K1SSES LAW: Si Vis Pacem Parabellum [22]

44 2 5
                                    

A/N: To understand the storyline of William, changes of dates, point of views and story.


Part two of William Denzel Case.

•KISSES•


Matapos ko kasi malaman na si Lark Aquino ay tiyuhin ko, hindi ko na alam ano pa ang mangyayari sa akin. Nasa cafeteria kami ng hospital. niyaya ako ni Lorenz na magkape dahil marami na ang nangyari sa bisperas ng taon. Nabalitaan ko na comatose si Jiggz, ang pinaka grabe, tinamaan sa kan'ya ay ang gilid ng lungs, at atay niya. Nakita ko pa nga pagdating ng mother ni Jiggz, umiiyak rin. Dalawang lalaki sa buhay niya, ay nakikipag laban sa buhay nila.

Hindi ko akalain na may tiyuhin akong sindikato, hindi ko alam kung kasabwat si tatay, dahil pati siya ay nadamay. Ang dami kong tanong ngayon. Pero isa lang alam kong makakasagot.

"Ibig sabihin, si Gabriel nga si Omega?" Tanong sa akin ni Lorenz.

"Mahirap man paniwalaan, pero siya nga si Omega."

"Kailangan nating mahanap sina Leah at Danica, dahil sila ang magiging main witness natin." sabi ko pa sa kan'ya.

"Paano natin mahahanap ang dalawa?" tanong sa akin ni Lorenz.

"Hindi ko na mapagkakatiwalaan si Tito, baka mamaya kasapi na siya sa Oracle."

"What do you mean?"

"Ilang linggo na ang lumipas, kung tutuusin.. Isang buwan na nawawala si Danica. Pati si Leah, wala na akong balita sa kan'ya."

"So, sino ang lalapitan natin?" tanong niya sa akin.

"May kilala ako na makakatulong sa atin sa paghahanap." sagot ko.

"Pagkatapos natin magkape, pupunta tayo sa Makati."

Pumunta kami sa isang condo sa Makati, I'm going to meet my father old friend, Ernie. He is also my guardian. Bihira kami magkita ni tito Ernie, pero alam ko naman dahilan na sobrang abala niyang tao. Hindi ko nga alam bakit hindi na sila nagkakausap ni tito Alphert.

"TITO ERNIE!" Masigla kong bati sa kan'ya at niyakap ko siya.

"KISSES! It's been a long time." Sabi niya at napatingin ito kay Lorenz.

"Oh! Is this your boyfriend?" Napatingin ako kay Lorenz, na bahagyang nagulat kaya natawa ako.

"No! This is Lorenz. Lorenz, it's Tito Ernie. Best friend ni tatay." Pakilala ko naman. Nagkamayan silang dalawa.

"Hello, Come in!" at pinapasok na kami sa studio type niyang k'warto.

Nakita ko na tatlong PC ang naka open, may mga binary code akong nakikita, at nagsha shuffle na mukha sa screen.

Isa kasing agent si tito Ernie. Ang specialist niya ay hacking gadgets, tracking, and any species that involves on solving cases. Kasama ni tatay ito sa team, pati rin si tito Alphert. Sila ang best team.

"I miss your father, Kisses. Binisita ko ang puntod niya, noong 40 days niya." And he seated.

"Hindi tayo nagpang abot roon tito." sagot ko naman.

"Sumaglit lang naman ako doon, dahil marami akong ginagawa."
Pinaupo kami ni tito sa sofa at kumuha naman siya ng maiinom.

"Bakit kayo nandito, Ano ba maitutulong ko?" heto ang tanong niya sa akin agad.

"Alam niyo po ba ang Oracle Syndicate?"

"Ahh.. Oracle. The heist syndicate na hindi kayang tugisin ng mga police, because one of the highest general has been manipulated. Why?"

K1SSES LAW [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon