J
2019
Off season..
Dumaan na ang holidays, it's a new year. Nag decide ako na wala muna kaming practice until further notice, kakabalik lang ng mga players ko from vacation. Good thing, na-maintain pa din nila yung healthy habits nila. Nag bilin naman ako sa kanila na mag workout pa din kahit holidays at wag masyadong kakain ng mga bawal sa kanila.
Hahayaan ko muna silang makapag adjust ulit sa academics nila. Need ko din gumawa ng mga bagong strategy at game plan. Balak ko kasi panuorin yung mga naging laban namin sa buong season, para mapag aralan ko bago kami mag start ng training ulit.
But, for now mag susurprise visit muna ako sa baby ko. Namiss ko siya, di kami magkasama nung new year eh, umuwi sila ng family niya sa Cebu, ako naman sa Laguna. Sinasama niya ko kaso syempre gusto ko din namang kasama ang family ko. Maybe next time magkasama na kami.
I messeged ate Nicole kanina, sabi niya nasa office si Deanna. Di rin naman daw sila masyadong busy dahil karamihan sa mga clients nila nasa bakasyon pa. Close naman kami ng ate ni Deanna, ang bait nga niya sakin. Siya yung nakakatulong ko sa mga surprises ko sa kapatid niya. I'm in good terms with Deanna's family.
"Hi, I'm Jessica---"
"Hey, hey, Jema. You're here na." itatanong ko pa sana sa receptionist kung saan ang office nila pero nakita na ko ni ate Nicole dito sa lobby. Palabas ata siya. Nag beso kami at nagkamustaha muna.
"Jema, 10th floor yung office namin. Tanong mo na lang sa secretary sa harap kung saan office ni Deanna. May lunch meeting pa ko. Tell her to have her lunch na parang walang balak lumabas ng office niya eh."
"Okay po, ate. Ingat ka po."
"Sige, Jema, bye."
Lunch time na nga. Ano namang reason ni Deanna at walang balak mag lunch? Buti na lang pala pumunta ako dito. Aayain ko nga siya mag lunch.
Di muna ako sumakay sa elevator, sobrang dami ng nakasakay. Yung susunod na lang. Gusto ko fresh ako pagkakita sakin ni Deanna.
Okay, yung next ride parang ako lang ata ang sasakay. Buti may operator nakakatakot mag isa sa elevator.
"10th floor po." I told the operator. Nag antay pa siya konti pero wala ng sasakay. Palabas lahat ng tao. Lunch time kasi.
Pasara na yung elevator ng may biglang humabol papasok. Kung suswertehin nga naman ako.
"Hi, Jema." bati sakin ni Alex pag pasok. Swerte ko talaga grabe. Parang sinadya ng tadhana na kaming dalawa lang ang sakay nitong elevator.
"Hello, Alex." bati ko pabalik.
Infairness, bagay sa kanya ang corporate attire niya. Black skirt, white long sleeves and a black blazer. Mas lalo siyang tumangkad tignan dahil sa heels niya. Maganda talaga si Alex, lagi ngang parang galing salon yung buhok nito, ang puti at kinis pa niya. Saka kahit sa labas magaling siyang magdala ng damit, di ko lang inexpect na mas maganda siya pag naka corporate attire. Samantalang ako eto naka simple floral dress lang with cardigan.
"Visiting Deanna?"
"Ah, yes. Surprise visit."
"Ohh, good. I bought lunch for us, ikaw na lang mag bigay nito sa kanya, Jema. Wala ata siyang balak mag lunch. Ikaw na magpakain." inabot niya sakin yung isang paper bag. Mainit init pa to ah.
"Sure. Thanks, Alex."
"No worrries."
10th floor..