*Freyja's POV*
Mrs.Romana came holding her class list. We all know na kapag dala ni Ma'am ang class list ay may group project na magaganap. At ang nakakainis sa lahat ng group project ni isang beses ay hindi ko pa nagiging kagroup si Avi. I hope this time kagroup ko na siya para naman comfortable ako huhu. We all fixed ourselves when Mrs.Romana spoke. "I bet you all know the meaning of this class list except kay Mr.Hidalgo." natatawa tawang sabi ni Ma'am. Napalingon ako kay Blaze and he's looking in front sitting up straight with his arms crossed. Pero bago pa niya ako makitang nakatingin sakanya humarap na ulit ako para makinig sa mga members.
Mrs.Romana starts distributing the group members at masaya ako dahil hindi pa kami natatawag ni Avi huhu sana talaga magkagroup kami. "And for the last group, Group 5. Khalida, Francisco,Lorenzo,Villarreal and last Hidalgo.Now fix your chairs and go to your respective groups" Mrs.Romana said. Sobrang laki ng ngiti ko dahil this time kagroup ko na sa Avi hihi. "OMG kagroup natin si Blaze hihi." natutuwang sabi ni Avi. Nawala ang aking ngiti dahil naalala o na naman ang kahihiyan na nasabi ko kay Blaze. Nakayuko akong lumapit sa kanila samantalang si Avi naman ay ngiting ngiti.
"Hi Blaze! I'm Avianna nga pala. If you need help you ask me." pakilala ni Avi kay Blaze habang nakangiti. "Hello,uhm..I know you already na" he said while smiling. Oh God! How can he smile like that,never ko pa nakitang nag smile si Cyrus ng ganon,though gwapo pa rin naman siya hehe pero iba yung smile ni Blaze.Argh never mind. Siniko ko ng palihim si Avi sana naman magets niya ang gusto kong iparating,na hindi ko kayang magpakilala kay Blaze huhu nahihiya pa rin kasi ako. Para akong nabunutan ng tinik ng magsalita ulit si Avi.
"This is Freyja nga pala,and she's so shy to say sorry pala to you sa nangyari" nahihiyang sabi ni Avi. OMG nadadamay pa sya sa kahihiyan ko huhu sorry Avi. "Uhm that incident...forget about that,btw hi" he said then gave me a smile na sinasabing wala na yon. Ngumiti na lang din ako at tumango. Minutes had passed then pinaliwanag na ni Ma'am ang gagawin namin. We have to create blueprints or floor plans of a scene described in a chosen novel.
"Thank God kagroup kita Cyrus huhu...hindi ko talaga kakayanin ang mag drawing mag isa" Avi said. Natawa kami sakaniya dahil parang ikakamatay niya kapag nag drawing siya HAHAHA. "Eh do you have any suggestions ba kung anong novel ang pipiliin natin. Any novel will do kayang kaya yan ni Cyrus." Apollo said.
"Yes kayang kaya ko pero tutulungan niyo pa rin ako ano kayo sinuswerte" natatawang sabi ni Cyrus. "I can help you in making the blueprint, I know how to draw naman kahit konti" napatingin kaming apat sa nagsalitang si Blaze. OMG he also knows how to draw. What a perfect human being. "Nice! Ikaw na talaga dre HAHAHA" sabi ni Cyrus kay Blaze at bahagya itong siniko,natawa naman si Blaze.
"Nasa'yo na ang lahat" sabay na sabi ni Apollo at Avianna at nagkatinginan naman ang dalawa. Bahagya kong siniko si Avi at natawa dahil pulang pula siya ngayon. Kita ko rin ang biglang pagtahimik ni Polo,kahit hindi niya sabihin ramdam at pansin ko naman na may gusto siya kay Avi. Sa mga pagnakaw pa lang niya ng tingin kay Avi na akala niya hindi ko nakikita. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang ligawan si Avi,tsk napaka torpe kasi. Pag may chance nga tatanungin ko tong si Polo,tutulungan ko naman siya eh kasi boto ako sakaniya HAHAHA wag na wag lang niyang sasaktan ang best friend ko dahil ako na ang makakalaban niya HAHAHA. At pinagpatuloy na nga namin ang pagpaplano ng para sa group project namin.
"If you guys want sa bahay na lang tayo mag gawa ng project tomorrow,saturday naman" Blaze said while smiling. Polo and Avi agreed so tumango na rin ako at tumngin naman kaming apat kay Cyrus na hindi pa sumasagot."Ofcourse agree ako ayaw ni Blaze na natatambakan siya ng gawain eh HAHAHA" sabi ni Cyrus habang tumatawa.
"I'll create a gc para na rin sa mga announcements at para na din malaman kung saan ang bahay ni Blaze. Ok lang ba sainyo?" Avi ask. Tumango naman ako kay Avi at ganon din ang tatlong boys. Sabay-sabay namang nagvibrate ang phone namin. Nagulat naman kaming apat ng makita namin ang cellphone ni Blaze dahil sobrang kakaiba ito. "Woah dre di mo naman kami sinabihan grabe naman yang cellphone mo." manghang manghang sabi ni Cyrus at sumang-ayon naman si Polo at Avi samantalang heto ako nakatingin sakaniya at sa phone ay at naghihintay sakaniyang sagot.
"Uhmm..this was my dad's birthday gift to me when I was 7 years old. Pinagawa niya to sa friend niya customized kumbaga" nahihiyang sagot niya. Holy cow bakit siya nahihiya e ang ganda nga kung may pagkakataon lang magpapagawa rin ako non kaso mukhang mahal HAHAHA.
Napaayos naman kami ng sabihin ni Mrs.Romana na magsibalik na kami sa aming kaniya-kaniyang upuan. "Grabe! He's so easy to approach and he's not masungit like other transferees na akala mo sila ang may ari ng school kung umasta." nakangiting sabi ni Avi ng maka upo kami. Tumango na lang ako biglang pagsang-ayon. Hours had passed. Yes! uwian na.
Lumapit kami ni Avi kay Polo na nag aayos ng kaniyang gamit dahil sasabay kami sakaniyang umuwi,actually hatid sundo talaga niya ako dahil magkatabi lang naman ang bahay namin sinasabay na lang namin si Avi dahil Street muna nila bago ang saamin kaya una syang bumaba dinadaanan lang namin siya kapag inaayos ni Tita yung business nila abroad yung dad naman niya ay nasa heaven na. Sabay-sabay naman kaming naglakad lima papunta sa parking.
Nagulat kami ni Avi ng makita ang sasakyan ni Blaze. It's the Lamborghini Huracan Evo Spyder it is worth $293000. Holy Cow! He's so perfect na and all tapos sobrang yaman pa niya. We said goodbye to each other then sumakay kaming tatlo sa kotse ni Polo maganda rin naman ito because its Bugatti Veyron iba lang talaga yung kay Blaze. Nauna na saamin si Cyrus because he's using his motorbike today maybe nasa pagawaan ang Audi niya. Grabe rin ang tatlong ito mga gwapo na pati sasakyan gwapo rin HAHAHA. Naihatid naman namin ng maayos si Avi at heto ako nakahiga naghihintay na tawagin ni Nanay Lucy halos siya na lang lagi ang kasama ko dito sa bahay kaya mas malapit pa kami sa isat-isa kaysa kay mom.
BINABASA MO ANG
Scar of the Wind
FanfictionAng kwento kung saan ang kanilang happy ending ay naudlot dahil sa isang malalang aksidente. Ano kaya ang kahihinatnan ng dalawang taong nagmamahalan?