Royal II
Disobey-er
Ianne's POV...
"Tanda, gutom na talaga ako. Pahingi naman ng pagkain oh?"
"You have your own money Ms. Ianne so kindly buy your own food with your own money."
Ay puta. Nagugutom na ako at kahit na konti man lang ay hindi man lang ako binigyan ni tandang Penyscovitch ng pagkain. Kainis! Kasalanan to ni Nikki na hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas mula sa banyo kaya hindi kami makapagsimula sa kung ano man dapat ang pag-uusapan namin. Hindi ko tuloy alam kung paglabas ba ni Nikki ay siya ang kakainin ko o bubugbugin ko siya dahil pinaghihintay niya kami ng ganito katagal. Naka-upo lang ako dito sa isa sa mga leather couch ni tandang kuripot habang si Maguimi ay tulog sa opposite side. Naka-upo naman sa isa pang upuan si Kate habang nakataas sa center table ang paa niya at naka-indian seat naman sa tabi ko si Mayumi. Si tanda naman ay naka-upo sa swivel chair niya habang hinihintay naming lumabas sa banyo si Nikki patootie. Bale, kaming 7 lang ang andito sa loob ng opisina ni tandang kuripot.
"Ianne......Meron ka bang pagkain diyan?" tanong ni Mayumi na ikinasimangot ko. Taena naman nito, kung meron sana edi kanina pa sana ako busog dito.
"Mukha ba akong may pagkain?" tanong ko. Gutom na talaga ako kaya kung sinu-sino na ang natatarayan ko.
She pouted and it irritates me. Hindi dahil hindi niya bagay kung hindi pinapa-alala niya lang ang makasalanang si Nikki.
"You hungry?" biglang bangon at tanong ni Maguimi sa kapatid niya. Tumingin sa kanya si Mayumi at tumango. So narinig niya yung conversation namin ng kakambal niya. Di Wow. Now, what are you going to do for your hungry sister, Maguimi?
Akala ko lalabas siya kaso hindi. Ang dami talagang namamatay sa maling akala. My eyes widened when I saw what Maguimi did. Lumapit siya sa kina-uupuan ni tandang kuripot at kinuwelyuhan si tanda. Pati si Kate ay nagulat sa ginawa ni Maguimi. What the hell are you thinking Cosgrove?
"Food, now!" dumagundong ang boses ni Maguimi sa buong office ni tanda and I saw how Mr. Penyscovitch switched his emotions, from emotionless to being scared.
"S-sure thing Ms. Maguimi." Penyscovitch said and call his secretary.
"Tresei, bring some foods here. Now." Sabi niya at pinatay ang tawag. Tsaka lang siya binitawan ni Maguimi noong natapos na ang conversation nila ni Tresei, his secretary, at siya. Namalayan na lang namin na may dumating na dalawang lalaking naka suit at may hawak na tig-dadalawang pagkain. Nang mailapag nila ang pagkain, agad na umalis ang dalawang lalaki. Umalis na din sa tabi ni tanda si Maguimi at lumapit sa kinauupuan ni Mayumi.
"Ianne, Mayumi, eat. You too Kate." Sabi niya kaya nilantakan agad namin ang mga pagkain namin. Especially Kate who is a food monster.
Habang kumakain, nahuli ko pa si Maguimi na kumukuha ng pasta carbonara at fried chicken. Noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya, sinamaan niya ako ng tingin kaya naman umiwas ako.
Grabe, para namang ipagkakalat kong matakaw siyang kumain.
Habang kumakain,biglang sumulpot ang taong kinakainisan kosa araw na ito.
"Wooooow! Andaming pagkain!" hindi ko na napigilan ang sarili ko nabatukan ko siya.
"Letche ka! Kung hindi dahil sayo, hindi sana kami kumakain ngayon kung hindi dahil sayo! Bumili ka nga ng pagkain, puro matatamis pa at mas lalong hindi ka pa nagbigay! Kawawa kami dito na naghihintay sayo para sabihin na ni tanda yung kung ano man ang sasabihin niya kaso tangina lang! Kailangan ka pa naming hintayin at kailangan naming tiisin ang gutom namin!" kumukulo ang dugo ko! Grrrr!
YOU ARE READING
Manchester Royal Sofia Academy (School For Mafia)
ActionManchester Royal Sofia Academy Ano ba ang unang pumapasok sa isip ng mga tao kapag naririnig ang eskwelahang yan? "Manchester? 'Di ba, lugar 'yon?" "Ay, 'di ba para sa mga mayayaman 'yon?" "Sofia? Baka ang pangalan ng anak ng may-ari ay Sofi...