WILH-BHHE chapter 11

14 0 0
                                    

NAIINIS na naman sya, kung kelan kasi nagmamadaling makauwi ay wala namang jeep na dumaan! Nahuli na rin kasi sya sa oras ng labasan nila dahil inayos nya pa ang kanyang magulong mesa.

Napatirik ang mata niya sa papadilim nang kalangitan. And it wasn’t just getting dark…nagsimula na rin kasing pumatak ang hindi nya inaasahang maagang pagbuhos ng ulan.Nakatayo pa man din sya sa gilid ng kalsada talaga.

Una akala nya ay mahina lang ‘yun at kakayanin pa, sayang naman baka may dumaan na jeep at wala na sya du’n dahil nakasilong na. Nang bumuka na ang langit at pumatak na ang malakas na ulan ay napaungol sya.

“Perfect!”

She turned around para bumalik sa building nila, ginawa nyang pananggalang muna sa ulan ang hawak na mga folders pero nang maalalang hindi pala yun pwedeng mabasa ay niyakap na lang nya ‘yun.

Mabilis ang takbo nya at dahil sa nakatungo ay ‘di nya nakita ang isang bultong nasa daraanan nya.

Bam!

“Ay lamok na bakla!” nasigaw nya, ang uri pa ng pagkakasigaw nya ay parang si Narda na sumisigaw ng Darna!

Parang merong dalawang planeta ang nagsalpukan at nagsitalsikan ang hawak nyang mga papeles, medyo nahilo pa nga siya nang konti at dahil sa lakas ng pagkakasalpok niya dito ay paupo siyang natumba.

Napangiwi sya at umungol, “Naman…” at dinama nya ang pwet nya. Akala nya naipis na yung isa sa lakas ng pagkakabagsak nya.

Mabilis na tinanggap nya ang kamay na nakalahad at nagpahila dito para makatayo. She felt something like static electricity na gumapang mula sa kamay nito padaan sa kamay nya at papunta sa puso nya na naging dahilan para sandali yatang mabigla ang puso nya sa pamilyar init ng kamay nayun.

“I’m sorry, Mia,” anang boses na akala niya ay sa panaginip na lang niya maririnig.

The one that gave her restless and have sleepless nights.

Could it be him? Tanong nya sa sarili. Probably not.

But just to confirm! Kahit nagsimula na syang kabahan ay itinaas nya ang paningin mula sa dibdib nito patungo sa mukha nito nawindang siya nang pagtingala ay nakumpirma ang duda nya.

It’s really Zack! It’s his eyes, his oh so beautiful hazel eyes.

Nakatunghay ito sa kanyang mukha at tila namagneto na naman sya ng mga mata nito na kung makatingin sa kanya ay pakiramdam nya sya ang pinakamagandang nilalang sa paningin nito.

Which is not true.

“Zack?” She stuttered, her voice broke! She felt a sudden loss of power to support her to continue standing. Nanghihina sya…

A smile on Zack’s lips appeared, “I finally found the strength to come after you,” anito.

“Come after me?” hindi nya alam kung saan nanggaling ang boses na yun.

And then voices from her dreams started to ring in her head again… the same words spoken on that gloomy night at the veranda.

Kapag may naaalala syang masaya roon sa Hacienda tulad nung Easter Egg Hunting nila ay napapangiti sya, pero biglang nasasapawan na naman ng tagpong ‘yun sa veranda ang lahat at hindi na sya napapalagay. Tuwina ay iniiwasan na lang nyang isipin ‘yun pero pabalik-balik talaga sa isipan nya hanggang sa ‘yun at ‘yun na lang ang naiisip nya.

There were nights when nahihirapan syang matulog dahil paulit-ulit sa pandinig nya ang boses ni Zack na nagsasalita…mga salitang pumunit yata sa puso nya. Minsan naman, nakakatulog nga sya pero sa panaginip na naman nya yun maaalala at nagigising din sya at nahihirapan nang matulog ulit.

When I Look at Her-Behind HER Hazel EYES(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon