K1SSES LAW: Lady In The Trap (3) [35]

43 1 2
                                    

A/N:
Thank you for reading my almost 2 years novel story. ( I wrote this on fb and transferred here.)
Sana, dumami pa magbasa nito sa future. Kung hindi man sila nagandahan, pasensya na.. Ganito lang ako. Happy reading, and thank you very much. ❣️

•KISSES

Dalawang subject ang hawak ni Mr. Ramirez. At ito ay ang defense against crime arts, science. Si Mr. Ramirez rin magtuturo sa amin ng advanced martial arts and advanced combats. Siya rin sa marksmanship, pero hindi siguro siya maglalabas ng gun. Dahil sa supreme students ituturo 'yun. To be honest, mula warrior, elite students. Normal subject lang tinuturo sa amin. And ang codes, basic lang sa amin, ang combat class ay almost 15 minutes lang.

Kaya nga excited ako tumuntong sa grand students, narito na 'yung mga risky classes. Si Mr. Ramirez ang new professor na nagtuturo sa buong grand students.

OMG! Late na pala ako ng 3 minutes, dahil nawala sa isip ko ang oras. napatingin sa akin ang mga kaklase ko, Maski ang professor.

"Good afternoon sir."

"You're late, Ms. Fulgencio." Sa tonong inis ng professor ko.

"Pasens'ya na po..."

"I wonder why the HighCon, excel you as a grand student. If you don't have time to study? Hindi porket junior detective ka, you can investigate anytime. At p'wede ka pumasok sa klase kung kailan mo gusto!" Panenermon niya sa akin. Akala ko mabait, may pa God glory pa siya kanina.

"Ngayon lang po ako na late." Katwiran ko pa.

"Sumasagot ka pa, maupo ka na!" singhal niya sa akin. Tumango-tango ako, at naupo ako sa dulo.

Alas tres na nang hapon. Isang subject na lang at tapos na ang klase ko sa araw na 'yun.
Pagkalabas ko sa north building na sinikap kong magdahan-dahan dahil hindi pa okay ang hagdan. Pero napatingin ako sa south building, nagtataka ako bakit tila ang daming estudyanteng nagkukumpulan. Nakita ko si Lorenz, patakbong lumapit sa akin.

"Kisses! At the erudite roofdeck. Quick!" hinihingal niyang wika, at nauna siyang tumakbo paakyat.

I heard buzzing student and the forensic team. Kausap ni head mistress of laws, Micah sina Inspector Richard and inspector Jonne.

"Anong me'ron?" Tanong ko sa kanila at lumapit sa akin si inspector Richard at Head Mistress Micah. Natanaw ko naman si Jonne, na abala naman sa pagkuha ng mga ilang ebidensya.

"Kisses, natagpuang bangkay dito ang Editor in chief ng L.D.U..." Si inspector Richard ang sumagot. At nakita ko ang pagdala ng dalawang tao, sa isang mahabang stretcher na natatalukbungan ng puting kumot.

"P'wede ko bang makita?" Tanong ko. Buti pumayag, at siya nag-angat ng tela. Napanganga ako at halos maduwal sa aking nakita. Nakatarak kay Francis ang isang pen sa leeg nito, matapang na rin ang amoy kaya lalo akong naduwal. kaya binaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko. Sumenyas na si Jonne, para dalhin palabas ito.

"Paano nalaman na nandito siya?" Tanong ko naman, habang nire-recover ko pa sarili ko sa aking nakita.

"May umakyat dito, group of students, nakita nila ang bangkay, mukhang- isang araw pa siya namatay." Si Jonne na ang sumagot. Na nakalapit na sa amin.

K1SSES LAW [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon