K1SSES LAW: Break Down [48]

32 2 0
                                    


•KISSES •

"Gising na siya!" Narinig ko ang isang babae at naramdaman ko ang paghagod ng kan'yang kamay sa aking ulo. Hanggang sa lumiliwanag ang imahe niya sa paningin ko.

"Amber?" Mahina kong sambit na nasa harap ko.

"Ako nga! Kumusta ka na?"

Pinaikot ko sa buong k'warto ang paningin ko, nandoon si tito Ernie, at Lorenz. Hawak ni Lorenz ang kamay ko. At parang may mahapdi yata sa braso ko.

"Huwag ka gumalaw masyado Kisses, may first degree burn ka sa balikat at braso." Sabi sa akin ni Amber.

"Good thing you're okay. 48 hours kang 'di nagkakamalay, my mom and dad visited you." Si Lorenz na nagsalita.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Hindi mo maalala? Sumabog ang kompanya ni Gabriel." Si tito Ernie nagsalita

"Akala ko, panaginip iyon."

"Buti nakalabas ka agad. "

"May nagtext sa akin. Sasabog daw ang conference room, saktong 5 seconds sumabog ito." Saka inangat ko ang kanang braso ko, at binaba agad dahil sa hapdi ng paso.

"Lapnos lang naman 'yan mare." Nakangiting wika ni Amber. Ngumiti naman ako.

"Buti dumalaw ka dito?"

"Nag-alala ako eh. Nabalitaan ko kay Lorenz na nasa Hospital ka." saka napatingin naman ako kay Lorenz.

"Some person texted me, nasa hospital ka raw. Kaya tinawagan ko na si tito Ernie."

"Sino nag text sa'yo?" tanong ko pa.

"It was Jiggz." Sagot naman niya. Siya pala ang lalaking lumapit sa akin.

"Kumusta naman po ang Oracle? Si Jiggz?" Tanong ko pa.

"We are now investigating the explosion incident. Unfortunately, the security cameras won't work. It's all corrupted." paliwanag sa akin ni tito Ernie.

"But Mr. De Leon leave an statement." Dagdag pa niya.

"Anong sinabi niya?"

"Umamin siya na si Ryan ang nagpasabog ng Oracle Company. Dahil ayaw daw nito maalis sa p'westo."

"Why you didn't tell me na pupunta ka sa Oracle? Nagsinungaling ka sa akin."

"Dahil alam kong pipigilan mo ako." Sagot ko naman kay Lorenz.

"Of course! Dahil mapanganib na lumulusob ka sa kuta ng kalaban." nag-aalala niyang sabi.

"Did Jiggz turning the table?" Tanong sa akin ni tito Ernie.

"Nakipagdeal siya sa akin, tito. Kaya tinutulungan niya ako." sagot ko naman.

"What kind of deal?"

"Kapag binoto ko siya as a new chairman, lahat ng shareholder o involve sa sindikato ay ituturo niya. He will also surrender the Pentagon Book, and He will stand as a witness, and turn his self in." Sagot ko pa.

"Wow! Ang lakas ng tama talaga sayo ni Jiggz ah." sabi pa ni Amber.

"Tumigil ka nga." Natatawang komento ko. At bigla kong naalala ang mother ko.

"Did Josephine knew what happened to me?" baling ko naman kay tito. Tumango naman ito.

"Yes, and also.. Nasa tanggapan na siya ng Napeleon." Nakangiting sabi niya sa akin.

"And what about Gabriel? Ano mangyayari sa kan'ya?"

"We already released the arrest warrant. Also, Rafael Ramirez hoping to arrest. Regards ito sa kaso ni Joyce Montes."

K1SSES LAW [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon