CHAPTER 13.TRANSFEREES

51 12 11
                                    

Kapag ang isang tao ay nakapasok at nakaukit na ang pangalan sa puso mo mahirap na ito alisin at burahin.Napatunayan iyan ni Kelly kahit anong pilit niya na ipokus o ibaling sa iba ang nararamdaman niya sadyang kay Bash parin siya babalik.

They become stranger to each other.Become enemy and competitive lalo na sa loob ng classroom.Sa loob ng tatlong taon naging ganun ang sitwasyon nila.Ngayon kasalukuyan na silang nasa 3rd year high school iisang section parin sila.Ngayong araw meron silang debate sa Filipino subject nila boys vs. girls at naeexcite na naman siya.

"Okey mga mag aaral ko meron akong nakatupi na papel dito may mga tanong ang bawat isa diyan bubunot ako at iyon ang maging topic ng debate na ito",panimula ni Ma'am Samis.

"Kailangan po ba Ma'am bawat isa ay sasagot sa tanong",sabi ni Airah.

"Hindi naman,kailangan magtulungan kayo kung ano ang nasa isip niyo o ideya share nyo para mas maganda ang sagot niyo.Kailangan suportahan niyo ang bawat isa .Ganun din sa inyo mga boys",paliwanag ni Ma'am.

"Okey po Ma'am ",sabay naming sagot.

Bumunot si Ma'am Samis ng tanong naghahanda na ang utak ko kung ano man ang maging tanong ni Ma'am. Sa totoo lang paborito ko kasi ang mga ganitong klaseng laro bukod sa gumagana ang utak ko marami din ako natutunan.Katabi ko sa upuan si Kate at Airah na excited narin malaman kung ano ang topic na mabubunot ni Ma'am.

"Ito na ang tanong class",pabitin na sabi ni Ma'am.

"Mahal niyo ang isa't isa ngunit may nasasaktan kayong iba.Ano ang gagawin niyo lalaban o susuko?Babae ang mauna pumili",sabi ni Ma'am.

Nag usap usap kami at susuko ang aming pinili.

"Okey class susuko sa mga babae at lalaban naman sa mga lalaki.Pumili kayo ng isang miyembro na gawin niyong tagapagsalita",sabi uli ni Ma'am.

As usual ako ang napili sa mga babae at si Bash naman sa lalaki.Humanda ka sa akin Bash tatalunin kita ngayon.Tiningnan ko si Bash na nakasingkit ang mga mata at siya tinaasan lang ako ng kilay habang tumataas ang sulok ng mga labi.

"Patakaran ng debate kapag tapos na magsalita ang isa pwedi na sagutin ng kabilang grupo.Kaya ang myembro dapat makinig habang nagsasalita ang lider niyo para matulungan niyo sila sa susunod nila na sasabihin,okey class",paliwanag ni Ma'am Samis.

Nag umpisa na ang debate at kami na mga babae ang dapat mauna magsabi.Binulungan ako ni Kate ng dapat kung sabihin.

"Sa mundo ng pag ibig laging dalawa ang pagpipilian ang sumuko o lumaban.Sumuko ang napili namin kasi ano pa ang silbi na siya ay iyong ipaglaban kung hindi na ikaw ang kanyang kailangan",sabi ko tulad sa binulong ni Kate sa akin.

Bumulong si Matthew kay Bash.

"Tama ka dalawa lang naman talaga ang pagpipilian kapag ikaw ay umibig pero bakit ka susuko na hindi mo manlang siya pinaglaban.Paano mo nasabi na hindi ka niya kailangan kung susuko ka lamang",bwelta ni Bash.

"Bakit hindi kaba susuko kung may iba ka ng nasasaktan?Ipaglalaban mo pa ba siya kung nakikita mo na mas masaya siya sa piling ng iba",balik kung sabi.

"Pero paano kung mas sasaya siya kung ipaglalaban mo siya?Paano kung pinapakita niya lang na masaya siya pero ang totoo gusto niya ipaglaban mo siya",bwelta ni Bash.

I love you 'till endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon