Chapter 7

1 0 0
                                    

CEG's POV

"Hoy bumangon ka dyan!" leche tong Ian nato kelan pato nagising nga mas maaga pa sakin?

" lumayo ka demunyo ka!" Pagtataboy ko sakanya habang nakapikit parin.

"ARAY  ARAY!" sigaw ko, hinihila hila nya kasi braso ko kahit naka dagan, gandang bungad ng umagang to grabe!

"HAHAHAHAHA DEMUNYO PALA HA!"  Di pa na kuntento ang yawa na Ian at kiniliti pa ko.

" YAWA KA ALIS DYAN!" sigaw ko kay Ian sabay tawa na din. Hayup!

"AHAAAA! NANDYAN PALA KAYO!" naku hindi si Ethan papalapit sya at nakisali na din sya sa pagdagan sakin at ngayon dalawa na silang nakadagan sakin ngayon. Sana ayos lang kayo bones ko.

"Hoy itigil nyo na nga yan tara magluto na tayo ng agahan " si Leo, ayos parang wala lang yung nangyari samin. Mas Okay na din yun.

Tumayo na sina Ethan at Ian sumunud ata kay Leo para magagahan.

"Bwesit ang sakit ng katawan ko" daing ko sa sarili ko. Apaka bigat ng mga ugok na yun.

"Tara na dito Ceg. Uubusin na ni Leo yung peborit mong longganisa" pag tawag ni Ian sakin.

Bumangon nako sa kama at naghilamos, tapos pumunta na din sa hapag. Ayaw ko sana kaso baka mahalata nitong dalawa na nag away kami ni Leo. May pagkachismosa din pa naman tong dalawa na to. Akala niyo si Marites ang ang Chismosa hindi oy! Tong si Ethan and Ian mas malala pa to.

"Aray hayp nayan wag kasi manghila pare" daing ko, hinila kasi ako paupo ni Ian. Makahila wagas mahihila pati kaluluwa ko dito sa ugok na to.

Naghain na ako ng pagkain ko sila naman nag aasaran na ke aga aga.
"Teka antahimik ata ngayon ni Leo?" Pansin agad ni Ethan.

"Gago nagfofocus akong kumain, wag kang magulo" sabat naman ni Leo

"Pare ano may hangover ka pa ba?" Tanong ni Ian sabay ipis ng tubig sa baso nya.

"Hangover? Oo di pa kasi ako makaget over" sabi ni Leo, sabay tingin sakin. Ano raw? Ugok anong connect?

"Pare may hangover ka pa nga ito kapeng barako" nudnud ni Ethan ng kape kay Leo.

"Gagu mainit!" Daing ng
mga bobo tinabig kasi ni Leo natapunan tuloy silang dalawa.

Habang nag uusap sila tumingin ako sa relo ko pagkakita ko hayp! Magkikita nga pala kami ni Mr. President. Gago mamaya ko na tapusin tong agahan ko.

Nagulat silang tatlo sa agad kong pagtakbo sa kwarto ko para maligo at mag ayos. Kahit dalawang subo palang ng agahan ko. 8:30 na jusko!

Makalipas ng 5 mins lumabasan ako ng kwarto basa ang buhok at ready to go na.

"San punta mo pare? Mukhang nagmamadali ka ata?" Tanong agad ni Ian sakin pagkalabas ko ng kwarto ko.

"Ano kasi may date kasi ako sa bago kong gf pare. Sabi nya dapat daw maaga kami para mas matagal nya kong kasama,grabe talaga kagwapohan ko" pag dadahilan ko at dali dalinh isinuot ang sapatos at helmet ko.

"Sus! Edi ikaw na, sana lahat di ba? Wag mo masyadong painlabin yan sayo. Nako sakit lang yan sa ulo nako ikaw din" nag advice pa ang gagu.

" oo nga pare. Sige alis nako baka magalit pa yun" pagpapaalam ko sa kanya.

Sumakay agad ako sa motor ko at pinaharurut ito patungo sa bahay ni boss Alexus.  8:48 na juskoo malelate na talaga ako sana hindi traffic.

Nang makarating ako sa parking lot agad akong tumakbo papunta sa lobby area at nagpakilala. Mabuti nalang at pinapasok agad ako.

Turn Into A TwistWhere stories live. Discover now