*Freyja's POV*
I decided to eat lunch sa secret place ko, wala rin naman akong gagawin dito sa bahay. Nag bike na lang ulit ako dahil masyadong matagal kapag nilakad ko.
Nakarating naman ako ng ligtas,agad-agad naman akong humanap ng pwesto at nakita ko yung Narra Tree sa may bandang gitna kaya pumunta ako doon. Hindi rin masyadong mainit sa pwestong 'to. Inilatag ko ang dala kong kumot para maka upo ako ng maayos.
Kinuha ko naman ang laptop ko sa bag para magsulat ng mga tula, hilig ko rin kasi ang magsulat ng mga tula lalo na kapag wala akong ginagawa. Kumuha na rin ako ng dala kong sandwich.
"Yan lang kakainin mo?" muntik ko ng maihagis ang laptop na nakapatong sa hita ko ng biglang may nagsalita, kilala ko ang boses niya. Ano kayang ginagawa nya dito? Nilingon ko sya, at kitang kita ko ang pagtawa niya, cute HAHA.
"B-blaze?! A-anong g-ginagawa mo dito?" I don't know why I'm stuttering right now huhu I was just asking him a question lang naman. Now he's laughing again pero this time hawak na niya ang tiyan niya. "What's funny?! Bakit utas ka na? Happy pill mo ba ko?" hindi ko alam kung saan ng galing ang huli kong tanong pero hindi ko na mababawi yon kaya papanindigan ko na lang.
Tumigil sya ng kakatawa at inayos ang sarili bago magsalita. "You know what, you're so cute." sabay lapit ng kamay nya para alisin ang sauce sa gilid ng labi ko. Shit nakakahiya may amos pala ako. "And what if I told you na happy pill nga kita, anong gagawin mo?" he said while smirking. TF! Bakit ko ba kasi tinanong yon, nakakahiya huhu.
Pero teka, ako?! happy pill daw niya ako?! Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko kaya tinakpan ko ito. Nakakahiya talaga huhu. Paano na ako bukas?
"A-ano ba kasing ginagawa mo dito?" pag iiba ko ng usapan. "This is my favorite place." simpleng sagot niya. "A-ahh..sorry sayo pala ito. Sige aalis na ako, pasensya ulit." sabi ko at nag ligpit ng gamit. Akmang aalis na ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. "No! Don't leave. Come with me, please?" he said habang nagmamakaawa ang mapupungay niyang mata.
Tumango na lang ako. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa dulo tanaw ko ang malaking Tree House sa may sulok. Napakalaki nito at naka solar pa, siguro kay Blaze ito. "Ahh...Blaze...yung kamay ko baka gusto mong bitawan" I said. "Ooohh..akala ko hindi mo napansin HAHAHA sorry" sabi niya habang tumatawa ng nakakaloko. Bwiset talaga to, kung hindi lang kita gusto eh. OMG! Did I just said na gusto ko sya?! Fine! Bahala na hindi ko na'to mapipigilan.
*Blaze's POV*
Nakatayo lang ako dito sa malayo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Mula dito sa malayo kita kong naka upo si Freyja habang kumakain ng sandwich na dala nya. Napatingin ako sa aking orasan, its lunch time. Sandwich lang ba ang kakainin nya?! Ano sya diet?!
Dahan-dahan ko syang nilapitan at hindi ko napigilan ang pag tawa ko dahil nagulat sya nung ako'y nagsalita. Hindi ba nya ako napansin habang naglalakad? Napatingin ako sa laptop na naka patong sa hita nya, maybe she's busy doing something kaya hindi nya ako napansin HAHAHA.
She was about to leave ng sabihin kong this is my favorite place but I stopped her. I want to know her more.
"Ahh...Blaze...yung kamay ko baka gusto mong bitawan" biglang sabi nya habang naglalakad kami papunta sa Tree House. Natawa naman ako ng bahagya bago ito bitawan. At naka akyat na nga kami sa Tree House.
"So you know this place rin pala" I said.
"Ahh..yes, but I discovered this place yesterday morning. So I decided to go here again, kasi I have this feeling na maraming alitaptap dito tuwing gabi." Freyja said while shyly looking at me.
"Eh ikaw? Matagal mo na bang alam 'tong place na'to?" tanong naman nya.
"Yes, 7 years old ako when I discovered this place. Sobrang taas ng mga damo rito dati, mas mataas pa sayo. Kaya kung dati ka nagpunta dito baka hindi ka mahanap" biro ko sakanya, dahil halatang hindi pa rin sya comfortable.
Hinampas naman nya ang aking braso at sinamaan ako ng tingin. At sabay kaming natawa. "I'm just joking." I said.
"7 years?! So it means 10 years ka ng pabalik balik sa lugar na ito?! WOW!" she said.
"Eh paano naging ganito kaganda ang place na ito ngayon kung masukal ito dati? So pagmamay ari nyo rin ang ilang hectaryang lupa na'to? Pasensya na mukhang naagaw ko pa ang favorite place mo." sunod-sunod naman nyang sabi.
"Teka lang ha, yung unang tanong muna ang sasagutin ko." natatawa kong sabi. "The night I discovered this place, I immediately told mom and dad kung pwede nila itong ipaayos at pumayag naman sila." paliwanag ko sakanya. Napangiti ako ng makita kong interesadong-interesado sya sa mga kinukwento ko.
"And to answer your second question, hindi ito saamin. Like I said ipinaayos lang 'to nila mom and dad. Actually, gusto nilang bilhin itong lupa but I told them na they don't have to do that kasi hindi naman ako madamot if ever man na may maka discover din ng place na ito, like you" pagpapatuloy ko naman.
Pagkatapos ng aming kwentuhan ay kumain kami ng dala kong pagkain mabuti na lang pala at dinagdagan ko ito.
BINABASA MO ANG
Scar of the Wind
FanfictionAng kwento kung saan ang kanilang happy ending ay naudlot dahil sa isang malalang aksidente. Ano kaya ang kahihinatnan ng dalawang taong nagmamahalan?