Chapter 14

31 8 1
                                        

Chayyoss' diary:

 If you are confused about what happened in the confession, you can read again the prologue of this story! That's how the confession of Curns turned out! This chapter is just the continuation of the prologue. Para hindi na masiyadong masakit kaya sa una na lang yung confession. 

---

Chapter 14




Nag umpisa akong naglakad papaalis: with a blurry eye; with a heavy heart; with a crying soul; with a promise I don't think I can keep.

A promise to move on.

Should I break the promise, too dahil tungkol rin naman 'yon sa kanya? Lahat ba babaliin ko para sa kanya?

Naglakad ako papunta sa kabilang daan—papalayo sa kanya.

I wasn't looking at my way kaya naman hindi ko na nakita ang lalaking hindi rin yata tumitingin sa dinadaan niya.

I bumped into him, hindi ako natumba dahil hindi naman ganoon kalakas ang pagkabangga ko sa kanya.

Hindi ako nag angat ng tingin. Wala akong panahon para tingnan siya.

"I'm sorry..."

My voice cracked, and it was not firm.

Tang ina! Iiyak na naman ba ako? Ayaw ko na. Nag umpisang tumulo na naman ang luha ko. Tahimik lang akong umiyak. Naglakad ako ulit at hindi na makita ang daan dahil sa luhang nag uunahang tumulo.

I stopped.

I wanted to look back! Gusto ko siyang tingnan. Can I look back? Isang beses lang ulit.

Pwede bang bawiin na lang lahat ng sinabi ko? Pwede bang ipilit ko na lang? Malay natin at baka pwede... maybe he'd have a change of heart.

Baka kasi kahit siya ay tumigil rin sa paglalakad at tumingin rin sa akin. Baka tumigil siya sa pagkalakad papalayo sa akin. Baka lang... hindi naman masamang magbaka sakali, hindi ba?

Tumigil ako sa pag-iyak at lumingon ulit sa kung saan ako naglalakad kanina. I looked back only to meet a different set of eyes.

Ryan Emmanuel was standing there looking at me.

I felt that familiar beating of my heart. Hindi ko na maalala kung anong klaseng pakiiramdam 'yon pero nakakagaan sa pakiramdam. It's like a huge thing that has been stuck in my heart has been lifted.

Kumurap kurap ako dahil nakatingin siya. Siya ba iyong nakabangga ko?

I teared my stare at him and look at his back, only to see Conrad walking away—leaving without looking back. At hindi rin tumitigil gaya ng iniisip ko. Hindi siya tumigil sa paglalakad at tuloy tuloy ang paghakbang papalayo.

Nasaktan ako sa nakita at mas nasasaktan ako para sa sarili, dahil may malaking parte sa akin ang umaasa na baka lumingon siya at pigilan ako. Kaso hindi, hindi siya tumigil.

Umiiyak akong nakatanaw sa gawi niya at pinipigilang humagulgol. Hindi ko na alam, tumalikod ako at umiyak ng tahimik. Naglakad ako dahil ayaw kong makita ako ni Ryan sa ganitong sitwasyon. Ang pangit ko pa naman kapag umiiyak.

I just got fucking rejected!

My love was not enough to make him love me.

Hindi ako pumasok sa klaseng dapat ay papasukan ko. Dahil hindi ko alam kung paano papasok at paanong hindi umiyak sa harapan ng iba. I don't know what I should do. I don't know what my next step will be. Nahihirapan ako, I can't think of a better decision to make. Hindi ko alam. I just want to heal myself. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang isipin ang sarili ko.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now