Chapter 6

1 0 0
                                        


CEG'S POV

Nandito ako ngayon sa bar ni Ian. Nag aayos ng mga gamit.

"Ano pare nakakita kana ba ng pang opera sa kapatid mo?" Tanong ni Leo tapos biglang akbay sakin.Sanay nako dito sa tukmol nato. Ang clingy masyado daig pa ang pugita.

"Wala pa nga pare pero naghahanap parin naman ako baka makatisod ako ng mayaman" pagsisinungaling ko sakanya. Saka ko na sasabihin pag meron at pagayos na si kuya Kean.

Ayokong sabihin na nakahanap nako. Siguradong magtatanong tong mga to. Baka pag nagtanong sila masabi ko yung offer ni Alexus, nakakahiya naman baka ano pang sabihin nila.

"Nako pare pano yan? Diba sa pangalawa na sila magpapaopera. So aalis sila next week? san ba ooperahan?" Ani ni Leo sabay kuha ng mga baso.

"Sa Canada, sinabihan na kasi sila ng pinsa ni mama na sya na daw bahala kay kuya. Tsaka oo wag kayong mag alala makakahanap din ako siguro mga bukas" ani ko sabay arrange ko sa mga baso.

"Dyan ako bilib sayo pare. Madiskarte kang tae este tao." pang aasar sakin ni Leo gagi minsan talaga ansarap manapak ng kaibigan.

"Ewan ko sayo gago. Teka lang magchecheck lang ako dito" sabay punta dun sa kusina para echeck yung mga stocks para gamitin mamaya. Siya naman ay dumeritso na sa VIP namin.

"Naks naman! Buti naisipan mo pa yan!" Bungad ni Ian sakin. Sabay pasok sa kusina tapos tinulungan din niya ako sa pag check sa mga stocks.

Pagkatapos namin mag check ng mga stock. Pumunta ulit ako sa bar counter. Umupo roon at sinipat kung okay lang ba lahat. Okay naman madami namang costumers.

"Hoy manager Ceg long time no see" nabigla ako sa bati ng isang bartender

" ooy Jixs pare musta? Hayp ka bat ngayon kalang ulit dito?" Tanong ko sabay hampas sa braso nya.

"Busy kasi ako sa school manager." Ani niya na nagpupunas punas pa ng mga baso

Nakikipagusap muna ako kay Jixs habang minamage tong bar. Pagkalipas ng ilang oras naisipan kong puntahan yung mga ugok sa VIP.

Pagkabukas ko ng pinto nakita kong si Leo lang yun nandoon. Nakahandusay pa ang tukmol sa sahig. Asan ba yung dalawa bat iniwan to?

"Hoy Leo lasing kana? Tara iuuwi na kita pre" sabi ko sabay patong nya sa balikat ko, jusko ang bigat naman!

"Hmmm." Yan lang yung sagot nya tapos inilalayan ko syang lumakad.

"Foeta pre ambigat mo magsimba ka nga" sabi ko. Kinapakapa ko yung bulsa ng polo nya at ang poeta "hihihihi wag jan may kiliti ako jan" kadiri nayan! Iba talaga tama nito sa alak.

"Umayos kang ugok ka. Asan na ba kasi yun susi ng kotse mo? Ay eto pala!" Nakita ko na yung susi. Inalalayan ko syang pumunta sa kotse nya. Isinakay ko sya sa shotgun seat at ako naman sa driver seat. Marunong akong magdrive dahil kay Ian. Kaya mejo yeko na man drive kahit wala akong kotse.

Iistart ko na sana ang engine ng bigla niyang sabihin to "I love you Charm" natigilan ako. Ano bang pinagsasabi nito? Nakakadiri.

Habang nagdadrive ako bigla sya dumuwal duwal, nasusuka ang tanga.
"Sandali nasusuka ako itabi mo muna" sabi niya niya at agad ko namang tinabi tsaka dali dali sya lumabas ng kotse para sumuka.

Pagkatapos nyang sumuka ay umupo sya sa semento."Pare tara iiuuwi na kita" ako sabay hablot sakanya para ipasok ulit sa kotse.

Turn Into A TwistWhere stories live. Discover now