


The next day, I went to the office as early as possible para maiwasan ko ang possibility na makasalubong si Gio.


I went to Log-In but before I could do that someone called my name.


And that made my heart beat fast.


"Lia." tawag nito sa akin. I turned around to see his face.


To see Gio standing in front of me.


"Can we talk?" sabi nito.


"Talk? Sure, sir." magalang sa sabi ko.


"But after the office hours sir. Marami pa akong trabahong dapat tapusin." pagpapaalam ko and parang sinasabi ko na rin na I don't want to talk to you now.


"Alam mo you can stop working, Lia. Andito na ako. Ako na bubuhay sa'yo." sabi nito that stopped me from my tracks.


"Ano ngayon kung nandito ka na? Ako ang bumuhay sa sarili ko for the past 3 years na walang ikaw. At kayang-kaya kong buhayin ang sarili ko sa mga susunod pang mga taon." I said and turned my back.


"Dahil ba iyon sa lalaking yun? Sa lalaking sumagot sa tawag ko dati? Sa lalaking nakita kong kayakap mo ng tumakbo ka paalis sa akin?" galit na saad nito.


"Bakit ganun kadali para sa'yo na kalimutan ako? Ako tatlong taon na akong nagdurusa sa paghahanap sa'yo. Di ako makatulog sa gabi kakaisip sa'yo. Ako, di ako naging masaya dahil wala ka na." malungkot na sabi nito. I can sense na pinagtitinginan na kami ng mga katrabaho ko na nagsidatingan na.


"7 days ang hiniling mo, pero hanggang 6 na araw ka lang. Ang daya-daya mo." sabi pa nito. I turned at him.


"Anong pinagbago kung hindi ako umalis? Wala naman diba?" singhal ko sa kanya.


"Wala? Akala mo lang wala. Dahil on the 7th day, I should've told you I love you." that made my heart stopped beating for a second.






"Kung sana isang araw pa ang inilagi mo sa tabi ko sana hanggang ngayon magkasama pa tayo. Pero umalis ka kaya 3 taon din tayo nagdusa. Kita mo. Isang araw lang pero malaking bagay ang nagawa nito sa buhay natin. Sana bigyan mo pa ako ng isa pangpagkakataon para makasama ka ulit. Sapat na siguro ang 3 taon hindi ba?"




His Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon