Chapter 9 : Isn't it too early?

2 0 0
                                    

*Freyja's POV*

Hindi pumayag si Blaze na tanggihan ko ang iniaalok nyang pagkain saakin. Kaya tinanggap ko na ito.

"Kanina pa ako kwento ng kwento ah, ikaw naman" he said while pouting. Holy Cow he's so cute, kaya hindi ko napigilan na sunggaban sya hindi para halikan kundi para pisilin ang pisngi nya dahil nakaka gigil sya. 

Hindi basta-basta natapos ang pag pisil ko sakanyang pisngi dahil gumanti sya saakin, at heto kami ngayon nakahiga sa sahig at nagkikilitian. Makalipas ang ilang minuto naming pagtatawanan at kakulitan ay umayos kami ng upo.

"Wala namang interesting sa buhay ko, kaya ano namang ikukwento ko." pagbabalik ko sa pinag uusapan namin kanina. Nakita ko ang pag tingin nya saakin.

"Just tell me about you. Yourself, your family, your wants and etc" he said na para bang interesadong-interesado sya saakin. Kaya inayos ko muna ang aking pagkaka upo bago magsalita.

"I'm Freyja Khalida,17 years old and I like to write poems lalo na kapag bored ako. I like listening to music especially The 1975 and A Rocket to the Moon." I said.

"And about my wants..." bahagya akong napatigil at napakagat ng labi dahil naiiyak ako, huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy sa pagkukwento. "I want my family to return to the old times. I want us to be complete again. Nagkalamat ang pamilya namin simula nung magtrabaho si Daddy abroad." I stopped kasi umiiyak na ako, hindi ko na napigilan

"S-simula non h-hindi na kami nakakakain ng sabay-sabay. Ni h-hindi na nga kami na-nagkikita-kita sa bahay eh" tuloy-tuloy kong kwento kahit nauutal na ako sa kakaiyak.

Mas lalo akong napahagulgol nang yakapin ako ni Blaze ng mahigpit. "Shh...stop crying please. I'm sorry dapat pala hindi na kita pinilit na magkwento" he said while looking into my eyes, I saw sincerity and peace in it.

 At sa mga oras na'to pakiramdam ko ligtas ako. I feel like I've already found my home, kaya napayakap na rin ako sakanya ng mahigpit.

"S-sorry n-nabasa ko ang damit mo." sabi ko habang lumalayo sa pagka-yakap sakanya. "And you don't have to say sorry. It's not your fault." I said while trying to smile. To make him sure na hindi talaga nya kasalanan.

He hugged me again and said "From now on, you don't have to deal with your problems alone. Sasamahan kita, haharapin natin 'to ng magkasama." pagkatapos nyang sabihin 'yon ay hinalikan nya ako sa aking noo.

"Stop crying" he said while wiping my tears. Tapos tumayo sya para kuhanin ang dala-dala nyang gitara kanina. Pumwesto sya sa harap ko at iniayos ang gitara.

"I don't know if this will make you feel better." he said then start to strum the guitar.

What time you coming out?
We starting losing light.
I'll never make it right
If you don't want me around,
I'm so excited for the night.

OMG! It's my favorite song "Fallingforyou by The 1975". His voice makes me calm, I know that in myself. Nang malapit na syang magchorus ay sumasabay ako ng paunti-unti.

Don't you see me?
I, I think I'm falling, I'm falling for you.
Don't you need me?
I, I think I'm falling, I'm falling for you.

And on this night and in this light,
I think I'm falling, I'm falling for you.
Maybe you'll change your mind
I think I'm falling, I think I'm falling.

Habang kinakanta nya ang bawat linya. Nakatingin lang kami sa mata ng isat-isa, bilang sa isang kamay ang beses na kumurap kami simula ng kantahin nya ang chorus. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto nyang kumawala at sabihin na "Gusto kita Blaze. Gustong-gusto".

Huminto sya sa pagkanta at nagsalita "Freyja Khalida, can you be my girlfriend?" 

Nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Isn't it too early? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "You don't have to answer me now. I'm not rushing you. I just want to let you know that I have a feeling for you, I don't know when did it starts. Nagising na lang ako isang araw ikaw na ang isinisigaw ng puso ko." dere-deretchong sabi nya habang hinahaplos ang aking mga kamay.

"Oo Blaze payag akong maging girlfriend mo" I said while smiling at him dahil naisip ko na bakit ko pa sya paghihintayin e mahal ko rin naman sya. Nanlaki ang mata ko ng bigla syang umamba ng mahigpit na yakap. At sa pangalawang beses, humalik ulit sya sa aking noo. Napangiti ako ng makita ko syang sobrang saya.

"That smile." he suddenly said.

"Iyan ang mga ngiting gusto kong makitang muli sa'yo. At masaya ako dahil ako ang dahilan ng mga ito." nakangiting wika ni Blaze.

"Ano bang sinasabi mong ngiti?" natatawang tanong ko.

Kinuha nya ang cellphone nya at nagscroll dito. "This" he said at iniharap saakin ang cellphone. It was my picture and that was the time na masaya pa kami ng pamilya ko, wala pang away na nagaganap. Also, that was the time na hinatid namin si daddy sa airport at kung alam ko lang na mag-iiba ang pamilya ko dapat pala hindi na lang kami pumayag na umalis sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scar of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon