WILH-BHHE: chapter 3

114 2 0
                                    

Now that his face was this close to hers ay mas malaya nyang nakikita ang magandang kulay ng mga mata nito. Isa pa, he was holding her hand tightly like he didn’t  wanna let her go. Iwinakli nya ang kamay nito sa laking gulat nito.

“Shut up and let go of me, you liar!” Sigaw nya sa mukha nito. Pagkalitoang nakikita nyang bumadha sa mukha nito. “That’s right…alam ko nang ikaw ang bumaril sa akin, Rafael! Kaya ‘wag mo nang bilugin pa ang ulo ko. Pinagamot mo ako dahil nakokonsensya ka ha? Buti naman, kaya quits na tayo. Because you owe it to me, you psycho! Kaya hayaan mo na akong makaalis!”

Naningkit ang mga mata nito at saka sya marahas na hinila papalapit dito. Ang isa nitong kamay ay nasa likod ng baywang nya at ang isa ay nakahawak sa batok nya. Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya that it hurt. But feeling his body against hers was  surprisingly much harder.

“How dare you call me a liar and a psycho?” tanong nito sa kanya, mata sa mata na hindi malaman kung matatawa o magagalit, at higit sa lahat dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha ay naliliyo na sya sa mabango nitong hininga.

Pero lumaban sya ng titig dito. “Bakit hindi ba totoo naman? Pinagtatakpan mo ang kasalanan mo by making me believe na you saved my life.” sagot nya rito. Nahihirapan na sya sa paghinga dahil nanginginig sya sa sobrang higpit ng pagkakahapit nito sa kanya.

“For your information little missy, you are now talking to Alexander Salcedo.” anito sa kanya, “Now, does my name have any Rafael in it?” nahugot nya ang hininga nya. “And just so you know, I can be very cruel sometimes but not to the weak. And most of all, if I were a psycho you surely wouldn’t be breathing anymore. I am capable of killing someone with my bare hands in less than a minute.”

His eyes were displaying something she couldn’t figure out but she would die not knowing.

“A-ang sakit na ng leeg ko,” reklamo nya at mabilis na pinakawalan sya nito, “Eh sino pala si Rafael ha? Narinig ko yung mga tao sa bahay mo na ang Sir Rafael nila ang bumaril sa akin”

“Correction, nakabaril at hindi bumaril. Hindi ba sinabi ko naman sayo na we will deal with the real culprit after you are done eating and all? Ang kaso matigas ang ulo mo kaya ngayon you are getting the wrong information.”

Medyo napahiya nga sya ro’n and to think pinagbintangan pa nya ito. Pero parang nabunutan naman sya ng isang malaking tinik sa dibdib sa nalamang mali pala siya.

“I’m sorry,” nasabi nalang nya at napayuko.

“You should be, ngayon ay bumalik na tayo sa bahay at ihaharap ko sayo si Rafael.” anito at sinipolan si Cherry na lumapit sa kanila.

“Maglalakad na lang ako,” anya rito nang sa bigla nya ay mabilis na buhatin sya nito. Napatili sya at pumiksi. Pero he was definitely stronger kaya matagumpay na napasakay sya nito sa likod ni Cherry. Nang gumalaw ang kabayo ay napatili sya at napayakap sa kabayo, “Naku! Baka dito na ako matuluyan, please pababain mo na ako dito. Aray! Ang braso ko!” pagmamakaawa nya dito.

“Don’t make harsh movements kung ayaw mong tumakbo si Cherry,” anito at pumuwesto na rin sa likuran nya.

Napasinghap sya nang maramdaman ang mainit nitong katawan sa likod nya. And now like in every girl’s fantasy, she was riding in a white horse with her Knight. Pero ang tanong, Knight nga ba nya ito? Ilang sandali pa ay marahan nang tumakbo ang kabayo.

“Um…paano mo ba ako natagpuan? Sa kakahuyan?” naitanong nya. She was trying to divert her attention into talking from the different kinds of feelings she is having right now just by being this close to him. Sa tuwing may pagkakataon na nagkakadaiti ang kanilang katawan ay naninigas talaga siya. It was a new feeling for her, never in her life has she been this close to any man. Because she never allowed them and most of all, she never allowed herself to.

When I Look at Her-Behind HER Hazel EYES(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon