Royal I

406 14 0
                                    

Royal I

Childish

Nikki's POV

"Tangina naman oh!" Yumina said while exchanging bullets to these 20 douche-bag bastards. Being in this kind of situation will make your nosebleed like there's no tomorrow.

Why oh why, maharot na gulay? Nakakainis naman kasi! Kumakain lang kami kanina ng shawarma with matching coke float and French fries don sa mall ng biglang may kumalabit kay Kate. We thought na si Maguimi 'yon kasi naman humiwalay siya samin nung pumasok kami sa mall which is, pagmamay-ari ni Ianne. Ayaw niya kasing pumunta sa mall, pinilit lang siya ni Mayumi. Noong una, hindi namin pinansin, kahit naman nakakatakot si Maguimi kung magalit e wala muna akong pakialam, gutom na gutom ako tapos kakalabit siya, bahala siya. tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ni Kate. Dahil sa adrenaline rush siguro ni Kate, pinilipit niya yung kamay nung humawak sa kanya which is akala namin si Maguimi, at ibinalibag 'to kaso ang kinalabasan e lalaki pala ang nasaktan niya. Lalaking hapon at lalaking gwafu! Tsaka lang namin na realize na hindi pala nangangalabit si Mag's at kung siya man 'yon, hindi dapat siya maibabalibag ni Kate dahil mismong si Kate dapat ang masasaktan. At kung si Mag's dapat 'yon, hahagisan niya kami ng death needle, hindi kakalabitin.

Kaso anak lang ng tipaklong! Hindi naman namin alam na isang tagapagmana ng isang clan, yakuza and name it all organization sa Japan ang lalaking 'yon na kaa-agad hinanapan ng information ni Yumina habang tumatakbo kami, edi ngayon, hinahabol kami ng mga gwardya niya. Namputcha! Wala man lang ginawa yung lalaking hapon na yon! Tinawanan lang kami pero ang worst? Hindi man lang niya pinigilan ang mga alaga niya!

"Darn it! Asaan na ba kasi ang kapatid mo, Mayumi?! Namputa! Bwishit ang mga hudlum na to!" nanggagalaiting tanong ni Yumina kay Mayumi. Mayumi just shrug and continue sucking her lollipop while putting bullets on her gun. God!

"Naman Mayu! Huwag kang mainggit! Penge ng lolli!" sabi ko sa kanya. May dinudukot siya sa bulsa niya and oooh~ Lollipop! Strawberry with mango na flavor, mix! Nung eksaktong ibibigay niya na, biglang napa-preno si Yumina, na siyang nag-d-drive, kaya naman napasubsob ako sa harap, nasa back seat kasi ako. Ay putek! Naman eh! Hindi na ko cuuute~!

"The hell Yumina?!" singhal ko sa kanya. ENEBE!

"Shut the fucking up will you!? Kung tumahimik ka na lang kaya dyan at abutan ako ng mga bala o kahit anong sandata dyan edi sana may naitutulong ka! Try to talk again and I'll assure you, I'm gonna kill you using my own hands, you fucking dimwit!" sabay tingin ng masama. Aray! Anchakit! Ang bad-bad talaga ni Yumina! Sarap ipalapa sa leon e noh?

I rolled my eyes at her. Masyado na siyang namimihasa sa pagmumura. Kung dukutin ko kaya ang mata niya para hindi na siya makakita at ang vocal chords niya para hindi na iya makapagsalita? Pasalamat siya at cute ako kung hindi, makakakita siya ng cute na demonyong susuntukin ang mukha niya. Hmp! Pasalamat talaga siya kung hindi...aish! Bahala na si batman!

Kesa pansinin si Yumina, I just grab my favorite weapon. My own bow and arrow. Oo na, ako ng hindi pang modern ang weapon pero at least, ako ang gumawa ng sarili kong bow and arrow. My bow is made of gold, real gold, while sa isang dulo nito ay gawa sa titanium at ang kabila ay gawa sa beryllium na ang shape ay patulis. Sinadya ko yung ganon at hindi ako nagkulang sa materials, sinadya ko talaga. Pwede mong hatiin ang bow ko dahil kapag gagawin mo yon, mag-mi-mistulang mga espada ang mga to dahil sa magkabilang dulo nito. Well, kahit naman hindi mo ito hatiin, you can still use it as a weapon at pwede mo pa tong pahabain and about my arrows, like ordinary arrows, ganun din ang itsura. Sa may pwetan nito ay gawa sa metal na pakorteng bungo, ganun din sa katawan nito, gawa sa metal pero ibahin mo ang mismong blade nito. It is also made from beryllium kaya kahit semento ay kaya nitong tirahin. At kapag itinira mo na ito, ang isang arrow ay nagiging 3. I call it Sharp. Yes, ang pangit ng pangalan but what can I do? Sharp naman talaga ang weapon ko.

Manchester Royal Sofia Academy (School For Mafia)Where stories live. Discover now