K1SSES LAW: Indictable [46]

26 2 1
                                    

• KISSES •

It was a wake up call from tito Ernie. 6:30AM at araw ng biyernes. Sinipat ko sa ibabaw ng drawer ang aking cellphone, kung sino ang tumatawag, at heto ay si tito Ernie. Kinusot ko ang aking mga mata, Saka sinagot ito.

"Good morning, tito."

"Did I wake you up?! Sorry for that, Kisses. But we discovered something about the case of Ms. Joyce Montes."

Napabangon ako sa aking kama, at tila nagkaroon ako ng adrenaline rush sa sinabi niya.

"P-paano niyo nalaman ang bagay na 'yan?"

"I told you, Vincent is one of our spy against Gabriel. And we found out that, this guy named Rafael tries to falsified the death of her girlfriend."

Sabi ko na nga ba, Gabriel helped the culprit. Well, sino pa ba magtutulungan, kungdi mga kapwa kriminal.

"And I want you to know that, he is not the real Rafael Ramirez." sabi ko naman.

"What do you mean?"

"Base on my own investigation, and also out of curiosity. The real Rafael Ramirez died, 9 months ago. And today, this Rafael we knew is his twin brother."

"Rafael had a twin brother? Wait- heto ba ang nahulog sa condo unit niya noong May 19, 2018?" napatango naman ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Pinalabas na si Renzo ang nahulog, dahil may nakabinbin palang kaso ito. And siya ang new chairman ng shipment." paliwanag ko pa.

"Yes, we heard na kakaupo niya lang nitong December. and February ang first shipment nila. You know what I mean."

"Yes, Kuya." Sagot ko naman.

"Also, about the shipment today.. Mag-iingat po kayo." Dahil, mamayang 6:00PM magaganap ang comeback biggest shipment ng Oracle.

"Don't worry about us, our team has arrived at the area. Also, Fredrick is with us. Siya pinag handle ko ng operation, sana magtagumpay ito."

"Tiwala akong magiging success ito, at sinisiguro ko na mapapahuli natin si Gabriel." Nakangiting sabi ko sa kan'ya.

"And you should be careful. Because once the operation succeed, gagawa ng paraan si Gabriel para masaktan ka. Dahil malaki ang mawawala sa kan'ya."

"Tatandaan ko po 'yan." sabi ko naman sa kan'ya at nagpaalam na sa akin si tito.

Now we knew, that it's not suicide. It's time to catch the fish again. I had to step another line, to stop the chaos.



Dahil doon, bumangon na rin ako Para pumasok sa klase. Pero, nakarinig ako ng tatlong katok. Agad ko itong binuksan, at namulat ako sa aking nakita.

"Anak.." Nakangiting Sabi niya sa akin.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?"

"Mag-usap tayo, pakiusap." pagsusumamo niya sa akin. Saka hinawakan niya ang aking kamay.

"Saka na tayo mag-usap, may gagawin pa ako." sabi ko naman, isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ito.

"Ano pa kailangan mo?" malamig kong pakikitungo.

"Gusto ko sana pumunta ka sa libing ng lolo mo."

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong sa kan'ya.

"Inatake siya sa puso, nitong lunes lang." napanganga naman ako sa binalita niya.

"Kakakita lang namin nitong sabado. Hindi ba?"

K1SSES LAW [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon