Chapter 5

48 11 1
                                        

Chapter 5

Fireworks

Agad kong naitulak si Conrad nang marinig ko ang sabay sabay na pagtikhim ng mga kaibigan ko.

"Pasensiya na kayo ha, God bless, pero 'wag niyo naman kaming inggitin sa friendship niyong para'ng more than friends!" ani ni Kristine.

Namula ako sa sinabi niya at nanlalaki ang matang lumingon kay Conrad. He was smirking at Kristine but when he saw me looking at him, he stopped. Tumikhim ito.

"Oo nga, kayo na ba?" Mei seriously asked while looking at the both of us. Tumatawa itong tumingin ng mapanukso sa amin.

"Hindi!"

"No,"

Sabay naming tanggi. I am very much aware that my whole face is already red. Hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa pagbilis ng tibok nito dahil sa narinig kanina, at mas lalo pa yatang nadagdagan ang hiyang nararamdaman ko dahil sa panunukso nila.

"Sige, magbff na more than friends but less than lovers ang trato sa isa't isa." si Kristine na agad namang sinaway ni Leesh.

"Tigilan niyo nga sila! Namumula na nga sila pareho e.Maghanap na lang kayo ng sarili niyong bff na I-ti-treat kayo ng more than friends rin" sabi naman nito.

Akala ko ba kakampi kita rito, Leesha! Bakit mo ginagatungan ang pang aasar nila?

I glared at her,but she just smirked playfully, nang aasar pa talaga!

I admit it, his sweetness and actions are not how a friend should treat their friends. He treats me like I am his person or maybe I was just hallucinating things.

At habang patagal ng patagal ay mas lalo lang lumalala ng lumala ang nararamdaman ko para sa kanya.

Cian keeps on looking at me—like a curious cat wanting to know every little thing she notices. Hindi na ako magugulat kung siya ang susunod na makakaalam sa sikreto ko.

Wanting so bad to get away with the situation, ako na mismo ang nag-aya kay Conrad para umuwi na. He agrees with me kaya naman nagmadali na kaming umalis.

"Ingat kayo, mga bff!" habol na saad ni Kristine. Lumingon ako saka nag dirty finger sa kanila. I heard them laughing before we can even leave.

Sa sasakyan ay pareho kaming hindi nagsasalita. Pakiramdam ko tuloy ay pati siya ay nakakaramdam sa awkwardness ng atmosphere.

Nagpapalitan kami ng tingin, pero hindi kami nagsasalita. I want to erase the awkward atmosphere between us because it's no good and I am not used to it. Kung ipaparamdam ko o ipapahalatang hindi ako komportable kasama siya ay makakahalata na ito. It's not a good thing so I decided to break the silence.

"Kaailan mo ako ililibre?" 'yon na lang ang sinabi ko nang maalalang ililibre niya pala ako dahil nanalo siya kanina sa chess competition niya. "Congrats nga pala kanina. Ang galing galing mo!" I tried so hard to make my voice to sound cheerful as possible.

Ngumiti ito.

"Thank you. Kung kailan mo gusto." sagot niya.

"Mamaya na lang kaya? Sa bahay!" sabi ko. Lumingon ito sa akin kaya nagtama ang paningin naming. Ngumiti naman ako. "Tapos manood tayo." I suggested.

I know it's not a good idea, my heart will be in trouble for sure. Iyong maghawakan pa lang kami ng kamay sobra sobra na ang naramdaman ko, ito pa kayang manonood kami sa bahay ng kami lang.

We are going to stay in my room ng kami lang dalawa! I mean it happened before. Sometimes we watched together sa room ko. And he does sleepovers there too. Walang kaso iyon sa magulang ko because they know we are just friends. No malice at all!

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now