• AUTHOR •
"bago pala mamatay si Red, may tinawagan pa siya bukod sa anak ni William.. Heto ang pinsan niya na isang junior detective sa L.D.U"
"That bastard!" he exclaimed.
"what's your plan?"
"I will tell you the next plan, just find a clue about Hades."
"Hades? Who is he?"
"That's why you have to find him. In every bit of information, find him! So we can have some deal with him, for the future!"
•KISSES•
Hindi na ako magtataka kung ipatawag ako ng high continental committee, nang araw na rin 'yun. Mga 2 hours after, pagkatapos namin malaman na si Robin ang pumatay kay Jack. Why people do anything for love? sa dami ng gagawin, pumatay pa.
"Mare, pinapatawag ka sa highcon." Sabi ni Amber, na katabi lang ako pero ang boses pang tatlong kanto.
"Alam ko. 'Wag ka magkuk'wento kay Jiggz about dito a."
"Hindi naman naliligaw pa dito sa house natin si Jiggz, baka na-ghost ka na!"
"Sanay na akong ma-ghost." Sagot ko.
"Ms. Fulgencio, follow me." Sabi sa akin ni Prianka, Dauntless regent.
Ang High continental committee, ay binubuo ng councils ng L.D.U. Kasama rito ang dean, laws, admission, records at regents. Sila magbibigay ng verdict at pag-uusapan nila ang isang estudyante na nakalabag sa L. D. U, general rules.
Makikita mo ang High continental office sa 2nd floor ng west building ng L. D. U
Nakaupo ako sa harap nila. Mag-isa, walang katabi, o kahit anong bantay mula sa gateseeker, nasa gitna ako. Parang interrogation ng isang suspek.
Minamasdan ako ng mga highest court council, maski ang dean. Ngayon lang ako natakot sa tingin niya. Natanaw ko sa tabi ni Ms. Micah, at ang new senior detective.
"Good afternoon Ms. Fulgencio." Bati sa akin ni Ms. Micah Salazar.
"Hello." Matipid kong sagot.
"As you know, may nakarating na report sa amin." Panimula ni Ms. Micah. Napatingin ako kay Gabriel, halatang siya ang nagsumbong.
"And you violated the rules. 2 counts!" Sumenyas pa ito ng two sign.
"According to inspector Gabriel, you tried to investigate the case without their permission."
"You also violated another thing, pumasok ka sa k'warto hindi lang isa- kun'di dalawang magkaibang k'warto."
"Because I have to find an evidence." Katwiran ko.
"Ms. Fulgencio! Remain silent!" Bulyaw sa akin ng Dean. Natahimik naman ako.
"Nasa rules natin 'yan! Have you forgotten? Article 22. Rule no. 15, we are not allowed to investigate the warrior student (1st year), and elite student (2nd year). In any form of case, like murder, suicide, foul play and homicide." Paliwanag ni Ms. Micah.
"Article 23. Rule no. 16, you have a permission to investigate; unless you're part of the law council, or given an authority to investigate. If the case was related to you." Sabi niya pa.
"Dahil mga detective students kayo, 'di ibig sabihin may freedom kayo mag imbestiga. Malayo pa ang nalalaman niyo, sa nalalaman namin. Hindi pa kayo p'wede humawak ng mabibigat na kaso, sa grand student (3rd year) at supreme student (4th year) lamang ituturo ang tungkol sa pag-imbestiga tulad ng hinawakan mo." Paliwanag pa sa akin ng headmistress namin. Parang ino-orient ulit ako sa lagay na 'yun with panunumbat.
BINABASA MO ANG
K1SSES LAW [COMPLETED]
Mistério / SuspenseKisses, is a student at the first ever detective university. She is also the daughter, of the late detective, William Denzel Luna Fulgencio. Despite on being a student detective, she unexpectedly investigate one case, that lead them on thread to ope...