Chapter 5 : Palace

6 2 0
                                    

*Blaze's POV*

Maaga akong nagising so I decided to go to my favorite place. Sa tabi lang sya ng bahay namin,napaka sukal ng lugar na ito dati pero sinabi ko kay mom and dad kung pwede nilang ipaayos ito. Balak pa nga nilang bilihin ang lupa,pinigilan ko lang sila dahil napaka laking hectares nito. Isa ring dahilan ay baka may makatuklas rin ng lugar na ito hindi ko rin naman ito ipagdadamot. Kapag may nakita akong tao ay hindi na lang ako tutuloy.

Nakapag almusal na ako kaya nag elevator na ulit ako papuntang kwarto. Sinabi ko na kina mom and dad na masyadong malaki ang bahay na ito para sa tatlong tao pero lagi nilang sinasabi na ako daw ang magmamana ng bahay na ito at pwede ko raw na dito na lang patirahin ang mga magiging anak ko at ang magiging pamilya na magiging mga apo ko. Oh diba ang bata ko pa iniisip na agad nila ang magiging pamilya ko. And also nakakatamad mag stairs that's why I decided to use elevator.

When I arrived at my room nagbihis ako ng sando and shorts. Para maramdaman ng katawan ko ang fresh air sa favorite place ko. At ng naayos ko na ang aking sarili ay bumaba na ulit ako and I went straight to my mom's office para magpaalam. "Mom,I'll just go to my favorite place" I said then kissed her forehead. 

Dali-dali naman akong lumabas dahil baka mamaya ay maraming tao doon. Nagpapalit ako ng tsinelas ng mapalingon ako sa aking favorite place may nakita akong babaeng naka bike pero paalis na siya. Oh wait si Freyja ba yon or namamalik mata lang ako? pero kung sya nga 'yon she  knows this place rin pala. We have so much in common even the favorite food. Napangiti ako ng bahagya,ano ba tong naiisip ko. Ugh nevermind.

Umupo ako sa pwesto ko,under this Narra Tree. Among all the trees planted here this Narra Tree is my favorite dahil hindi mainit rito. Natatakpan ng mga sanga ang sikat ng araw though hindi naman takip na takip yung sakto lang. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kakaisip ng kung an-ano. So I decided na bumalik na sa bahay dahil magluluto pa kami ni Manang Cynthia. Nang makarating ako ay agad akong nagbihis. Right now,I'm wearing a gray hoodie and shorts. Hindi naman ako pagpapawisan dito dahil air conditioned naman itong buong bahay.

"Manang Cynthia handa na po ba lahat ng pagkain?" tanong ko kay Manang. "Oo anak naluto ko na, yung specialty mo na lang ang kulang" nakangiting sabi saakin ni Manang. Napangiti naman ako sa tugon ni Manang at naghanda na ng aking lulutuan. "Oh sya anak aakyat lang ako para tignan ang study room mo ha,titignan ko kung handa ang lahat ng materials na kailangan niyo" sabi ni Manang. At nagpasalamat naman ako.

Habang niluluto ko na ang sauce biglang dumating si mom at dad. Nakangiti sila pareho bigla tuloy akong nahiya. "Wow! Ang bango naman pwede ko bang tikman ang carbonara ng baby ko?" nakangiting saad ni mom. "Ikaw naman hon para namang hindi mo natitikman ang carbonara ni Blaze" biro ni dad kay mom. "Eh ang sarap kaya ng luto niya,wala akong ibang kinakain na carbonara luto lang ng baby boy natin,alam mo yan!" my mom said while pouting. My dad kissed my mom at that moment kinilig naman agad si mom. Natapos ako sa pagluluto kaya naghain ako para kay mom and dad.

Natapos ang pagkain nila mom and dad at ang aming kwentuhan kaya naman bumalik na ulit sila sa kanilang mga office. Pareho silang busy pero hindi sila nawawalan ng oras para sa isat-isa at saakin. Kaya nagpapasalamat ako dahil sila ang naging magulang ko. Napabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Manang na nandito na daw sila. Humarap muna ako sa salamin para tignan at ayusin ang aking sarili,baka kasi mamaya ay hindi ako mukhang presentable HAHAHA.

"TF dre hindi mo naman kami sinabihan na palasyo pala tong pupuntahan namin" manghang sabi ni Cyrus. "Oo nga dre napakalaki ng bahay niyo. Kaya pala kayang magpa customize ni Tito ng cellphone para sayo." natatawang sabi naman ni Apollo. Loko talaga tong mga to HAHA. Niyaya ko muna silang kumain bago magsimula sa project. I also told them na wag mahiya dahil wala naman ibang tao dito.

Pumunta muna kami sa office ni mom and dad para sabihin nandito na sila. I also introduced them to my parents. Nagtaka nga ako kung bakit ganon na lang makangiti si mom nung si Freyja sakaniya. Sobrang iba ng ngiti ni mom parang nakakaloko. Ewan basta,ugh eto na naman nagugulo na naman isip ko. Tsk. Nagpaalam na ako kay mom na aakyat na kami sa study room then I kissed her forehead again before leaving.

"Why are you smiling?" I ask Freyja, nakita ko kasi siyang nakangiti kanina paglabas namin. "Uhmm..nothing I just find it cute,yung pag kiss mo sa mom mo" she said smiling. "Ahh..I'm always like that to my mom even to my dad pero yung kay dad hug lang ayaw daw niya ng kiss eh" sabi ko at natawa naman si Freyja kaya napatawa na rin ako. 


Scar of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon