3

9 3 0
                                    

Kinabukasan maaga siyang lumabas sa kuwarto.
Naabutan niya si jenny nasa mini kitchen kumakain bihis na bihis ito. Halatang may lalakarin.

"good morning jenny.!"ngiti niyang bati sa dalaga at umupo sa tabi nitong upuan.

Inirapan lang siya ng dalaga bago ito sumubo.

"I'm sorry."

"alam mo ikaw... Akala ko kung ano na ang nangyari sayo kagabi."inis na sabi nito saka dinuro siya sa hawak nitong kutsara.

Ngumiti lang siya saka nagkamot.

" inaantok na ako kagabi kaya umuna na ako. I'm sorry. "pacute niyang sabi sa dalaga sabay beauty eyes.

Napatawa ito.

" bihis na bihis ka. Saan ang punta mo? Pwedeng sumama? "singit niya ulit

" alam mo ikaw... Last ka na. "pikon na sabi ng dalaga.

" bawal bang sumama. Baka may maitulong din ako. "

Napaisip ito at tinititigan siya.

" pwede.."

"talaga?? Saan?" masigla niyang tanong

Nagtaka naman ang dalaga.

"hindi tayo mamamasyal kurt. A-attend ako ng medication sa oldchurch at dahil gusto mong sumama pagbigyan kita. Tutal kailangan din naman ng taga buhat doon." ngising sabi ng dalaga.

Marami ng tao ng dumating sila sa old church. May ilang tent na kulay blue ang nakatayo kung saan nandoon ang isang doktor nakaupo habang kausap ang matanda.

Nilibot niya ang paningin sa paligid.

May malaking puno at ilang nakatayong pader na yari ng cemento wari mga building na hindi natapos.

"ito ang old church namin. Dati itong simbahan noon. Noong pumutok ang bulkan lahat na binuga tumama dito kaya natakpan ang simbahan. Nasa second floor tayo ng simbahan. Sa ilalim nito ang ground floor." paliwanag ni jenny at tinuro ang tinayuan nila.

Napayuko siya at napatitig sa lupa.

" wag kang matakot. Hindi ka mahuhulog. "saka iniwan siya ng dalaga.

Naiwang isang napatawa ng pakla at sumunod sa dalaga.

" good morning! "bati ni jenny paglapit sa tent.

Napatingin nito halos lahat nasa tent.

" hi jonas.."bati pa sa isang lalaki na nakatayo malapit sa isang doktor nag assist.
Sa kabilang tent.

Ito pala si jonas.

" hi.. "tipid na ganting bati pa nito kay jenny saka sinulyapan siya.

" sino ba yang kasama mo? "narinig niyang tanong isang kasama nitong babae.

" si kurt... Gustong tumulong. Hali ka dito kurt. "ngiti sabi ng dalaga.

Napasulyap siya sa doktor na nakatingin na sa kanya. Nanlaki ang mata nito.

Ngumiti lang siya saka lumapit kay jenny.

" pasensiya na.. Water boy ka muna.. "lambing na saad ni jenny saka sinulyapan ang isang cartoon ng mineral.

Napangiti siya.

" jenny.. Mahiya ka ni pogi. "sambit ng kasama nitong babae sa tabi. Umirap lang si jenny.

" para ganahan naman sila lola at lolo sa pagpacheck-up dahil pogi ang water boy natin. "ngising sabi ni jenny.

" tulungan ko na lang kayo... "kiming presinta ng isa pa nitong katabi na babae.

Sinapak ito ng marahan ni jenny at nilakihan ng mata.

Napailing nalang siya at nagtatawa.
Dalawang bottle ang kinuha niya at lumapit sa pwesto ng batang doktor.
Busy itong nakipag usap ng matandang babae.

"tada.." saka nilapag niya ang tubig sa harap ng kausap nitong pasyente.

Nagtakang napatingin ang mga ito.
Ngumiti siya at tumingin sa matandang babae.

"baka nauuhaw po kayo maam.. May libreng tubig kami." ngiti niyang sabi sa matandang babae.

Ngumiti ang matanda sa kanya at hinawakan siya sa may braso.

"aaii.. Ang gwapong bata... Salamat iho.." ngiting sabi ng matanda sa kanya.

Tumango lang siya saka bumaling sa dalaga na nakatingin sa kanya.

"hi doc... Water!" titig niyang sabi sa dalaga saka nilapag din sa harap nito ang tubig.

"sino ka ba?" inis na tanong ni jonas. Napangiti lang siya sa lalaki saka binalik ang tingin sa batang doktora.
Nakatingin parin ito sa kanya.

"good luck dok." kindat niya saka  tinalikuran na ang mga ito.

Nagawa pa niyang sulyapan si jonas bago tuluyang tumalikod. Nakatitig ito sa kanya at nakita niya ang pagtagis bagang nito.

"tulungan ko na kayo... - -

" it's ok. Kaya ko  naman.. "putol niyang sabi kaya nabitin ang pagtayo nito sa upuan.

" pabayaan mo na siya cheng...kaya niya yan. "salang na sabi din ni jenny.

Agad niyang isa isang binigyan ng tubig ang mga pasyente na nakaupo.
Natutuwa pa siya dahil habang binigyan niya ang mga ito pasimple siyang pinupuri at tinanong ng kung ano ano.

Pasimple din niyang sinulyapan ang doktora.
Mali ata ang ginawa niya dahil nakita niya kung paano pinahid ni jonas ang pawis ng doktora sa noo at sa mukha.

Napabuga siya ng hangin saka umiwas ng tingin.

Iwan ba niya. Bigla siyang nainis sa nakita.
Close ba ang mga ito?
Gaano ka close?

"kurt... Hali ka.." tawag sa kanya ni jenny kaya mabilis siyang lumapit sa dalaga.
"may pack lunch na darating abangan mo doon sa may tindahan." utos sa kanya ng dalaga saka tinuro ang direksiyon kung saang tindahan.

"no problem!"

"samahan ko nalang kayo s-sir!" presinta ni cheng. Ito kasi ang tinawag ni jenny kanina.

Tumango siya. Nagpatiuna itong lumakad kaya sumunod siya niya cheng.
Nagawa pa niyang sulyapan ang doktora.
Nakatingin ito sa kanya.
Agad itong umiwas ng makita siyang nakatingin nito.

Nakangiti itong bumaling sa kausap na pasyente.

"taga saan kayo sir?" pagbukas paksa ni cheng habang sabay silang lumakad.

"kurt. Just call me kurt cheng! Taga Manila ako. I'm here to take some vacation." ngiti niyang sabi.

Ngumiwi si cheng saka nagkagat labi.

"nagbabakasyon ka pala. Bakit ka sumama dito? Hapun pa kami matatapos nito."

"it's ok cheng! Wala naman akong gagawin ngayon."

Tumango tango ito.

"heto na siguro ang pack lunch na tinukoy ni jenny." ani ni cheng at lumapit sa isang mini cab na kulay pula. May karga itong pack lunch nakalagay sa malaking plastik cellophane na kulay blue.

"maayong udto sir! Kami ang nag medication diha  sa oldchurch. Mao ni among pack lunch?" pagbisaya na sabi sa driver.

"o. Mam mao ni." saka umibis ito sa manubela at bumaba.

"kami na dito cheng. Kaya namin ito."sabi niya sa dalaga ng akma itong tumulong.

" aah.. Ok lang kurt.. "

" No! Kami nalang dito. "seryoso niyang sabi sa dalaga.

Ngumiti sa kanya si cheng at tumango ng marahan.

×××

Leojea05

Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon