J
"Babe, anong ginagawa mo dito?" so unusual past 12 noon pa lang pero nandito siya. Wala naman siyang sinabi na pupunta siya dito sa Adamson.
"I miss you babe. Nag half day lang ako sa office." sabi niya at humalik sa pisngi ko. Kaloka, nandito pa kami sa gym nasa bleachers lang yung mga players ko, nag water break lang kami.
"Babe, nag half day ka o tumakas ka na naman kay ate Nicole? Mamaya tumawag na naman sakin yun hanapin ka."
Si Deanna naman kasi dumadalas yung paghahalf day sa trabaho, tapos aalis sa opisina di magpapaalam sa ate niya. Sakin tuloy siya lagi hinahanap eh di naman siya nagsasabi kung saan pumupunta.
"Babe, wag mo na ko sermunan please. Di pa kayo tapos?" malambing niyang sabi habang nakayakap sa bewang ko. Jusko, nakatingin lang samin yung mga players ko.
"Boss D!" tawag ng mga players kay Deanna. Kumaway naman si Deanna sa kanila.
"Babe, tapos na water break namin. Resume na kami sa training. Dito ka lang ba o uwi ka na? Dala ko naman yung kotse ko."
"Dito lang ako, babe. Wait kita sabay na tayong umuwi, iwan mo na lang kotse mo dito babe."
"Sige, sige.. Upo ka dyan muna ha? Gusto mo ba ng food? Inumin? Papabilhan kita."
"Wag na babe, okay lang ako. Sige na, inaantay ka na ng mga players mo." mukhang stress na stresa si Deanna kahit lagi namang half day sa trabaho.
Bumalik kami sa training. Sasali kami sa off season tournament para naman kahit off season nasa kundisyon yung mga players ko, babawi kami this coming season.
Tinitignan tignan ko paminsan minsan si Deanna, busy lang naman siya sa phone niya. Naglalaro siguro ng online games, nadadalas ang paglalaro niya ng onlines games. Kung dati madalas trabaho pa din ang ginagawa niya pag uwi ngayon inaabot na siya ng madaling araw kakalaro ng online games o kaya naman nandun siya sa sala hanggang madaling araw naglalaro lang ng playstation. Tapos sa umaga ang hirap hirap gisingin, halos ma-late na sa pag pasok sa trabaho.
Tumayo siya at sumenyas na lalabas muna, tumango lang ako. Matagal tagal pa tong training namin baka nababagot na siya. Di naman siya nagtagal pagbalik niya may dala siyang dalawang box ng napakalaking pizza at kasunod niya yung guard may dalang mga softdrinks.
"Boss D! Para samin ba yan?" tawag ng mga players kong nasa bench. Naku talaga tong mga to basta pagkain talaga.
Nag approve sign pa si Deanna sa kanila. Lakas talaga ng mga batang to kay Deanna. Lagi siyang may pakain sa mga players ko pag nandito siya.
Tinapos ko na yung training aba naman kasi sa pagkain na yung tingin ng mga batang to. Ayoko din naman silang bugbugin masyado sa practice off season naman. Pagkatapos ng training nagtakbuhan ang mga loko kay Deanna.
"Boss D! Namiss ka namin!" sabay sabay nilang sabi, gusto pa magsiyakap kay Deanna eh di pa nga naliligo, pawis na pawis pa.
"Opppsss.. Bawal yakap haha, baka di na ko yakapin ng coach niyo, amoy pawis na hehe."
"Sorry, sorry, boss." natatawa nilang sabi.
"Sige na kain na kayo." sabi ni Deanna.
"Yown! Thank you, boss!" tuwang tuwa na naman ang mga bata. Lumapit sakin si Deanna at yumakap sa bewang ko.
"Gusto mo ng pizza, babe?" tanong niya.
"Hmmm, sige. Ikaw talaga spoiled na yung mga bata sayo lagi ka na lang may pakain."