J
"Jema, ano? Sabay ka na sakin pauwi."
"Di na, Anne. Susunduin ako ni Deanna. Natraffic lang."
"Sure ka? Dito na ko ah."
"Sure sure, Anne." nagbeso pa sakin si Anne bago siya sumakay sa taxi.
Dito kami binaba ng bus sa Adamson, dito sa dorm. Kanina ko pa inaantay si Deanna pero wala pa din siya. Huling message niya sakin traffic daw. Nagsiakyatan na nga lahat ng players ko sa mga kwarto nila pero wala pa din siya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa phone ko. Ilang araw din akong di nakapagbukas ng mga social media accounts ko. Rule kasi namin sa training yun, no social media muna para talagang makapagfocus.
Wala namang bago maliban sa mga nakatag na naman na pictures sakin at kung saan saan na naman ako nakamention na mga replies sa twitter.
Di talaga matahimik yung mga tao, lahat na lang ng galaw ko napapansin. Pati ba naman yung lunch out namin kasama si coach Ryan binigyan kahulugan.
Nakakainis lang yung pati si Deanna minimention nila sa wala namang kakwenta kwentang bagay.
"Ma'am, nandito na po yung sundo niyo." tawag sakin ng guard. Agad akong tumayo.
"Salamat po kuya.."
Pag labas ko ng dorm natanaw ko agad sa labas ng gate yung sasakyan ni Deanna. Pag lapit ko kumatok muna ako sa bintana sa side niya, binaba naman niya agad to.
"I miss you babe!" excited na bati ko sa kanya, ngiting ngiti pa ko kasi nga miss na miss ko siya. Excited din ako sa mga pasalubong na binili ko para sa kanya.
"Sakay ka na, Jema." walang gana niya sagot. Bigla tuloy nawala yung ngiti ko. Para namang di niya ko namiss.
Sumakay na lang agad ako. Baka pagod lang siya. Pag pasok ko sa kotse hinalikan ko agad siya sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Babe, I miss you sobra!" lambing ko sa kanya.
"Tara uwi na tayo, seatbelt ka na." haaay. Di eto ang ineexpect ko na salubong niya sakin.
Hinayaan ko na lang muna siya baka nga pagod siya. Pero naninibago ako, di naman ganito si Deanna. Tahimik lang siya habang nasa byahe kami. Di man lang niya ko kinakausap.
"Babe?" tawag ko sa kanya. Di talaga ako sanay na ganito kami.
"Hmmmm..." para pa siyang tamad na tamad sa upo niya.
"Okay ka lang?"
"Yes babe.. Tulog ka muna, traffic." di man lang niya ko nililingon kahit saglit.
"Di ako inaantok babe. Kamusta sa work mo?"
"Okay naman."
"May problema ba babe?" di na ko makatiis, gusto kong malaman kung bakit ganito siya.
"Ha? Problema? Wala naman."
"Eh bakit ganyan ka?"
"Anong ganyan, Jema?" nilingon niya ko saglit.
"Yan. Wala kang kagana gana, parang di ka excited na makita ako."
"Sorry babe. Pagod lang ako. Syempre excited ako, namiss kita eh." parang ayokong maniwala, di ko ramdam.
"Sige, mag drive ka na." pagod ako, ayokong magtanong muna ng kung ano ano baka kung saan pa mapunta.
Buong byahe lang kaming tahimik hanggang sa makauwi kami. Dumiretso siya sa bathroom, ako naman inayos ko muna yung mga gamit ko. Nagluto na din ako ng dinner namin kahit medyo late na.
Pag pasok ko sa kwarto, nakaupo na sa kama si Deanna, suot ang salamin niya at nakaharap sa laptop, busyng busy sa kung anumang ginagawa niya.
"Babe..." nag angat siya ng tingin.
"Yes babe?"
"Dinner na tayo."
"Sige na babe, ikaw na lang busog pa ko. May tinatapos ako." tapos binalik na niya ulit ang tingin niya sa laptop.
Hindi ako umalis sa pagkakatayo ko sa gilid ng pinto ng kwarto. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mapatingin ulit siya sa pwesto ko.
"Oh? Bakit nandyan ka pa, Jema?" nagtatakang tanong niya sakin.
"Sabayan mo ko kumain."
"Di nga ako nagugutom." lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Bakit ganyan ka? May problema ba? Wag mong sabihing wala, matagal na tayong nakatira sa iisang bahay. Kilala kita, Deanna."
Tumingin siya sakin at bumuntong hininga. Hinarap niya sakin yung laptop niya.
"Ano to?" tukoy niya sa mga pictures sa twitter niya. Sinasabi ko na nga ba eh, di pwedeng walang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
"Coach yan sa team na nakamatch namin sa training namin."
"Ano nga to? Ano yan? Bakit di ko alam? Lumabas ka pala kasama yan. Sabi mo nasa training camp ka lang, di ka lumalabas. At ang nabanggit mo lang sakin eh yung lumabas kayo ng training staff mo at mga players niyo." sunod sunod na sabi niya.
"Si Coach Ryan yan. Okay, di ko nasabi sayo kasi biglaan yan. Tapos pag balik namin sa camp nag training na ulit kami hanggang gabi na. Nakalimutan ko na sabihin sa sobrang pagod ko. Sa totoo lang, kanina ko lang din nakita lahat yan. But babe, wala namang ibig sabihin yan, saka kasama namin si Anne nyan."
"Okay sabi mo eh. Sige na, okay na. Mag dinner ka na dun, may tatapusin pa ko." imbes na umalis ako, kinuha ko yung laptop niya at sinara.
"Jema, ano bang ginagawa mo? Gumagawa ako ng report ko." inis na yung boses niya.
"Sasamahan mo kong mag dinner. Nasa bahay ka na, dapat hindi mo dinadala ang trabaho dito."
"Di ka ba makakakain ng di ako kasama? Nagawa mo ngang mag lunch kasama yung Ryan na yun, magagawa mo ding mag dinner ng di ako kasabay. Akin na yang laptop ko."
Nagpantig yung tenga ko sa mga narinig ko. Kung kanina gusto ko pa siyang lambingin pwes hindi na ngayon!
"What are you trying to say, Deanna ha?"
"Ang sinasabi ko, hayaan mo akong magtrabaho. Kesa iniistorbo mo ko dito kumain ka na dun."
"Nagseselos ka ba? Kaya ka nagkakaganyan?"
"Ako magseselos?! Sa Ryan na yun? Nagpapatawa ka ba, Jema?"
"Eh bakit nagkakaganyan ka?"
"Just tell me the truth. Di mo nakalimutang sabihin sakin yun, natakot kang sabihin. I know you, Jema. Bakit? Akala mo magagalit ako? Kailan pa kita pinigilan sa mga gusto mong gawin?"
"Fine. Oo, natakot ako. Kasi ayokong magalit ka, napilitan lang naman akong sumama dun dahil sa mga kasama ko."
"See.. Kailangan pa ako magsabi bago mo aminin ang totoo. I'm just tired, Jema. Please, saka na natin pag usapan to. Kung gusto mong kumain, kumain ka na. I just need to finish my report." ganito talaga si Deanna, ayaw niya ng mga ganitong usapan, mas gusto niyang palipasin o pahupain muna ang tensyon bago pag usapan yung mga ganitong bagay.
"Okay, ipagtatabi na lang kita ng pagkain." tumayo na ko at lumakad. Pero bago pa ako makalabas tinawag niya ko.
"I'm not mad, Jema. I just want you to be honest."
"Okay babe. I'm sorry." tumango lang siya at binalik na ang tingin sa laptop niya.