CEG's POV
1...2..3.4..5seconds
Foeta sino tong lumapastangan sa pagkatao ko? Gusto ba nitong makaranas makapunta sa impyerno gamit ang kamao?
Pagkatapos akong halikan nitong lalaki ay ngumisi sya at tumingin sa babae.
Ako naman hindi makagalaw dahil sa gulat at pagtataka. Ano yon? ba't biglang may ganun?
" Abby I told you, I have a girlfriend, look." sabay turo nya sa akin. Hanep parang nag pepresent lang sya ng isang bagay, Tumingin ako sa lalaki tapos.. "sht!" daing niya ng sinapak ko sya. Kala mo ha! Hayp na yan? anong girlprend. Eto talagang mga vlogger na to wala na ibang ma content sa buhay.
"Oh my gosh Alexus!" na padaling pumunta yung babae sa lalaking sinapak ko
Tumingin naman yung lalaki sakin at ngumisi lang. Prank to knows ko na to?
" sweetie " ha? ano daw? Hatdog?
"Pakyo ka!" sabi ko sabay takbo, prank nga to, nag vovlog tong magjowang to tapos ako tong napagtrippan, mga bwesit siguraduhin lang nilang gwapo akong sa camera nila.
" wait my sweetie!" hayop! kadiri naman buti sana kung yung babae tumawag sakin kaso sarap sapakin ng lalaki ulit jusko!
" wait sweetie!"sige lakasan mo pa pagsigaw ng marinig ng buong mundo kabaduyan nyo jusko! aalis na sana ako kaso nahawakan nung lalake yung kamay ko. Ano na naman! bwesit itabi nyo na aalis nako dito , mahal kaya tong Tf ko.
"Ano ba bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko, naeexpose ako masyado sa vlog nila. Nakakahiya jusko wala na bang magawang ibang content tong mga ugok na vlogger nato?
Dali dali akong umalis, baka masapak ko pa uli yung lalaki, baka ma tulfo pa ko for sure sila kakampihan kasi marami silang fans tapos ako di pa sikat may haters na.
"Wait wait.. I'm so sorry ang sakit mong manapak para sa isang babae" sabi nya habang hinahabol ako, pinagngiwi pa nya ang kanyang panga na tila ba wala lang sakanya yung sapak ko. Napabilib pa talaga sya sa pagsapak ko sa kanya. Kung isahan ko pa to? Hayp na yan yung first kiss ko naging isang nakakadiring pangyayari sa tanang buhay ko. Naging parte pa ng prank jusko naman.
" gagu ka ba? Anong babae ka jan? Hoy lalaki to gago!" baka sira paningin nito kaya nagpagkamalan ako.
Tumawa sya at tumingin sa akin sabay sabing. "Really?" Humakbang sya papunta sakin inilapit nya ang kanyang mukha kaso tinapal ko yung kamay ko sa mukha niya. Apaka feeling close naman nitong lalaking to! isa pa kayang sapak para matauhan to.
"You really something miss, but from now on you're mine" casual na sabi niya sakin sabi sabay kindat. Di pa ba tapos tong prank nila? tapos may something daw ako? Ako pa pagkamalang baliw gago to ha? last nalang talaga, sige na Lord isang sapak lang.
" aba't gagung to! Lalaki ako hoy! Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo tol! Bakla ka ata" Naku sigurado akong bakla to gwapo eh. Karamihan kaya sa mga gwapo ngayon gwapo din ang hanap kaya eto at nagahahanap tong isang to at ako pa talaga?
" You're not look like a man. You don't look like a lesbian also. Listen miss, I have a very big problem so you got this and I got this, you will work for me as my girlfriend and I will pay you any amount of my money, just name your price" saad niya. Isa na lang talaga makakatikim to ng sapak sakin ulit. Hambog din pala tong isang to tsaka anong I got this nandamay pa! Abay certified gago nga tong ugok na to.
" Nakakalalaki kana pare ha! Sinabing lalaki ako. Tigas din naman ng mukha mo! sayo nayang offer mo may pera naman ako. Ano tingin mo sakin na pupurchase sa Unitop? Isang bagay lang na nabibili? nako tigil tigilan nyo sa prank nyo asan ang camera ninyo ha!?" supalpal kong sabi sa kanya, nagtitimpi lang talaga ako pero gustong gusto ko na talaga syang sapakin ulit.
" ano prank? with that look you called yourself as a man? You have a nice body, a nice shape ass and a nice boobs and yet you feel like you're a man? Are you blind?" padududang sabi niya sakin. Pinagkrus ko yung kamay ko sa katawan ko! Hayp na to minanyak patalaga ako.
" paki mo? Wala kang paki kung ano yung itsura ko basta lalaki ako tapos ang usapan! Sapak gusto mo?" akmang sasapakin ko sya pero ang foeta! Ngumisi lang.
"If you change your mind just go to my penthouse" may kinuha syang card at aakmang hahalikan na naman ako at may ibinulong sya sa akin. "I'll wait for you. This is a very big offer, you should grab it. I'll give you one week miss sexy" sabay abot nya sakin ang card tsaka ngumisi na naman at umalis. Seryoso napakasarap nyang gulpihin hanggang sa malagas lahat ng ngipin niya, nakakainis yung pangisi ngisi niya tsaka grabe sya akala niya mabango hininga niya amoy snowbear naman, yung babae naman sumunod agad sa kanya paalis,
Tiningnan ko yung card na binigay niya sakin." Alexus Luires Valenzuela President of Valenzuela Mining Company and Corporation?"
Lumaki yung mata ko ng nabasa ang nakasulat sa card. we? yung manyak na yun presidente ng kompanya? ulol niya, sinong pinagloloko ng walang kwentang vlogger na to?
Ay ewan bala sya! gagung yun yung first kiss ko pa talaga bwesit! nagpapadyak padyak at sumuntok suntok pa ako sa ere dahil sa inis sa mga vlogger na yun
pagkatapos kong mailabas lahat ng inis ko sumakay na ako sa motor ko at umuwi na. Saka ko na poproblemahin tong mga problema. hayp talaga yung first kiss ko!! Kainis! Swerte nun nakaisa ang foeta. Mahanap nga na rin sa internet yung vlog nila titingna ko kung gwapo ako dun sa video, baka mag viral mahirap na. Pagtalaga hindi ako gwapo sa video nila ipapahunting ko sila.
YOU ARE READING
Turn Into A Twist
RandomHave you been in a situation where you can't find who you are? What if you're a lesbian but you suddenly feel something special towards to someone? Change identity na naman ba'to? Identity crisis? San mo na naman ba ilulugar ang sarili mo? Simulang...