Chapter 5

4 0 0
                                        


CEG'S POV

"Kalma Ceg eto na nandito kana sa bahay ng manyak na yun. Pagminanyak ka sikmuraan mo agad sa apdo" paalala at pagpapakalma ko sa sarili ko

Nandito kasi ako sa lobby ng building nung manyak.Matagal tagal ko din tong pinag isipan ang offer nung manyak, tsaka curious din ako sa fake na Alexus nato, baka pag na na bisto ko syang peke sya at ma ireport sa police at malaman ng tunay na Alexus baka gantimpalaan nya pa ako. Ayus talaga tong plano ko!

" miss proceed kana daw dun. 24th floor. Residence 300 black door" sabi ng babae

Nagpasalamat ako sakanaya at agad akong pumunta sa elevator at pinindot ang 24th flr.

Antagal naman! Andami ko ng nakasabay na mga tao dito sa elevator. Halos silang lahat sinisipat ako ng tingin. Karamihan sa sinisipat ako mga babae. Sus ang gwapo ko talaga. Panis sina Leo,Ethan at Ian sakin.

'Ting'
Oy ayun! 24th flr na.
Pumunta agad ko at hinanap ko yung black door na may 300

Ayun! Oy hala! ang laki naman ng pinto nito? Naiiba sya sa lahat ng pinto. Swear malaki talaga. Nagpaghahalataan tuloy na sya yung pinakamayaman dito.

Agad akong mag doorbell. Pipindot pa sana ako kaso biglang bumukas yung pinto at bumungad sakin ang tongue inang yan! Nakatowel lang sya sa babang parte parang maliligo palang yata to. Bad timing yata ako mga pare. Bakas din sa mukha niya na nagulat siya sa pagkakita sakin.

"Ah ehh." Tameme kong sabi, 
" Please come in" sabi niya at senesenyasan akong pumasok, ang seryoso naman masyado nitong lalaking to. Ayos sa acting pare ha?

"So you're going to accept my offer?" agad na tanong nya sakin

Naman! Sige sya na may abs tsaka V line! Magkakaroon din ako nyan mas madami mga sampung abs pa. Niinggit to eh.

"Pwede ba magbihis o maligo ka muna. Tsaka may pagkain kaba?" Sabi ko sa kanya

"I'll be right back,just give me a second.Just check my refrigerator eat what you want" Sabi nya tsaka pumunta siguro sa kwarto niya.

Agad akong pumunta sa ref nya. Pagbukas ko. Napanganga ako andaming chocolate iba't ibang brands pero puro mga imported. Two doors yung ref nya. Sa second na door naman yung binuksan ko hala andaming prutas tsaka mga protein shakes at inumin na imported. Siguro madami na tong naloko kasi ang yaman yaman na niya, nako ngayon babagsak ka sa kulungan mapagpanggap na tae ka.

Nanguha lang ako ng mga chocolates tsaka isang coke.Habang kumakain ako sa counter ng kitchen nya pumasok naman sya na nakaboxer at naka muscle shirts.Yowo! Nabilaukan pako pagkakita sa kanya.

" I think you need water, next time wag kang magmadaling kumain" at dali dali syang pumunta sa dispenser at binigay sakin ang tubig.

Binigay ko sa kanya ang may laman pang baso kaso natabig nya pagkaabot kaya nabuhusan yung tshirt nya ng tubig pero kaunti lang. Nabakat tuloy yung nips nyang brown.Nanlaki yung mata ko. Ba't parang ang init. Wala bang aircon dito?!

"sht!" reaction nya ng natapunan ko sya ng tubig, ang lampa naman kasi ng baso.

"Mamaya na lang ako magbihis. Tara punta tayong sala. Doon natin idiscuss ang offer ko " sya sabay puntang sala. Jusko ang init talaga.

Sumunod naman ako agad sakanya dala dala parin ang mga kinakain ko.
Umupo ako sa couch nya at sya naman sa harap din na couch kaya magkaharap kami.
Magsasalita na sana sya kaso...

BUMUKAKA SYA MGA PAR! HAYP NA YAN BAKAT NA BAKAT PSTYYY!

"Teka nga lang! pwede bang umayos ka ng upo" sabi ko ng di nakatingin sa kanya.

Turn Into A TwistWhere stories live. Discover now