K1SSES LAW : The Man In The Underworld [50]

37 2 2
                                    

A/N:
The second to the last chapter, are you ready for the outbreaking finale?





• KISSES •

Parang nabibingi pa rin ako sa nangyayari. Habang iniimbestigahan ng mga police ang insidente, habang kinukuhanan naman ako ng blood pressure. Pakiramdam ko, nawawala ako sa kinatatayuan ko.
Lumapit sa akin si tito Ernie, Saka hinawakan niya ako sa balikat. Tinitigan niya ako, at hindi ko napigilang maiyak muli sa nangyari.

"Tito..." sambit ko saka humagulgol ako sa harap niya. Naramdaman kong hinagod niya ang aking likod, at naupo sa aking tabi. Dahil nakaupo ako sa harap ng ambulansya. Abala ang iba sa pag-iimbestiga. At ako naman, hinagpis ang ambag ko.

"Hindi ko akalain na si Lorenz ang mapapahamak ng ganito." matamlay kong sabi habang humihikbi pa ako.

"Tahan na Kisses, we have to be tougher. Unti-unti nang lumalapit sa iyo si Gabriel, at inaalis niya ang mga bagay na nakapaligid sa'yo." sabi pa ni tito.

"Kung gusto niya akong PATAYIN, sana hindi niya dinadamay ang LAHAT!" sigaw ko at huminga ako ng malalim.

"Kailangan mong lakasan ang loob mo. Kapag nakita ka niya na mahina, aatake siya lalo para pilayan ka." sabi pa ni tito. Huminga ako ng malalim, kahit tuloy-tuloy pa rin ang pagluha ko.

Once I gained crying, it won't stop talaga. Kaya I have to pull myself. Para sa laban na ito.

"LORENZ! LORENZ!" Napatingin kami sa sumisigaw. At si Fredrick iyon. Mabilis siyang lumapit sa kabilang ambulansya. At bigla na lamang sinuntok ang gilid ng ambulansya.

Kahit nangangatog ako, pinilit kong lapitan si Fredrick, na mas nasaktan sa nangyayari. Sigaw lamang ang ginagawa ni Fredrick, habang hinahagod ko rin ang kan'yang likuran.

"PAPATAYIN KITA! GABRIEL! PAPATAYIN KITA!!" Sigaw ni Fredrick at sinusuntok ulit ang gilid ng ambulansya.

"Tama na!" suway ko sa kan'ya. Hinihingal man pero ramdam ko ang galit niya, dahil nagsugat ang kan'yang mga kamay.

"Tumigil ka na!" saka hinawakan ko ang kamay niya. Tumigil naman siya, at tiningnan ang kamay niya na nagsisimulang mamaga.




"Paano nangyari ito?" Sa Kaswal niyang tanong sa akin. At tinitigan niya ako ng masama. Hindi naman ako makapagsalita, at naiiyak pa rin ako sa nakita ko.

"Sa harap ko pa, nakita ko lahat!" panimula ko.

"T-tumawag sa akin si Gabriel, at sinabing.. May Bomba ang kotse niya. Pero- hindi kotse ang sumabog.. May kasama siya noong sumabog ang lagayan ng taho."

"Taho?"

"Hinawakan siya ng taho vendor. Nakipag-away pa siya, lalapit na sana ako, pero.. Biglang sumigaw si Lorenz na tumakbo ako." At hindi ko na ulit napigilang maluha sa harap niya.

Napansin ko ang pagbulusok ng ilong ni Fredrick, saka tinitigan ang isa pang bangkay na nasa lapag. Marahan siyang lumapit sa dalawang police, at sumunod naman ako.

"Sino siya?" Kaswal niyang tanong sa kanila.

"Si Tobey Reyes. Nabalitaan namin na isa siyang personal security ni Mr. Reyes."

"Suicide bomb." sambit ni Fredrick.

"Is that mean, tinanggap niya ito para lang makabawi kay Gabriel?" sabi ko naman.

"Bakit?"

"Nahuli siya na espiya ni Jiggz. Heto maaari ang bayad na nais niya." sagot ko.

"Napaka walang hiya talaga ni Gabriel." nang gigigil na wika ni Fredrick. Saka napatingin siya sa kapatid niya. Hindi mo na rin makikilala si Lorenz, dahil napakalakas ng pagsabog. Maski ako, hindi ko na alam nasaan ang mata at ilong nilang pareho ni Tobey.

K1SSES LAW [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon