CHAPTER 6.UNEXPECTED

47 15 9
                                    

In life their's the situations that's unexpected that can make you amazed or disappointed.

BASH POV

Habang kinakaladkad ako ng aking mga barkada papunta sa bahay nina Kelly dahil di na ako nakagalaw dahil sa sinabi ni Clayde.Malayo palang naririnig ko na ang napakaingay na boses ni Airah at Kate.

Nakita ko sa bintana na hindi maipinta ang mukha ni Kelly parang naiinis ito at gusto na manabunot.Samantala ang dalawa kinikilig at tili ng tili.

"Ayeyyy...gwapo ba",kinikilig na sabi ni Airah.

"Anong name niya bestie?dali na magkwento kana",rinig ko nasabi ni Kate.

"Malay ko ba kung gwapo iyon at kung ano pangalan niya.Hindi ako interesado malaman.Saka nasisira ang araw ko pag naalala ko ang ginawa niya",iritang sabi ni Kelly.

Napangiti ako sa sinabi ni Kelly.Hindi naman pala siya interesado kung sino man ang lalaki na iyon.May chance pala ako..

Panay parin ang tukso nina Airah at Kate kahit nakabusangot na ang bestfriend ko.Nakahilera kaming magkabarkada sa labas ng pintuan kakatok na sana kami ng biglang lumabas si tita Anes.Hindi maipinta ang mukha nito.

"Naku Basty buti at nandito ka kausapin mo nga iyang bestfriend mo at sermonan kung ano ano lang pinaggagawa sa buhay",sabay alis.

Napakamot tuloy ako sa ulo.Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ni Kelly habang nagbabakasyon sa lolo at lola .

Pumasok kami sa sala kung saan sina Kelly nakaupo.Nakabenda ang kaliwang paa nito at may bandage din sa siko.Hindi naman siya lampa para madapa di ba sabi ko sa isip ko.Ano kaya nangyari sa babaeng ito.

"Hi girls",halos sabay naming bati na magkabarkada.

Syempre ano pa ba ang aasahan namin pag meron silang girls bonding at nakisawsaw kami na mga lalaki.Isang malaking irap at matalim na tingin ang pinukol ni Airah at mas lalo na si Kate.

Agad ako napatingin kay Kelly na nakangiwi habang sinusubukan na ipatong ang paa sa mahabang upuan.
Agad ako lumapit at tinulungan siya.Nang aksidente ko na mahawakan ang kamay niya may kakaiba akong nararamdaman para akong nakuryente at kinabahan.Bigla niya hinablot ang kamay niya sa akin.

"Thanks Bash",nataranta niyang sabi.

Bakit parang natataranta si Kelly at namumula ang pisngi niya.Umupo ako sa tabi niya para maitanong kung ano nangyari sa kanya.

"Best,may lagnat kaba bakit namumula ang mukha mo?Saka ano na naman pinaggagawa mo sa bukid at pilay ka umuwi?,umpisang sermon ko.

"Wala akong lagnat!,singhal niya sa akin.

"Ohh!!relaks lang bakit parang galit ka diyan nagtatanong lang naman ako".

"Kasi naman eh ...mas inuuna mo pa mangsermon!!Di ba dapat una mo sabihin miss kita best,musta kana o di kaya masakit ba ang paa mo?,ganyan dapat Bash eh"..nagtatampo nitong sabi.

"Sorry na best,nag alala lang ako sayo".Bakit ba kasi napilayan ka ang pagkakaalam ko di ka naman lampa at mas lalo di ka tanga para madapa,di ba"?

"Kasi nagpractice ako kung paano sumakay sa kalabaw.Masaya kasi tingnan mga pinsan ko eh kaya sinubukan ko,hehehe",umpisang paliwanag ni Kelly.

"Ayy tanga talaga!!Ano yan pelikula ang buhay mo lahat gusto mo subukan.Noong nakaraang taon sumampa ka sa karusa na may lamang tinadtad na kawayan habang hila ito ng kalabaw.Eh di sugat sa paa ang inabot mo.Pagkatapos nakaraang nakaraan na taon din ginawa mong trampoline ang natumba na puno ng kawayan.Umangat ka nga at lumipad ka nga
pero saan ka lumanding sa mga tinik ng kawayan kaya puro ka gasgas at napilayan din ang kamay mo dahil tumama sa lupa",nakataas kilay kong sabi habang pinapaalala sa kanya ang mga katangahan niyang ginawa.

"That's what you called adventure Bash,"pagmamalaki niya pang sabi.

Ganyan talaga si Kelly mahilig sa adventure iyong hindi mo akalaing magagawa ng ibang babae nagagawa niya.Tulad nalang ng softball it's a field sports pero gustong gusto niya lalo na pag ulan dahil enjoy siya sa pagslide sa putikan samantala ang ibang babae diring- diri diyan.Tapos nagdideclaim siya at sumasayaw,nagtitheater din at ang alam ko sa mga ganun label na sumasali ayaw nila maarawan to maintain their beauty. Siya lang ang kakaiba sa lahat kaya siguro mas lalo ko siya nagustuhan at mukhang hindi lang simpleng gusto kundi mahal ko.

"Tsss",ang tangi ko nalang nasabi.

I love you 'till endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon