6

2.1K 84 8
                                    

D

December 2018

"Yeah, babe! Congrats!" I exclaimed as Jema went out of her dorm. Hinila ko din yung string ng dala kong party popper.

Kakagising lang ata ni Jema, mapungay pa ang mga mata niya. Mukhang buong araw siyang natulog. Well, deserve naman niyang magpahinga. Pasok na yung team niya sa finals. This weekend game 1 na ng finals. And guess what, school namin ang kalaban nila sa finals.

"Grabe ka naman, babe. Di pa kami nananalo. Pasok pa lang sa finals."

"Kahit na babe, achievement mo yun as a coach. Imagine nadala mo yung team niyo sa finals ulit. I'm so proud of you, babe." I kissed her on the cheek.

"So, ano, babe? Tara early dinner tayo gusto mo?" 5pm pa lang kasi, parang ang aga pa para mag dinner.

"Tara, babe. Nagugutom na nga ako. Maghapon akong tulog. Bihis lang ako saglit, babe ha? Wait mo ko dito."

"Babe, dun na lang ako sa labas maghihintay sayo ah, upo ako sa likod ng pick up ko."

"Okay, babe. I'll be quick."

Pinapasok kasi ako ng guard dito sa loob ng compound, kilala na ko ni kuyang guard. Lagi ba naman akong nandito para bisitahin si Jema. Di naman ako pwedeng umakyat sa taas, bawal. Dorm kasi to ng mga players ng Adamson.

Lumabas ako ng lobby at umupo sa likod ng kotse. Nag open muna ako ng twitter. Trending pa din hanggang ngayon yung Adamson. Pati nga si Jema trending. Galing talaga ng girlfriend ko.

"Let's go, babe!" nandito na sa harap ko si Jema. Napatingin ako sa suot niya. Naka v-neck shirt at short shorts siya.

"Babe, bakit yan shorts mo?"

"Bakit? Okay naman ah."

"Ang ikli."

"Puro babae naman kami dito, babe."

"Lalaki kaya yung guard niyo. Lumalabas ka ba ng nakaganyan?"

"Babe, ang conservative mo. Ngayon ko lang sinuot to sa labas kasi alam kong nakakotse tayo."

"Magpalit ka please, babe. Madaming makakakita sayo sa mall. Baka mapaaway pa ko. Sige na."

"Hay naku! Ano ba naman yan.. Sige na, wait lang."

----------

J

Nakakainis naman si Deanna, napakaconservative. Napabalik pa tuloy ako dito sa taas.

"Coach! Alam ko pasok tayo sa finals pero bakit nakasimangot ka hehe. Biro lang coach."

"Lagot ka sakin sa training bukas, Lorenzo!" nasalubong ko pa tong libero namin. Lakas mang asar.

"Joke lang coach. Gusto ko pa mabuhay."

"Sige na, may date pa ko haha.." close kasi kami ng mga players ko. Pag wala sa court para ko silang mga nakababatang kapatid, kaya ganito na lang nila ako asarin dito sa dorm.

"Yieeee! Si coach, nagdadalaga! Hahahaha. Bye, coach!" ayun bago ko pa mabatukan tumakbo na pababa.

Haaaay.. Gusto ko lang sana mag shorts para komportable. Di ko tuloy alam isusuot ko. Pumili na lang ako ng black tailored shorts na mas mahaba sa suot ko kanina, siguro naman papasa na kay Deanna to.

Pag labas ko, aba. Yung mga players ko nakaikot na kay Deanna sa likod ng pick up. Yung dalawa nakasampa pa dun sa pick up.

"Coach! May pizza!" tawag nila sakin. Tinaas pa nila yung box ng pizza. Aba, meron ngang pizza.

CarversationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon