Chapter 27

18 1 0
                                    

Pasado alas-kuwatro ng hapon noong makarating si itchiro para sunduin ako sa hospital. Totoo nga talaga iyong sinabi ng papa na siya ang susundo sa akin. Pero bakit siya? Hindi kaya nag apply na siya sa amin bilang isang driver?

"Hi, kumusta" bati ko sa kaniya ng makapasok ako sa loob ng sasakyan niya. Casual lang akong makipag usap kahit na ang totoo ay gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko dahil sa kaba.

His presence made my heart beat so fast! At siya lang ang nakakagawa noon sa akin.

Damn him!

"ayos lang" he answered and just gave me a nod.

Pinag masdan ko ang kabuoan ng kaniyang sasakyan. He was using a yellow sports car at purong black naman ang loob nito. Halatang bago pa ito dahil sa amoy at plastik na cover sa bawat upuan. Bago lang din ito sa paningin ko.

"yaman ah! Bagong car? " kunway biro ko sa kaniya to enlighten our atmosphere inside of this car. Muli kasi siyang tumahimik at wala naman na akong maisip na isagot doon sa sinabi niya kanina.

Nakita ko ang pag baling niya ng tingin sa gawi ko at binigyan ako ng tango bago binuhay ang makina ng kotse niya.

"luma na. koliksyon lang" tipid na sagot niya na nag dulot ng pag nga-nga nang bibig ko. Walang bahid ng kayabangan nang sabihin niya iyon. Parang normal lang. Parang tag limang piso lang, Ganoon!

The heck!

"Collection lang? Nilalang-lang mo lang 'yon?" manghang bulas ko. Daig ko pa ang sumali sa patimpalak ng tongue twister dahil sa sinabi ko. Hindi ko nga alam kong may na intindihan ba siya sa sinabi ko pero wala akong paki-alam dahil hindi parin maalis ang pag ka-gulat at the same time pag ka-amaze dahil sa sinabi niya.

Honestly, his collections of cars are not a joke. Mga mamahalin ang mga sasakyan na nakikita kong ginagamit niya lately at hindi na biro ang presyo ng mga 'yon, at kung mga koleksyon niya ang mga iyon for sure mas may imamahal pa siyang sasakyan kong ganoon.

Na palunok ako sa hiya nang sumagi sa isip ko ang kotse ko. Iyon ngang kotse ko ay isa nang branded at sa murang halaga ko lang nabili pero labis pa akong nang hinayang, pero siya mukhang hindi niya iniinda ang gastos dahil sa collections niya!

Isa ka kasing slap soil, zara! Hindi mo afford 'yon.

"Ang rich kid mo siguro 'no?" i joked.

I know that they are rich, kasi sa bahay palang nila na sobrang laki ay hindi na maitatangi kung gaano sila karangya sa buhay, mas lalo pa akong na mangha nang malaman ko ang about sa collections niya. Gaano kaya sila kayaman? Isa pa kasali sila sa organization ng papa para sa mga may business so ibig sabihin they have their own source of money.

Dude, can you be my sugar daddy then?

"sakto lang, may business ang pamilya pero galing sa sarili kong pera ang ginastos ko para sa koliksyon ko" sagot ulit niya. Hindi siya naka tingin sa akin kaya malaya kong pinag masdan ang mukha niyang naka side view.

Everytime, i look at him i can't help myself but to admire his beauty. Ang perfect kasi ng hulma ng mukha niya. From his pointed nose to his jaw line, cliff chin, at isama mo pa ang nunal niya sa side of his right chin na mas lalong nag dala sa kagawapuhan niya.

Hay! hindi ko alam kong kaylan ako nag kagusto sa kaniya pero yung puso ko ay hulog na hulog na.

"staring is rude" nanlaki ang mga mata ko ng muling mag tama ang paningin naming dalawa. Mabilis kong ibinaling sa labas ng bintana ang mga mata ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang pag pawisan dahil sa init na galing sa kaba ko.

Love Just Ain't Enough (on going) Action Series #1Where stories live. Discover now