BASH POV
Ang tunay na pag ibig ay iyong di mo alam kung paano mo siya nagustuhan at minahal mo siya sa di maipaliwanag na dahilan.
Ganun ang nararamdaman ko kay Kelly.Hindi ko alam kung kailan ako nagsimula umibig sa kanya.She's my bestfriend at kaklase kami since kindergarten.Lagi kaming magkakasama.Mahilig siya sa sports at hindi maarte tulad ng ibang babae na mahilig magpaganda.Siya simple lang at marunong makisama kahit kanino.Mas lamang nga ang barkada niya na lalaki kumpara sa mga babae.Ano pa ba ang aasahan mo eh basketball ang hilig niya kaya halos lalaki ang mga kaibigan.Mapatambay man o sa school.Ang magpinsan na sina Kate at Airah lang ang kaclose niya sa mga babae.
Nang nasa Elementarya palang kami crush ko na talaga siya di ko lang pinapahalata kasi ayaw ko na lumayo siya sa akin at maiba ang turingan namin kaya kinimkim ko nalang kung ano naramdaman ko.
First year high school kami ng makumpirma ko na talagang mahal ko siya.Nagbakasyon kasi siya ng time na iyon sa Lugar ng lolo at lola niya sa mother side niya pagkatapos namin ng grade six.Dalawang buwan din iyon kaya miss na miss ko siya that time lalo pa at nasanay ako na lagi siyang nakikita at nakakasama.
Hanggang halos siya nalang ang iniisip ko.Kumusta kaya siya dun sa bukid?Nag eenjoy ba siya dun?Baka naman madami siyang nakilala na bagong kaibigan at mga secret admirer. Sa iisipin palang na madami nagkakagusto sa kanya parang hindi na ako makahinga.Paano pa kaya kung may manligaw kay Kelly.Parang hindi niya yata kaya.Ito ba ang tinatawag na pag ibig.
"Hey men whats up!bakit tulala ka jan?"bati sa akin ni Enzo.
"At saka sino kalaban mo bro at nakakuyom iyang kamao mo?"segunda naman ni Matthew.
"Wala,"sagot ko. Hindi ko namamalayan na nakakuyom na pala ang kamao ko. Patay talaga ako nito mukhang tinamaan na ako sa bestfriend ko ah.
"Bro,may balita ka ba kay Kelly slash your bestfriend?Umuwi na daw ah kaso pilay,"sabi ni Clayde sabay tawa.
"Gago pilay na nga ba't kapa nakatawa!buang ka,"inis ko na sabi.
Buang sa ilonggo baliw sa tagalog.Pero teka lang kung nakauwi na si Kelly bakit hindi ko alam. Hindi manlang ako sinabihan nina Kate at Airah.Saka bakit siya napilayan.Ano ang nangyari sa pagkakaalam ko medyo strikta si lola Sol kaya paano na napabayaan siya.Kailangan ko puntahan si Kelly.Napatayo ako bigla.
"Saan ka punta, bro"?tanong ni Enzo.
"I will go to Kelly may be she need me now",sagot ko sa kanila.
"Sama kami",sabay sabay nilang sabi.
"At saka baka andun si my love Airah ko",sabi ni Enzo.
"At pati narin si Kate,masarap kasi asarin yon eh",bwelta naman ni Matthew.
"Mga gung-gong mangchicks lang pala ang pakay nyo dun kala ko pa naman concern kayo kay Kelly",sagot ko sa dalawa.
Kung gaano kabukal si Enzo sa feelings niya kay Airah kabaligtaran naman si Matthew. In denial kunbaga kung alam ko lang hindi buo ang araw niya pag di niya naasar si Kate.Pasimpleng hokage moves din eh.
"May isa pa akong balita",sabi ni Clayde habang kami naglalakad papunta kina Kelly.
"Napakastismoso talaga ang daming baon,"kakamot kamot sa ulo na sabi ni Matthew.
Parang bigla akong kinabahan.
"Ano iyon Clayde",tanong ko."Nakausap ko si tita Anes kanina ang sabi sa akin baka sa bayan daw mag aral si Kelly.Dun daw sa ninang Bel niya tutuloy.Di ba titser iyong ninang niya sa St.James Catholic High School.Pero hindi pa naman sure eh kasi tatanungin pa nila si Kelly".
Bigla tuloy ako napahinto sa sabi ni Clayde.Sana hindi pumayag si Kelly at saka sigurado ako ayaw niya doon sa bayan.Sana tama ako kasi kung magkataon every weekend lang kami magkita at isa pa di ko siya mabantayan dun.Parang nawalan tuloy ako ng gana pumunta kina Kelly.
BINABASA MO ANG
I love you 'till end
Teen FictionRomance,Drama,Teen fiction Nakasubok kana ba na mahulog sa pag ibig iyong tipong siya lang ang lahat sayo at panghabambuhay mo na mamahalin? Si Kelly ay madaldal,palaban at mahilig sa adventures. Samantalang si Bash ay kabaligtaran nito tahimik,mab...