Chapter 6 : Emergency

6 1 0
                                    

*Freyja's POV*

"We're here" Blaze said while opening the door. Sabay-sabay naman kaming apat na napanganga. Oh God eto na naman kami nababano sa mga nakikita. "Dude sabado ngayon pero pakiramdam ko may klase tayo ngayon" natatawang sabi ni Apollo. "Eh mas malaki pa nga to sa classroom natin e" sabat naman ni Avi. Samantalang nililibot ko naman ang buong kwarto. 

Totoo sila na mas malaki nga ito sa classroom namin, may banyo na rin dito sa loob at may isang pinto sa may sulok. Ano kayang laman non? Napaismid naman ako ng biglang magsalita si Blaze. "If may kulang pa dito sa mga materials natin,you can go to that room" he said while pointing the door. So mga School Supplies pala ang laman non,okay. Inusod muna namin ang mga upuan dahil napagdesisyunan namin na sa sahig na lang mag gawa. 

Katulong ko si Polo at Avi ngayon, na pumipili ng novel. At ang napili namin ay ang The Sun Is Also A Star para naman hindi masyadong mahirap isipan ng explanation,dahil ipapaliwanag namin ito sa harap ng klase. Lumipat naman si Blaze at si  Cyrus sa table para makapag drawing sila ng maayos. 

Nagsisimula na si Cyrus na madrawing samantalang si Blaze naman ay tumayo at lumapit sa maliit na cabinet,may kinuha siyang salamin at sinuot ito. Nataranta ako ng bigla siyang lumingon sakin at ngumiti. Ano ba tong nangyayari sakin? Gusto ko na nga ba talaga sya? Paano si Cyrus? Pero alam ko naman na hindi ako gusto ni Cyrus eh dahil nasabi niya saamin dati na parang nakababatang kapatid lang ang tingin nya saakin at kay Avi. Ayos lang saakin yon dahil humahanga lang naman ako sakanya.

*Blaze's POV*

We're now starting with our project pero hindi ako makapag drawing ng ayos dahil nakalimutan kong mag contact lens kanina,kaya tumayo muna ako para kuhanin ang isang salamin ko. Nang pabalik na ako sa upuan ko nakita kong nakatingin saakin si Freyja kaya ngumiti ako sakanya. I find it cute ng bigla siyang mataranta,kaya napangiti ako. 

But this thing in my chest keeps beating so fast,tinalo pa ang cheetah sa sobrang bilis. My heart is always like this when I'm near her. I think I like her. 

*Freyja's POV*

Nasa kalagitnaan kami ng pag gagawa ng project ng biglang mag ring ang phone ni Avi,it was her mom calling. We told her to answer it so she went to the comfort room para naman may privacy. After the call,lumabas sya sa CR ng umiiyak so I immediately run to hug her. 

"Pwede bang umuwi muna ako? Mom needs me right now may lead na daw kung sinong pumatay kay dad." Avi asked us while sobbing. "Sasamahan kita" sabat naman ni Polo. "Ahh..ehh..pano ako uuwi? Hindi naman ako pwedeng umangkas kay Cyrus" singit ko sa usapan nila. Pero naalala ko yung secret place ko may short cut nga pala don,papayag na sana ako pero biglang nagsalita si Blaze "Ako ng bahala Apollo,now go her mom needs her and she needs you."

Nakaalis na nga sila,samantalang heto ako nakatingin lang sa dalawang lalaki sa harap ko hinihintay na matapos sila. We decided kasi na dalawang blueprints na lang ang gawin para sure kami,baka kasi maiwan na naman ni Cyrus nangyari na kasi samin yon dati naging kagroup ko si Cyrus pero kinabukasan ay nakalimutan niyang dalhin sa school kaya late kami nakapag pasa. Natapos sila at naghanda ng umuwi.

"Uhm..Blaze hindi mo na ako kailangan ihatid,ok lang thank you." I said. "It's fine,I'll give you a ride home nasabi ko na kay Apollo. Tsaka baka kung ano pa mangyari sayo" sagot naman niya,mukha namang hindi sya napipilitan kaya tumango na ako. Pumunta muna sya sa kwarto nya sandali at paglabas nya ay wala na syang salamin,siguro ay naglagay sya ng contact lens.

"Oh hija..uuwi ka na?" biglang sabi ng mom ni Blaze na kasalukuyang nasa salas pala kasama ang dad ni Blaze. "Ahh..opo Mrs.Hidalgo tapos na rin po kasi namin yung project,thank you po" I said while smiling. "You're so formal hija,you can call me Tita Beatrice" then she winked at me, at natawa naman ako don cause she's so cute HAHAHA. 


Scar of the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon