Royal III

286 8 2
                                    

Royal III

Snobber

Kate's POV...

"Bakit ba kasi ako? Pwede namang si Nikki na lang diba? Tangina ng mga 'to oh! Amputang buhay."

"Ikaw nga daw kasi sabi ni Maguimi! Hala, huwag kang makulit Yumina!"

"Ay puta! E sa ayaw ko nga! Putapete! Ikaw na lang kasi!"

"Iiih! Ikaw yung inutusan hindi ako, naman eh! Kainis ka talaga!"

Napangiwi ako sa usapan nong dalawa, bakit ba kasi ayaw nila na sabay na lang silang tumawag? Katangahan nga naman oh. But, the hell I care anyway? Ibinalik ko ang paningin, utak at diwa ko sa librong binabasa ko kaso kahit anong gawin ko, hindi na pumapasok sa utak ko ang binabasa ko dahil doon sa ingay noong dalawa.

Andito kami ngayon sa Name it Café na pagmamay-ari ni Nikki. Maaga pa noong tumawag si Mayumi at sinabing pumunta kami dito ng alas diyes (10:00) ng umaga, pero dahil malapit lang naman ang condo ni Yumina dito, walking distance, at sa taas lang nitong café na ito ang madalas na tinutulugan ni Nikki at dahil ayaw kong ma-late sa usapan, pumunta na ako dito kahit alas nuebe (9:00) pa lang ng umaga pero dinatnan ko lang yung dalawa na nag-aaway. Ibinilin daw kasi ni Maguimi na tawagan ni Yumina sina ate Sphere at pumunta dito sa ganoon ding oras kaso masyadong tamad si Yumina at si Nikki na lang ang inuutusan niya kahit nasa tabi niya lang ito.

"Uy Kate, ikaw na lang kaya ang tumawag?" biglang sabi ni Yumina sabay tusok sa pisngi ko na ikinairita ko pero wala akong balak na tignan siya o sagutin man lang ang sinabi niya dahil tinatamad ako.

"Tama! Tama! Kaya Kate, please naman, ikaw na lang!" Hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niyang mabantot.

"Anak ka ng pating! Sige na kasi Kate!"

"Shutanginabers naman oh! Walang ganyanan Kate!"

"Pagginawa mo 'yon, kagaganda ka! Kaya gawin mo na! Anak ka ng kamatis!"

"Uy Kate, sige na kasi! Putapete na man tong buhay na to!"

Patuloy lang siya sa pangungulit pero hindi ko siya pinapansin. At gaya ng sinabi ko, wala akong pakialam sa pinaggagagawa nila. Tangina, masakit pa din ang kamay ko dahil sa ginawa ni Maguimi. Kinailangan ko pang dumiretso sa laboratory ko imbes na dumiretso sa mansion ko. Damn, even though I always keep my mouth shut, it doesn't mean na kapag nasasaktan ako, wala lang sa akin ang sakit at tatahimik na lang din. Masyadong nabigla ang katawan ko, particularly ang kamay ko, dahil sa ginawa ni Maguimi. Hindi ko man lang napatigas kahit papaano ang kamay ko para hindi gaanong masaktan pero heto, nagka-sprain ang kamay ko. Medyo okay na din naman ito ngayon kaya tinanggal ko na ang benda kaso kapag nabibigla, putakte lang ang hindi masasaktan.

"Anyare sa inyo?" biglang tanong ng isang babaeng kadadating lang and base on the voice, si Ianne 'yon.

"Uy Ianne, kaw na lang magsabi kina ate Ayunako na pumunta sila dito, pwede? Tangina, ayaw ko eh." Kailan ka ba matututong magsalita na walang halong mura, Yumina Cathelleyah Williams? You cursing gladiator.

"Tae, yon lang naman pala eh. Akin na ang phone mo!" sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Binigay naman ni Nikki ang phone niya kay Ianne at tumalikod na ito. Patay sila ngayon dahil 9:30 na at ngayon lang nila sasabihan sina ate Hailey.

Manchester Royal Sofia Academy (School For Mafia)Where stories live. Discover now