J
On the phone...
"Alam mo ate, ikaw may mali dun."
"What?! Bakit ako?"
"Una sa lahat, di mo sinabi ang totoo sa kanya."
"Dahil alam kong mag seselos na naman siya kahit hindi naman dapat. Pag aawayan na naman namin."
"Nag assume ka na agad ng ganyan, ate."
"Di mo kilala si Deanna kasi eh."
"O baka ikaw ate ang hindi pa kilala si ate Deanna hanggang ngayon? As far as I know, understanding naman si ate Deanna."
"Kilala ko na siya. Hello, Mafe... Nakatira kami sa iisang bubong."
"So, dapat alam mo kung bakit siya nagkakaganyan. Hello, ate Jema... Baka may nakita siya sa coach na yun na di mo nakikita. Helloooo..."
Urrrgghhh! Naiinis lang ako lalo sa mga sinasabi ni Mafe.
"Kanino ka ba kampi, Mafe? Kaya nga kita tinawagan para sana mawala inis ko pero parang mas iniinis mo lang ako."
"Wala akong kakampihan sa inyo no. Pero sana bago ka nagsalita ng kung ano ano kay ate Deanna, inalam mo muna kung kamusta siya di ba. Kinalimutan mo yung lunch niyo, di mo siya minessage dahil lang kasama mo yung coach Ryan na yun."
"Eh kasi naman, kwento siya ng kwento. Nakakahiya naman kung mag phone ako sa harap niya hanggang sa nabattery low na lang ako."
"Eh di sana sinabi mo kay ate Deanna yan, di yung hinayaan mo siyang umalis. Saka bakit ka ba sumama dun?"
"Hay ewan ko. Nahihiya kasi ako, nakiusap lang talaga kasi kami sa kanya na mag train sa mga players namin."
"Sa kanya nahiya ka pero kay ate Deanna hindi. Pinaghintay mo lang naman yung tao ng wala man lang pasabi."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Mafe. Di ko na alam ang sasabihin ko.
"Ano, ate Jema? Natahimik ka na dyan? Narealize mo na ba na mali ka?"
"Ewan, itutulog ko na lang to."
"Hoy, ate! Anong itutulog? Hanapin mo si ate Deanna muna."
"Paano ha? Saan?"
"Jusko naman, ate. Sumasakit ulo ko sayo! Tawagan mo. Do something kasi. Di yung nakatunganga ka dyan. Mahal mo ba talaga yung tao? Para kasing hindi. Naiinis na ko sayo, ate ah."
----------
D
Same pa din yung security guards dito at yung sa reception. Binati pa nila ako pag pasok ko ng lobby.
Same floor, same unit.
I hit the doorbell several times...
Haaaayyy... Gusto ko na lang matapos ang araw na to.
The door opened...
"Deanna?"
"Yes, it's me, Alex. Surprise haha.."
"Loko! Surprise ka dyan. Anong oras na, bakit nandito ka?"
"Papasukin mo kaya muna ako please..."
"Okay. But, better explain."
"Sure, Alex." she gave way para makapasok ako.
Wow! Inilibot ko ang paningin ko sa buong unit. Walang nagbago. Ganitong ganito pa din to gaya nung huli akong nandito.
"Parang first time mo dito, Deanna ah. Hehe."
"Just wow, Alex. Wala kasing nagbago, namiss ko tong unit."
"Tara, upo tayo dun. May gusto ka bang inumin o kainin?" tanong niya sakin.
Pagkaupo namin sa couch, dinama ko pa ng kamay ko to. Eto pa rin yung couch dito.
I feel home...
Parang nakalimutan ko na yung bigat ng pakiramdam ko.
"Okay lang ako, Alex. Grabe, namiss ko dito. Na-maintain mo talaga tong unit natin."
"Naku, Deanna. Magkukwento ka o magkukwento ka?"
"Ang excited mo naman, dinadama ko pa tong couch. I'll stay here tonight ha."
"Bawal! Magkwento ka muna."
"Oo na nga. Eto na..."
"Okay, I'm listening. Start now."
I checked my phone first pero wala namang message or call from Jema. Di man lang niya ko hinanap.
"Hmmm, may misunderstanding lang kami ni Jema. Yun lang."
"At dito mo naisip pumunta?"
"Dito lang ako dinala ng paikot ikot ko kanina sa daan. Namiss ko dito." pahiga na akong sumandal sa couch. Pagod na pagod ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko.
"Hoooyyy, Deans! Tutulugan mo na ko agad?" hinila hila ni Alex ang kamay ko.
"Yes, Alex. I'm sleepyyy... Can we talk tomorrow na lang, please?" sagot ko habang nakapikit. Antok na talaga ako.
"Okay, pero you sleep in the other room. Sasakit katawan mo dyan sa couch. Lipat ka na dun ah. I'll sleep na din. Just knock pag may need ka."
Dumilat ako at ngumiti sa kanya. Just the same Alex. Di niya ko pipilitin, aantayin niya kung kailan ako ready mag sabi.
"Thanks, Alex. Good night. Cook breakfast tomorrow ah? Hehe.." tumayo na ako, dun na ko matutulog sa kabilang room.
"Sure, Deans. Nandun pa din yung mga damit mo sa cabinet."
"Okay, Alex..."
I walked inside the room and jumped on the bed.
A familiar scent of my sheet. Eto yung room ko dito non.