Chapter 8

2 0 0
                                    

CEG'S POV

Nakasakay na ako ng elevator papunta sa penthouse ni Sir, nakasuot ako ngayon ng puff sleeve shirt and trouser pant tapos nag flatshoes nalang ako.

Seryoso alas sais ng umaga kanina inayosan ako ni Aya pinuntahan nya pa ako sa condo namin. Mabuti nalang tulog pa yung mga ugok kaya di kami na bisto ni Aya. Naghintay nalang ako sa kotse niya kanina kasi nga alas 9 pa ako pupunta kay sir.

Kabang kaba ako papunta sa penthouse ni boss. Habang naglalakad na ako papuntang pintuan nya biglang lumabas si boss at bakas sa kanya ang gulat na itsura.

Yes I know boss ang ganda ko pero mas gwapo ako sayo.

"Good morning bo-" naputol yung pagbati ko sa kanya ng bigla syang sumenyas na tumahimik raw ako.

"Bakit boss?" Tanong ko agad sakanya pagkadating nya sa harap ko.

"Didn't you receive my text?" Mukhang naiinis sya base sa tono ng pagtatanong niya.

"Hindi sorry naman boss, kinakabahan kasi ako kanina kaya di ko naramdaman na may nag text sakin" pagdadahilan ko nalang sa kanya, sana tumawag nalang din siya diba?

"Damn it! Sinabi ko don na cancel itong meeting nato bakit ba naman kasi di tumitingin sa text" inis na sabi nya, sesermunan pa sana niya ako kaso may biglang dumating na...teka? Uminom naman ako ng kape kanina bago ako pumunta dito. Di naman ako inaantok pero bakit may dalawang Alexus dito?

"Here you are, the breakfast is ready lexus, dad is waiting " sabi ng isa pang Alexus sabay tingin sakin at tanong ng... "Hi you look familiar diba ikaw yung nasa bar?" Ha? anong nasa bar?

"Madami syang kamukha, by the way this is my girlfriend Charm, Charm this is my twin brother Alexis."
Pagpapakilala samin ni boss.Ay yuwu kambal pala. So si Alexis pala yung naghatid sakin sa condo? Akala ko si Alexus, hayp na yan wala naman kasing pinagkaiba tong dalawang to ultimo boses magkaparehas jusko!

" hello, oo par- este oo ako yun, salamat nga pala sa paghatid mo sakin sa condo" pagkasabi ko nun biglang nagsmile si Alexis sakin tapos tumingin kay boss.

"No dont mention it. Baka magselos tong si Lexus. Man nothing to worry nagkataon lang na wala syang masakyan kaya ako na ang nag offer na ihatid sya" tugon nya saming dalawa ni boss.

" thanks man, Of course there is nothing to worry, tara let's have breakfast first"  sabi ni boss, parang ang sobrang seryoso naman ata nitong si boss ngayon.

Pumasok na kami penthouse ni boss, pumunta na kami ng dining area at heto na! Hoy di pa ako ready, pano ba ma impress ang isang may ari ng kompanya sa halos lahat ng bansa?

"My sons, sige na umupo na kayo, you too ija, the breakfast is ready" alok agad nya ng makita kami.

Pinaghila ako ng upuan ni boss, eto na ba? Actingan na ba ito? Pano ba? Pa demure effect or be myself nalang? Pero ang dami kong character sa loob looban ko jusko! Ano ba pipiliin ko ang walang hiyang Ceg o ang mahiyaing Ceg ?

Nakita siguro ni boss na di alam ang gagawin ko kaya naman bigla syang humalik sa pisngi ko sabay sabing "be formal and just be yourself"

hala! Panong mag be my self nakakagulat naman kasi yung biglaang halik jusko!  kahit naman lalaki ako sa puso't kaluluwa sure akong namumula itong pisngi ko. Abay ewan nakakahiya!
Ngumiti nalang ako sa kanya at ewan ko sa ngiti ko basta ang alam ko hindi maganda yun. Bungal kasi ako, charot!

Pinaghain ako ni boss ng pagkain. Sosyal talaga tong mga mayayaman kung mag agahan parang nakafiesta palagi, sana all spam ang ulam.

"So Lexus is this your girlfriend?" Nasamid pa ako ng biglang tinanong si boss ng daddy niya.
"Yes dad, finally you meet my girlfriend this is Charm Malabini" pagpapakilala sakin ni boss sakin sa daddy nya.

Turn Into A TwistWhere stories live. Discover now