Chapter 7
"Umamin ka na kasi!" tudyo ni Leesh.
Umiling ako. "No way, I don't do the first move." rason ko. Ikinwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko kung hindi ko ito sasabihin at sasarilinin ko lang ito.
"Ano bang kinakatakot mo? Na baka hindi kayo pareho ng nararamdaman?" She said with her raised eyebrow.
"Curns, it's already so obvious, he likes you too! You look at each other in a same way! Kung tumingin nga kayo sa isa't isa ay para kayong in love na in love. Kaya bakit ka natatakot na magkaiba kayo ng nararamdaman?"
I am still hesitant, though. Paano kung, wala naman talagang ibig sabihin ang lahat ng actions niya? That he's just being sweet as hell because I'm his bestfriend. That he gets to say all those sweet words because he's comfortable with me.
Paano kung, best friend lang talaga ang turing niya sa akin? Paano kung ako lang iyong naglalagay ng malisiya sa mga ginagawa niyang wala namang meaning?
I'm scared to hear the things I don't want to hear. Masakit marinig ang mga salitang hindi mo gustong marinig, lalo na kung ang mga salitang iyon ay manggagaling mismo sa bibig ng taong nagugustuhan mo.
"What if he's just being extra sweet because he's just a sweet person?" I asked Leesh. Naghugas rin ako ng kamay sa faucet. Sabay kaming naglakad papalapit sa pinto ng comfort room. Recess naman kaya nasa canteen ang lahat.
"What if he's extra sweet because he likes you?" sagot naman nito. "Alam mo, kung gusto mo mapanatag ang loob mo, umamin ka na sa kanya." dagdag niya bago binuksan ang pintuan.
"Umamin kanino?" Bungad ng nakatayo at nakahalukipkip na si Yngrid. Sa likod niya ay ang seryoso ring sina Cian, Mei, Kristine at Nikhaule.
Hindi kami nakasagot ni Leesh sa gulat. They heard us.
Shit!
"I told you; they're hiding something from us." si Cian iyon. She raised her eyebrows on us. "Maybe they don't trust us enough to share it to us."
"Hindi gano'n!" I told them. I gulped so hard because they really looked so serious right now, it doesn't help that madness is evident in their faces.
"Then what else is the reason why did hide from us whatever you're hiding is?" it was Mei.
"You know, we're waiting lang naman sa inyo if you two have plans on telling us." Nikhaule turned her back, ganun rin ang iba sa kanila.
"Teka sandali!" Leesh starts walking after them. Sumunod rin ako. I started panicking inside. They are freaking mad at us!
"Magpapaliwanag kami."
Hanggang sa pagpasok sa classroom ay hindi nila kami pinansin. We keep on trying to talk to them, but they are playing deaf. Tumitigil lang kami kapag dumadating na ang next subject teacher namin. Tuloy ay napapagalitan ako sa tuwing tinatawag ang atensiyon ko.
My mind is wondering. Kanina pa ako nag-iisip ako kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanila.
"Sit down, Samillano. Sa susunod ay 'wag ka na lang pumasok kung wala kang balak makinig at tutunganga ka lang." pagalit na saway ng guro namin. She kept on talking but I didn't hear any of it because my mind is busy thinking about someone else.
"Sorry po." Yumuko ako saka umupo. I sighed and tossed my head into my armchair. Naramdaman kong sinipa ng tao sa likod ko ang upuan ko kaya dali dali akong umayos ng upo. Baka kasi mapagalitan na naman ako and this time, baka palabasin na ako.
"Ayos ka lang?" I heard Conrad whispered behind me.
Tumango lang ako bilang sagot. Sa susunod na subject ay si Leesh naman ang napagalitan. When lunch came, they did not join me and Leesh. Nasa kabila silang table sila—nagtatawanan at mukhang masaya kahit wala kami. Tahimik lang kaming kumakain ni Leesha. Ramdam ko rin ang pabalik balik na sulyap ni Conrad sa table nila ng ibang boys.
YOU ARE READING
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
