J
"I have to go, Ryan. Sorry talaga."
"But, Jema. Bili muna tayo ng kape please." paalis na ko pero hinawakan niya pa ko sa kamay para pigilan.
"Sorry talaga, Ryan. I need to go." tapos umalis na ako. Hinanap ko si Deanna pero bigla siyang nawala.
Inisa isa ko pa yung mga tao, ang bilis niya nawala.
No! This is not happening!
Nagmamadali akong bumalik sa parking lot. Uuwi na ako. Sana naman sa condo siya umuwi.
Kahit ilang paliwanag pa ang gawin ko, uulit ulitin ko, magkaayos lang kami.
Wala akong sinayang na oras. Nakarating agad ako sa unit.
Pag pasok ko...
"Babe..." tawag ko at nakita ko agad siya.
Nag pprepare sa kusina ng pagkain na kita kong dala niya kanina.
"Hey, Jema. I'm here. Wait for awhile babe ah, ininit ko lang ulit yung pizza."
Teka? Anong nangyayari?
Lumapit siya sakin at inabot yung bouquet.
"For you, babe. I'm sorry for last night. Please, bati na tayo ah?" she said.
Bakit ganito siya?
Di ba dapat galit siya sakin?
Dapat inaaway niya ko ngayon...
Bakit siya pa yung nag sosorry?
"Deanna... About awhile ago---" di pa ko tapos pero niyakap niya ko agad.
"Let's make this work, Jema. Ayokong mawala ka sakin."
Mas lalo akong nakukunsensya sa ginawa ko.
Then, we heard the microwave. Okay na ata yung pizza.
"Wait, babe. Upo ka na sa couch." sinunod ko na lang siya pero naweweirduhan talaga ako sa kanya.
O baka tama si Mafe? Baka di ko pa talaga ganon kakilala si Deanna?
Sobra sobra na yung pag intindi niya sakin parang hindi ko na to deserve.
Pinatong niya yung pizza at iced coffee sa table sa harap ng couch. Then, inopen niya yung tv, saka siya umupo sa tabi ko.
"Tara, babe. Kain tayo, I bought this for you. What do you want to watch?"
Nalilito ako. Bakit parang walang nangyari?
"Wait, babe. Usap muna tayo, gusto ko mag explain."
"Okay. I'll listen. Tungkol saan ba, Jema?"
"Tungkol kagabi, tungkol kanina."
"Sige, makikinig ako."
I paused for awhile, inayos ko sa isip ko yung mga sasabihin ko.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Deanna, I'm sorry. Ako dapat mag sorry. Sorry kasi, oo, kinalimutan ko yung lunch date natin kahapon. Kasi naipit ako kay Ryan kahapon. Ni di kita namessage o natawagan dahil ang daldal niya babe, hanggang sa na low battery na lang yung phone ko."
Nakita kong kumunot yung noo niya.
"Akala ko siya talaga sinamahan mo for lunch."
"No, babe. Sorry talaga."
"But, I saw you smiling while talking to him kahapon sa coffee shop. I saw you babe kahapon." para siyang bata na nagtatampo sa tono ng boses niya.
Lalo tuloy akong nagi-guilty.
"Pinipilit ko na lang maging interested sa mga sinasabi niya non. My fault talaga, nahirapan ako tumanggi dahil na din sa paki suyo namin sa kanya sa training."
"I understand." maikling sagot niya.
Nasasaktan na din ako para sa kanya. Kahit naman ako, kung ako yung nakakita ng ganon kay Deanna, magseselos ako, masasaktan ako.
Baka sinugod at inaway away ko pa siya dun pag nagkataon. Ang sama ko! 😢
"It won't happen again, Deanna." hinding hindi na talaga.
Bahala na yung Ryan na yun, eh di wag niyang itrain players namin. Di naman kawalan. Maghahanap ako ng ibang mag ttrain.
"It's okay, Jema."
"Lika dito. Promise, di na ko sasama sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya." niyakap ko siya, ramdam kong mabigat pa din yung pakiramdam niya.
Pero kahit ganon, nakuha pa din niyang maunang mag sorry sakin. Di siya nagalit. Di niya ko pinangunahan.
"Yung kanina, nasalubong ko lang yun si Ryan sa mall. Inantay kita mag hapon kaso wala ka, nag decide ako na kumain na lang sa labas. Nakita ko siya dun."
"Stalker mo ata yun babe." medyo pang asar na yung tono ng boses niya at nakangiti na siya kahit paano.
"Babe sorry talaga..."
"Okay na, Jema. Bati na tayo di ba. Kain na tayo nagugutom na ko." kumuha agad siya ng pizza at inabutan din ako.
Kinuha na din niya yung remote ng tv at naghanap ng papanuorin.
"Ah, Deanna. Saan ka natulog kagabi? Di ka umuwi."
Uminom muna siya bago nagsalita. Nasaan nga ba talaga siya kagabi?
"K-kay Al---kay ate, Jema."
Sa ate lang pala niya parang nahirapan pa siyang sabihin. Well, madali lang naman talagang puntahan yung place ng ate niya.
"Cr lang ako babe. Wait ah. Pili ka na ng movie."
Anong nangyari dun? Nagmamadali? Ihing ihi lang? Ang weird talaga ni Deanna ngayon.
Pero ang mahalaga okay na kami, bati na kami at nandito na siya.