WILH-BHHE: chapter 1

354 6 0
                                    

  To all readers:  

*huwag po kayong maconfuse kung wala itong POV,.. i just designed this story this way kaya wala na kayong magagawa. this is written third person ominicient POV. Hence, narrator ang maririnig ninyo at hindi individual character's thought. okay ba?

* i click nyo rin ang VOTE button sa upper right portion. Same as in doing comments,....

 SAKA SORRY SA LAHAT NG AVID FAN NG FRANCELLA KASI MATURE ANG MGA CHARACTER NILA SA LOOB NG STORY NA ITO ,..

thank you!!!

chapter 1

Napasinghap si Mia sa napakagandang tanawing bumungad sa kanya pagdating na pagdating pa lamang nya sa bayan ng Sta. Monica. Para itong isang paraiso, ang view ng bundok mula sa bus was totally breathtaking. Napakasarap sa ilong ang malamig at sariwang simoy ng hangin. She was from a province in Davao kaya  she will never get tired of this kind of scenery as she is a nature lover at heart.

Siyam na buwan na siya sa Makati, nagtatrabaho bilang book keeper sa isang local newspaper company. Hindi lamang dahil sa hirap ng buhay kaya sya dumayo para  magtrabaho, at matutong maging independent. Gusto nyang masubukan ang buhay na hindi umaasa sa pamilya nya, gusto nyang i-explore ang mundo sa labas ng mundong kinalakhan nya. Alam nyang may ibang klase ng buhay pang naghihintay sa kanya. At tama nga siya, sa siyam na buwan nya na malayo at mag-isa ay maraming bagay syang mas natutunan sa sarili nya at alam nyang mas marami pa syang matututunan. Mas nakilala nya ang sarili nya at mas naintindihan na nya kung bakit hindi na sya masaya dati.

Maayos naman ang pasweldo sa kanya,  Me pera sya para sa pagkainat renta. Minsan ay nakakapagpadala pa sya ng konting halaga sa Davao para sa kapatid nyang nasa kolehiyo na. Hindi naman sya maluho at natural na matipirin kaya  madalas ang mga kasamahan pa nya sa boarding house  ang lumalapit kapag nauubusan ang mga ito ng pera.

Naging pinakamalapit sa kanya ay si Lucy  dahil kasamahan din nya ito sa trabaho. Mabait ito at tulad nya ay homebody din ito. Madalas pa nga ay sila lang dalawa ang naiiwan sa boarding house at kung lumabas man sila ay kundi sa supermarket ay sa palengke ang trip nilang pag-shopping-an.

Ngayon nga at semana santa naman ay inimbita sya nitong bumisita sa kanilang probinsya sa Quezon, sa bayan ng Sta. Monica na sobra palang layo. Kung kasama nya ito sa byahe ay hindi sana sya nagka ligaw-ligaw. Nauna kasi itong umuwi para raw mapaghandaan nito ng mabuti ang pagdating nya. Ayon dito ay magugustuhan nya ang kanilang lugar. At hindi naman ito nagkamali, she felt at home. It was Ash Wednesday but thinks that she will sure have a good time here.

Kaninang pagkababa nya ng bus sa unang bayan akala nya’y nasa town site lang ang address na sinasabi ni Lucy. Isinulat pa nga nya yun sa papel para ‘di nya malimutan.  Purok Maluwalhati, Salcedo Village, Sta. Monica.

“Naku ineng kung maaga-aga ka lang dumating ay inabutan mo sana ang second trip ng jeep paroon. Medyo malayo ang Salcedo at iilan lang ang pasahero kaya dalawang byahe lang ang jeep doon. Eh, alas kuwatro y medya na,wala nang biyahe,” anang tindera ng mga candy sa may terminal.

Naman! Sinabi nga pala ni Lucy na habulin nya ang first trip ng bus pa Sta. Monica. Ito pala ang dahilan.

“Pero hindi po ba Semana Santa naman ngayon, Manang? E di marami po ang mga umuuwi sa kanila o mga bakasyunistang tulad ko,” anya na umaasa pa talaga.

“Dito kasi sa probinsya namin ay pinapahalagahan talaga namin ang Semana Santa, kaya mas kakaunti ang bumibiyahe dahil mas pinipili na manatili sa bahay at gunitain ang Semana Santa. Hindi nyo din ba ginagawa iyon sa inyo?” tanong nito.

When I Look at Her-Behind HER Hazel EYES(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon