Chapter 1: Blaze Hidalgo

17 5 2
                                    

"Hi! I'm Blaze Hidalgo,17,my height is 6'2. I don't think na kailangan ko pa sabihin kung san ako nakatira baka dumugin niyo pa ako" pakilala ko sa mga magiging kaklase ko,btw,im a transferee student here in SDU short for Silver Dusk University. 

Hinihintay ko na lang sabihin ng teacher sa harap kung san ako uupo. "Mr.Hidalgo you can sit anywhere at the back. Hope you understand kung bakit sa likod kita ilalagay." natatawang sabi ni Mrs.Romana at ng iba kong kaklase. 

"Uhmm...Yes,I understand" bakit ba kasi napaka tangkad ko. My mom is just 5'3 and my dad is just 5'10. San ko naman nakuha yung 6'2,ugh never mind.

Habang papa upo ako narinig ko yung mga babae kong kaklase na nagbubulungan. "OMG! He's so gwapo,look at his eyes its like dark chocolate tapos natapatan sya kanina ng araw from the window and his eyes turn into a hazel brown.Tapos sobrang tangkad niya pa.Lahat siguro ng makakakita sakaniya dito sa university magugustuhan siya even the seniors.Grabe its so unfair,lalong tataas ang standards ko sa lalaki. And last we're so swerte kasi kaklase natin siya.OMG! talaga huhu." bulong nung babae na short hair na medyo kinikilig kilig pa.

Medyo napangiti tuloy ako hindi dahil sa parang gusto niya ako it's because she compliments me. Pero biglang nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang sagot sakaniya ng katabi niyang babae. "Avianna ano ba! How could you say na tataas na naman ang standards mo?! Just because of his eyes and height. Tss...I bet yan lang sya" at umirap pa ang babaeng nagsabi sa short hair na ang name pala ay Avianna. But WTF! Did she just said Avianna na eto lang ako. Hell NO!

I coudn't help but step backward and lean a little bit to the both of them. "Uhmm...excuse me miss" they both looked at me. I offer my hand sa babae na nagsabing eto lang ako and said "Hi! I bet you don't know me well so I'll introduce myself. I'm Blaze Hidalgo,transferee ako kasi nag send ng email saakin ang SDU they want me to represent this school in the upcoming Basketball League. And I heard you said to Avianna na eto lang ako. Yes! eto lang ako ang magrerepresent ng school niyo kasi ako yung 8 times MVP ng basketball. I choose this school kasi akala ko mababait ang students. Mukhang nagkamali ata ako dahil unang araw ko pa lang ay nahusgahan agad ako" she's about to grab my hand but then naisip ko ulit yung sinabi niyang eto lang ako so binawi ko yung kamay ko at dumiretso na sa upuan ko.

Grabe sya magsalita akala mo naman she's perfect. I bet mas mabaho pa ang utot niya kaysa saakin. Medyo naguilty ako nung nakita kog nag iba ang expression ng mukha niya pero sinabi ko lang naman lahat ng iyong para ipaintindi sakaniya. Ugh nevermind sinisira lang niya ang mood ko. Nabalik ako sa ulirat ng biglang may nagsalita sa tabi ko "Wassup dre,I'm Apollo Lorenzo you can join with us later sa lunch." I offer my hand and we did a handshake,I guess he is my new friend starting today. 

Hours had passed and we're now walking in the hallway to go to the cafeteria. Lahat ng madadaanan namin ay pinagbubulungan ako. "Dre,sobrang famous mo na agad kanina ka pa nila pinagbubulungan yung iba naman pinagpapantasyahan ka na" sabi ni Cyrus. Apollo introduced him to me habang nagdidiscuss si Mrs.Romana kanina. Natawa naman si Apollo sa sinabi ni Cyrus kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang sabayan sila sa pagtawa. 

We arrived here sa cafeteria at nagpresenta na si Cyrus na siya na ang oorder dahil baka mas pagkaguluhan daw ako kapag tatlo pa kami. Hindi naman sa pag mamayabang pero feeling ko tuloy artista ako because of the term na "pagkakaguluhan" natawa ako ng bahagya. Apollo and I are looking for a vacant sit at nakahanap naman agad kami sa may sulok ok na rin siguro dito para hindi agaw pansin. Dumating na si Cyrus dala ang dalawang tray,ang gwapo niyang tignan he has a masculine body,I think he's 6 flat,he has a messy hair like me mas mahaba nga lang ang sakin and their family owns a firm company. 

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Cyrus "Hays iba talaga ang advantage kapag gwapo" natatawa tawang sabi nito at kunwari pang nagpupunas ng pawis. Binato naman ni Apollo ng plastic bottle si Cyrus sabay sabing "Gago ka talaga ginamit mo na naman yang kamandag mo kay Ate Cynthia,btw,si Ate Cynthia ang paborito naming tindera dito napaka bait kasi niya at maaasahan matandang dalaga nga lang". Nagtawan kaming tatlo habang kumakain dahil sa mga kwento ni Cyrus.

Bahagya naman akong naglingat lingat at napadako ang mata ko sa katapat naming puwesto. I saw Avainna and the long hair girl, I still don't know her name. I saw Avainna smiling at me so I smiled back cause she's my classmate and also I'm not that masungit you can approach me anytime and anywhere. i just don't want people talking behind my back lalo na kapag hindi naman nila alam ang totoong nangyari and last they don't actually know me well. Kung may papayagan akong husgahan ako yun ang ang parents ko.

  "Dre,kanina pa nakatingin sayo si Avianna. Talagang type na type ka niya" sabi ni Apollo habang tumatawa. "Naiilang na nga ako sa tingin niya eh parang anytime maglalaho na ako na parang bula." biro ko at nagtawanan ulit kami. "Uhmm..mind if I ask a question?" tanong ko sa dalawa. Binato ako ni Cyrus ng bote buti na lang nasalo ko agad ito "Eh nag tatanong ka na nga e HAHAHA" at nagtawanan na naman kaming tatlo.

  "So eto na nga, anong name ng girl na kasama ni Avianna?" I frankly ask them. "Oooh..bakit type mo?" Cyrus asked me,at umiling ako. "She's my cousin in mother's side Freyja. Why did you suddenly ask?" sabi ni Apollo. "Oooh...so she's your cousin. Buti na lang magkaiba kayo ng ugali. She's kinda annoying" I answered back.

  "How did you say na she's kinda annoying? Dre yan na ata ang pinakamabait,pinakamatalino at pinakamagandang babae dito sa SDU" sabi ni Cyrus. "Yeah she's pretty,but she judged me awhile ago. She said to Avianna 'I bet yan lang sya' and it's kinda annoying for me kasi paano niya nasabi na eto lang ako eh ngayon lang kami nagkita.Tsk." napa ayos ako ng upo sabay irap sa kawalan at ayos ng buhok hinawi ko ito pa itaas dahil napupunta na sa aking mukha. 

Nagulat naman ako ng may marinig kaming nag sigawan,akala namin ay kung ano na ang nangyari. "Dude pati pag ayos mo ng buhok pinagkakaguluhan HAHAHAHAHA" utas na sabi ni Cyrus. "Tsaka dre baka wala lang sa mood si Freyja or kaya nag away na naman ang parents niya. Madalas kasi na mag away ang parents niya at madalas rin na nadadala niya ang problema niya dito sa school kaya siguro niya nasabi yon sayo." paliwanag naman ni Apollo. "Oo nga dude pagpasensyahan mo na yan si Freyja" pag sang-ayon naman ni Cyrus. Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon rin na ayos na ang lahat. Malapit na mag time kaya we decided na pumunta na sa classroom.

Scar of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon