*Freyja's POV*
I was about to close my eyes but my phone vibrates. Kinuha ko ito sa side table ko at binuksan,sunod-sunod ang pagpasok ng notification saakin.
*HIGH FIVE*
Bahagya akong natawa ng makita ang group chat name namin HAHAHA. Maalin siguro kay Cyrus at Avi ang nagpangalan nito pero ang cute parang saktong sakto saamin.
*HIGH FIVE*
Blaze : Hi guys, just wanna ask what time kayo pupunta here? para maipalinis ko yung bahay at makapagpahanda ng pagkain.
Apollo : Before lunch na lang siguro dre.
Avianna : Hindi ba abala kapag nagpaluto ka pa? pwede naman tayo umorder.
Cyrus : Kahit ano na lang basta makakain tayo HAHAHA
Blaze : It's fine wag na tayo umorder magpapaluto na lang ako just tell me the foods you want :)
Apollo : Chicken na lang sakin dre HAHAHA
Cyrus : Shanghai sakin HAHAHA hindi pwedeng mawala yon
Avianna : Chicken na lang din sakin hehe
Blaze : Noted. What about you Freyja?
Freyja : Uhmm..is it ok if carbonara? hehe
Blaze : Ahh yes its fine. That's my specialty HAHA
Blaze : Magpapaluto na lang ako kay manang bukas except sa carbonara ako na ang magluluto para matikman niyo HAHA
Cyrus : Naks naman si Blaze Hidalgo ipagluluto kami. Wag naman sanang maalat HAHAHA
Apollo : Wala ka bang hindi kayang gawin?HAHAHA
Avianna : Wala ka bang hindi kayang gawin?HAHAHA
Freyja : Eh kayo kelan ba kayo hindi magiging sabay?! Magka connect ba ang mga utak nyo?
Cyrus : Oooh..wala pala kayo kay Freyja e HAHAHA
Apollo : Uhm..goodnight na guys hehe
Avianna : Goodnight na guys! Seeyaa tomorrow!
Freyja : Sabay na naman jusko HAHAHA btw,goodnight rin guys
Cyrus : Goodnight guys and sleep well <3
Blaze : See you guys tomorrow
Yari talaga sakin tong si Polo pipilitin ko na talaga tong umamin. Gosh nakaka excite! I put my phone back in my side table and I also turned off my lamp shade. While I'm hugging my favorite pillow bigla kong naalala na specialty ni Blaze ang carbonara so it means pareho kami ng favorite. Oh God! Stop assuming things Freyja si Cyrus ang crush mo. Pero teka si Cyrus pa rin nga ba? OMG! hindi na ata huhu. Matutulog na nga ako huhu baka mastress lang ako kakaisip.
Maaga akong nagising im not that excited naman maybe mababaw lang siguro ang tulog ko. Masyado pa namang maaga kaya napagdesisyunan ko na mag bike muna. I wear my favorite cycling apparel. I went to the kitchen to drink some milk before I go. Nagpaalam na rin ako kay Nanay dahil wala rin naman sila mom and dad,lagi ko na lang silang hindi naaabutan. Hindi naman mansion ang bahay namin pero minsan ay napapatanong ako kung bakit hindi kami nagkikita kita. Hindi ko na nga maalala kung kailan kami nagsabay sabay sa hapag kainan. Inayos ko na ang sarili ko dahil baka mapaiyak pa ako ng wala sa oras. Lumabas na ako ng gate, pidal lang ako ng pidal hanggang sa makarating sa pinakadulo ng village. Palagi kong nakikita ang maliit na eskinita dito,ngayon ay susubukin kong pasukin ito dahil sabi naman ng mga guard dito ay safe dito at ito rin daw ay short cut papunta sa kabilang village.
Pumasok ako sa eskinita ng naka bike buti na lang at nagkasya. Laking gulat ko ng makita ko ang napakalawak na damuhan sobrang linis at maraming puno may maliit na bilog sa gitna at sa tingin ko ay fish pond ito. Napangiti ako dahil pakiramdam ko nakahanap ako ng safe place ko. Siguro tuwing gabi ay maraming alitaptap dito dahil sa presko ng hangin at magagandang puno. Babalik ako rito bukas ng gabi. Sabi ko sa aking isip habang nakangiti. Tumuloy ako sa aking pagbabike at ng makarating sa kabilang village na sa tingin ko ito ang dulo sakanila. Bumungad saakin ang isang bahay. Ooh wait 'bahay' is not the right term nor 'mansion'. Its like a palace.
Napaatras naman ako ng bahagya ng may makita akong pamilyar na kotse. Holy Cow! Don't tell me dito nakatira sila Blaze?! Muntik pa akong mapasigaw ng biglang lumabas si Blaze na naka sanndo at shorts. OMG kanila nga itong palace na ito. Dali-dali na akong bumalik sa bahay para makapag handa dahil baka daanan na ako ni Polo,isasabay rin kasi namin si Avi at si Cyrus naman ay pupunta mag-isa.
BINABASA MO ANG
Scar of the Wind
FanficAng kwento kung saan ang kanilang happy ending ay naudlot dahil sa isang malalang aksidente. Ano kaya ang kahihinatnan ng dalawang taong nagmamahalan?