KELLY POV
Nagtataka ba kayo kung ano nagawa ko kay Bash at kung bakit kami humantong sa ganito.
Flashback
One month before the cool off happens.
Napauso ang pagkukunwaring may narereceive na sulat galing sa mga secret suitors.Naiinggit ako sa mga boyfriend na nagseselos sa mga gf nila if may matanggap sila na sulat galing sa secret admirer nila..
Dahil sa curiosity ko kung paano magalit at magselos si Bash napagkatuwaan ng grupo na gumawa ng sulat para sa kanya.
Di naman lingid sa kaalaman ng lahat lalo na sa school kung gaano kasikat at iniidolo ng mga ka schoolmate namin ang boyfriend ko..Bukod kasi sa mabait at gwapo,makadiyos din ito.Kent Sebastian Mendez ang name ng bf ko.Kent or Basty kung siya ay tawagin ng mga kabarkada namin..Pero syempre exempted ako dun kasi may sarili akong tawag sa kanya..
Bash ang tawag ko sa kanya mula pa nuong mga bata kami.Napalitan lang ng Babe ng maging jowa ko na siya..Matalino,maginoo,matulungin,masipag,at mapagmahal.Iniidolo ng lahat lalo pa at isa din siyang CAT officer and SSG vice president officer.Kapag kasama ko siya maglakad feeling ko isa akong reyna ng campus.Lahat bumabati at nakasmile sa kanya...Pati narin sa akin.Sakristan din sya sa Church namin kaya madami nagkakagusto sa kanya.Kung gwapo lang din pag uusapan di rin siya magpapahuli ,umiigting ang panga check din,malinis din siya sa katawan at neat manamit at lagi maayos ang buhok..Inihahalintulad namin siya kay Dingdong Dantes.Ako naman si Kesha Ellieghn Monteverde medyo sikat din sa school namin.Mahilig ako sa sports lalo na sa softball at basketball ,folk dance dancers din ako,declaimer at panlaban sa Filipino at Math quiz bee.SSG senator officer din ako.Choir member sa Church namin and also band member sa school.
We are both 4th year students in Layog National High School.
Actually 1st year High School ng manligaw si Bash sa akin at 3rd year high school ko na siya sinagot..As a bf la kana maipipintas sa kanya.He's caring and very understanding and he spoiled me a lot..Ako lang yata ang may problema kaya kami nag away..Kahit ganun siya pa iyong una na magsosorry sayo.Kaya siguro naghanap ako ng adventure sa relationship namin kaya umokey ako sa mga barkada namin about sa plano dahil gusto din nila makita ang maging reaksyon ni Bash..Kelly ang tawag sa akin ng mga friends ko.
Babe naman ang tawag ni Bash sa akin.Sha pagnagalit siya o manenermon.."So ano na Kelly payag ka ba na maging secret admirer ng bf mo just for fun lang naman",sabi ni lea sa akin.Isa din siyang softball member .
"Natatakot ako paano if totoong magalit siya sa akin",sagot ko.
"Si Basty magagalit sayo!!Di kapani paniwala isang ngiti mo lang dun pawi na ang galit niya sayo"wika ni Mercy.
"Huo nga Kelly spoiled ka dun eh",sabi din ni Guia.
"At saka Kelly malay mo dun natin malalaman kung talagang loyal siya sayo",seryosong sabi ni Ruby.
"Sige na Kelly..papayag na yan..papayag na yan.."cheer nilang lahat.
"Kinakabahan talaga ako dito ba,Edz any suggestions?,tanong ko kay Edel.Catcher namin sa grupo at magaling mag advice..
"No comments ",iyon lang ang sabi niya.
"Ang kj mo naman edz",bwelta ng grupo.
Napakamot tuloy ako sa ulo ko sa mga kakulitan nila.Pero napaisip din ako malay mo dito ko masusubok kung gaano ka loyal sa akin si Bash.Kaya tumango nalang ako.
"Yessss..."sabay sabay nilang hiyaw.Pasensya na guys medyo sabaw ang update ko nagbyabyahe kasi kami pauwi galing dagat..
Hope you like it.Please comments guys.Thank you.

BINABASA MO ANG
I love you 'till end
Teen FictionRomance,Drama,Teen fiction Nakasubok kana ba na mahulog sa pag ibig iyong tipong siya lang ang lahat sayo at panghabambuhay mo na mamahalin? Si Kelly ay madaldal,palaban at mahilig sa adventures. Samantalang si Bash ay kabaligtaran nito tahimik,mab...