30

1.1K 48 8
                                    

J

Kanina pa ko nakauwi. Nagawa ko na lahat, nakapag luto na ko ng hapunan, nakapag linis at kung anu ano pa pero wala pa din si Deanna.

Anong oras na, di naman ganito ang oras ng uwi niya, nauuna pa nga siya lagi makauwi sakin.

Simula nung huling pag uusap namin parang may nag iba na samin. Nagkaayos naman kami pero ramdam kong may nagbago.

Kahit di ko naman dapat panuorin tong mga past games ng mga players ko pinapanuod ko na lang wag lang mainip kakahintay sa kanya.

Haaaay...

Tinignan ko ulit ang oras sa laptop ko. Pasado 9pm na.

"Nasaan ka na ba, Deanna..." bulong ko sa sarili ko.

I heard the door...

Pag bukas nito, si Deanna.

"H-hi, babe. Sorry, late na ako nakauwi." sabi niya pag lapit sakin.

Sinara ko na ang laptop ko para sana asikasuhin na siya.

"Sige lang babe, tuloy mo lang yung ginagawa mo, I'm okay. Shower lang ako."

Tapos dire-diretso na siyang pumasok sa kwarto namin.

Inayos ko na lang yung pagkain niya sa mesa. Pero ang tagal niyang lumabas ng kwarto.

Pag pasok ko sa kwarto namin nakita ko siyang nag aayos ng mga damit niya sa kama.

"Kain na tayo babe." lumingon siya sakin at lumapit.

"Ah, Jema... Aalis pala ako this weekend. 2 to 3 days lang."

"Saan ang punta mo?"

"I just need a breather. Maybe we need this." sabi niya sakin.

"Okay..." yun lang ang nasabi ko.

Ayoko siyang pigilan. Baka nga yun ang kailangan niya.

Kumain na lang ako mag isa. Pag balik ko sa kwarto namin, nakahiga na siya. Tulog na.

Hindi na namin nagagawa yung dati, yung nag uusap muna kami bago matulog.

Tumabi ako sa kanya at tinignan siya habang natutulog.

Ano bang nangyari satin?

Okay naman tayo, bakit biglang nagkaganito?

CarversationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon