2

12.3K 346 19
                                    

Gio's POV

Kinapa ko ang kabilang side ng kama. Pero walang tao. Agad kong iminulat ang aking mga mata to see a vacant space sa tabi ko.

I sat up habang kinukusot-kusot ko pa ang aking mga mata.

"Lia?" tawag ko habang papalapit sa CR.

I opened the door pero walang tao.

I went downstairs and called her again. But there is still no response.

I sat down at the couch sa sala. Baka kasi lumabas lang iyon sandali.

It wasn't that long ng marinig kong bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Lia na bitbit ang ilang plastic.

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya habang kinuha ko ang ilang plastic nabitbit nito.

"Namalengke ako. Kaunti na lang kasi ang stocks natin." sabi nito.

Dirediretso lang kami sa kusina at inilagay niya sa ref ang mga pinamili niya.

Tinulungan ko na rin siya sa ginagawa niya.

"Sana doon na lang tayo namili sa mall. Ayan tuloy namalengke ka pa ngayon." sabi ko habang busy pa rin sa paglalagay ng mga pinamili niya sa cupboard.

"Nakaligtaan ko kasi. Hayaan mo na. At mas mura naman ang bilihin sa palengke kaysa sa mall. At least tipid." sabi niya na ikinangiti ko. Eto kasi ang isa sa mga traits ni Lia na gustong-gusto ko. Na kahit may pera kami, mas pipiliin niya yung kung saan makakatipid.

"Ayan ka na naman sa pagtitipid mo." natatawang mungkahi ko. Narinig ko rin ang muntik tawa nito. Ang sarap pa rin pakinggan ang kanyang mga tawa. Tila isa itong napakagandang musika.

"Oh ayan. Tapos na." sabi ko ng matapos ako sa gawain ko at tiningnan si Lia habang hinihiwa ang mga ingredients sa lulutuin niya.

"Anong lulutuin mo, Wifey?" tawag ko sa kanya at nakita ko naman siyang natigilan and a smile crept up her face.

"Ang paborito mo." sabi nito. Napangiti ako. Matagal-tagal na rin noong huli kong natikman ang luto niya. Lalong-lalo na yung paborito kong kare-kare.

--

"Hmmmmm. Ang bango-bango naman ng niluluto mo, Wifey." mungkahi ko sa kanya and gave her a back hug.

"Alam ko. Kare-kare ko kaya ang pinakamasarap na kare-kare sa buong mundo." sabi nito na ikinatawa ko. Totoo naman kasi. Yung kare-kare kasi niya ay kakaiba sa ibang kare-kare na natikman ko.

May iba talaga dito na hindi mo matitikman sa iba.

His Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon