Chapter 9

1 0 0
                                    

CEG'S POV

Bwesit ang sakit na nga ng puson ko nang aasar pa tong si Ian. Ano bang naisipan nito at nagluluto to dito sa condo?

"Ceg asan asin dito?" Yuwu kanina pa yan tanong ng tanong sa mga sangkap di daw niya ngayon ma identify kung saan ang asin at asukal. Bovo talaga ng ugok na to.

"May label yan di tulad nyo walang label. Basahin mo!" Irita kong sabi habang na nanunuod ng pelikula. Ang ganda ganda na ng pinanuod ko tsaka naman sya mag tatanong.

"Pare tikman mo dali!" tawag niya sakin. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang sa panunuod kaso ang ugok pumunta pa sakin para subuan ako.

"Ano ba! Kita mong may pinapanuod diba?" saway ko agad sa kanya.

"Sungit nito! Papatikim lang naman" sabi niya may pasinghot at iyak effect pa . Babalik na sana siya sa kusina pero tinawag ko siya uli para tikman yung niluto nya.

ngumanga na sana ako tapos sya ready ng subuan ako ng biglang inagaw ni Leo yung pagkain.

" ayos pare ansarap!" sabi ni Leo pagkatikim niya sa luto ni Ian.

" Ano bayan Leo, nang aagaw naman kasi" ani ni Ian sabay sipa kay Leo sa pwetan.
Nakaramdam ako ng inis kaya naman pinagbabato ko sila ng mga unan.

"Mga bobo, umalis na kayo dito mga yuwu!" Saway ko sa kanilang dalawa kaya nagsitakbuhan sila papuntang kusina.

Nasakalagitnaan nako ng pinanuod ko ng may tumawag sakin. Pagtingin ko si boss pala.

"Oh?" Bungad ko pagkasagot.

"At my penthouse now" saad niya agad sakin. Magtatanong pa sana ako kaso binaba na niya ang tawag. Bwesit na yun maswerte siya boss ko siya.

Tamad akong tumayo at pumunta sa kwarto ko para magbihis. Ang sakit talaga ng puson ko pag ako nagkapera ipapatanggal ko na talaga to.

"San punta natin pre?" Tanong ni Ian sakin naka apron pa ang dugyot naman tingnan.

"Lalayo sa inyo ag dudugyot nyo kasi!" Sabi ko sabay sarado ng pinto.

Habang nakasakay ako sa motor feeling ko may na upuan akong basa kaso pagtingin ko wala naman. Kaya pumaharurot nako ng takbo.

Pagkadating ko sa parking area sa building ni boss bigla ko siyang nakita. Kaya naman tinawag ko siya.

"Bo- Alexus!"

" I thought matagal ka pa kaya bibili pa sana ako ng groceries" Naka sweatpant lang sya tsaka fitted shirt. Ayos pormahan ah kitang kita yung biceps. Magkakaganyan din ako. Kaso tinamad akong mag work out kaya sa susunod nalang.

" ano na boss may mission ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

" Yes. On Thursday we will be attending charity ball together with my dad" saad niya sakin.

Tumango lang ako. Yun na yun attend lang pala? Kala ko naman kung ano na.
Aalis na sana ako kaso. Bigla niyang hinila ang hoody ko. Tokneneng ano na naman? Ang mahirap kasi sa lalaking to pa isa isa magsalita jusko naman!

"Wait you have stains in your back" sabi niya habang nakatingin sa pwetan ko.

"Ha? Sure ba?" Paninigurado ko. Agad ko namang tiningnan kung nasaan ang mantsa at sa minalas malas nga naman bakit ngayon pa to dumating? Bakit kung nandoon pa ako sa condo hindi to lumabas? Yuwu talaga! Tsaka nakakahiya jusko naman!
Agaran kong tinakpan ang pwetan ko at humarap sa kanya.

Turn Into A TwistWhere stories live. Discover now