WILH-BHHE: chapter 4

107 2 0
                                    

“S-sakin? Ano yan, compensation?” malditang sumbat nya rito.

Napalingon si Zack sa kanya at si Rafael naman ay sobrang nagulat.

“Buti sana kapag kinain ko na yan, kinabukasan ay magaling na ‘tong braso ko. You know what I need right now, Mister?” nilapitan pa nya ito at itinaas ang kilay. She just copied a facial expression from a kontrabida in the TV. Umatras ng konti si Rafael, “I need an overnight miracle para makabalik na ako ng Manila without THIS!” at itinaas nya ang kanyang braso. “Hindi ako kaliwete and I work in an office, sa tingin mo makakapagtrabaho ako ng ganito, ha?”

“I’m…I’m sorry, promise I will do anything to make it up to you.” Mabilis na sabi nito.

She managed a fake and insulting smile. “Like what?”

Natuliro naman ito at hindi makaisip ng tama. “Basta I’ll come up with something, for now please let me just take care of you.”anito at hinawakan ang kanyang braso.

Naawa naman sya rito at parang sa nakikita nyang guilt sa mukha nito ay nagdalawang-isip syang palayugin pa itong plano ni Zack. Nilingon nya si Zack for help dahil naubusan na sya ng sasabihin.

Nakita nyang nakataas ang sulok ng labi ni Zack while amusingly staring at her. Tila ba gustong-gusto nito ang ginawa nya.

“Alright, you two can talk about your issue later. For now, papasukin mo na muna kami, Raf. It’s so hot out here and let us have lunch after we freshen up,” Zack said and looked at Rafael, “Why don’t you get Mia’s bag kay Cherry at ihatid mo sa guest room?”

“Sure,” ani Rafael at pinuntahan si Cherry sa labas.

Inakbayan sya ni Zack at muntikan na syang mapatalon lalo nang bumulong ito sa tenga nya.

“Good job, I knew I could count on you,” at pinisil pa nito ang kanyang balikat.

“Aray!” nakalimutan ata nito ang kanyang sugat.

“Oh,orry!” hinimas nito ang balikat nya na mas lalong nagpailang sa kanya kaya lumayo sya dito.

“H-hindi okay lang…”anya.

Saka lumapit ulit si Rafael.

“Sige dadaan muna ako sa kusina, see you in a minute at the dining room,” nagpatiuna na si Zack. Nang mawala ito sa paningin nila ay napatingin siya kay Rafael na asiwang-asiwa yata sa kanya.

“L-let’s go,” anito at sumunod sya dito.

Their lunch was like a feast. Ang kaso ay tatlo lang sila sa mesa. She just realized how rich these people were. Akala nya ay sa TV lang nya nakikita ang mga mayayaman na habang kumakain ay merong mga kasambahay na nakatayo sa gilid at nanonood sa kanila. It made her feel uncomfortable. This house was really big, kanina lang nya mas nalibot ng tingin sa kabuuan habang inihahatid sya ni Rafael sa kanyang kwarto. There were like more than a dozen room sa dalawang palapag na bahay na yun, every bit of the furniture  is worth a small fortune.

Nasa dulo si Zack at kaharap naman nya si Rafael na hindi ata mapalagay ang mga mata. He didn’t feel comfortable around her, na ikina-guilty naman nya.

“Don’t you like the food?” pansin ni Zack sa kanya nang wala pa syang inilalagay sa kanyang plato habang sumusubo na ito at si Rafael.

“Umm…” napatingin sya sa mga kasambahay na nakatingin narin sa kanya, “Mukhang masasarap nga eh…” she smiled hesitantly at inabot ang relyenong isda. But Zack lifted it at ito pa ang naglagay sa kanyang plato, pagkatapos ay nilagyan ng kanin ang kanyang plato.

When I Look at Her-Behind HER Hazel EYES(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon