Hailey is pronounced as High-Lee but, Ley is pronounced as Leigh.
⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠⚠
Royal VII
Chasing Death with Foxes
Hailey's POV...
"Huwag mo masyadong panggigilan ang baso, Ley." Sabi ni Sphere sa akin. I'm currently here in her condo at hanggang ngayon ay badtrip pa rin ako sa ginawa sa akin ni Maguimi noong Sabado. Lunes na ngayon at ibig sabihin, ngayon na ang simula ng bago naming misyon. Mag a-alas-singko pa lang ng umaga pero alas-singko naman ang call time namin dahil iyon ang sinabi ni Maguimi. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila sinusunod si Maguimi
"Stop drinking Ley, kanina ka pa umiinom. Ang aga-aga." Sabi pa ulit ni Sphere pero hindi ko siya pinansin. Isa pa si Ianne. Ni hindi man lang niya pinigilan si Maguimi ng sakalin niya ako! For Pete's sake! Pinsan ko si Ianne pero hinayaan niya lang akong ganon. Idagdag pa ang kakambal kong si Nathaniel. He's older than me and we have the opposite behavior and all pero nito lang ay bigla siyang lumapit sa akin at tanong na ng tanong tungkol kay Maguimi. Kitang-kita ko na wala siyang tulog kaya naman naguguluhan ako. Ano nanaman ba ang ginawa ni Maguimi? Why does she make everything unorganized?
"Hailey Nathalie Smith! Kanina pa kita kinakausap!" napaigtad ako ng bigla akong sigawan ni Sphere. Can someone remind me kung paano ko naging kaibigan and isang Sphere Clarkson?
"What?" I ask irritated. Wala akong pakialam kung ma-offend man siya dahil hindi ako nakikinig sa kanya. Hindi pa rin nababawasan ang init ng ulo ko at lahat ng 'yon ay kasalanan ni Maguimi.
"I know you're mad but I'm not that person. Huwag mong hayaang ako ang mawala sa mood ng dahil sayo Hailey." Seryosong saad ni Sphere. Bumuntong hininga na lang ako at binitiwan na ang baso ng alak sa kamay ko. Imbes na uminom ng kape ay alak ang inuna ko. Hindi ako mapakali dahil kay Maguimi. Anong klaseng bata ba siya at pati si Mr. Penyscovitch ay natatakot na din sa kanya? Kung bastusin pa nila si Mr. Penyscovitch ay parang mas mataas pa sila kaysa sa kaniya! Top12 mafia boss si Mr. Penyscovitch at mga tauhan lang sila nito, kagaya namin kaya wala silang karapatan para bastusin ito. Kung tutuusin nga dapat ay ipinapatay na sila ni Mr. Penyscovitch.
"Common, let's go. I don't want to be late." I said as I grab my coat. Na kay Yumina naman ang invitation namin at tutal may test pa naman, wala pang uniform. Pero kataka-taka pa rin si Maguimi, kahit naman wala akong tiwala sa batang 'yon, hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya ang magsisilbing leader para sa mission na 'to. Pwede namang isa sa amin nina Ayunako at Sphere dahil mas matanda kami sa kanila!
At higit pa doon, napapansin ko din naman kapag nasa quarter kami ng Penyscovitch Mafia, walang sinasanto si Maguimi at ang grupo niya which is really obvious kaya naman nagulat ako ng sinabi niyang wala dapat kaming patayin doon. Hindi ko tuloy alam kung nagpapatawa ba siya o ano. Tangina lang.
I really need to know kung anong meron kay Maguimi at sa grupo niya. All people that are part of Penyscovitch Mafia are talking about them and it's not funny. Naiinis na ako sa kanila kahit na pinsan ko pa si Ianne at kasama nila siya. Ang mga batang 'yon, wala ng ginawang tama. I never saw them respect with others, I never saw them being normal kagaya ng ibang tauhan ni Mr. Penyscovitch. If I'm Mr. Penyscovitch, matagal ko ng pinatapos ang buhay nila. I don't hate them; it's just that I can't understand them. Masyado silang kakaiba, masyado silang masikreto at malinis gumalaw. Mahirap silang intindihin.
YOU ARE READING
Manchester Royal Sofia Academy (School For Mafia)
ActionManchester Royal Sofia Academy Ano ba ang unang pumapasok sa isip ng mga tao kapag naririnig ang eskwelahang yan? "Manchester? 'Di ba, lugar 'yon?" "Ay, 'di ba para sa mga mayayaman 'yon?" "Sofia? Baka ang pangalan ng anak ng may-ari ay Sofi...