12

7 3 0
                                    


"ano pa ang kulang para madala ko lahat habang hindi pa ako nakaalis!" inis niyang sabi sa kausap.

"wala na bro, naready ko na lahat ang sa akin lang ngayon hindi ako makasama sayo!" mababang boses na sabi sa kabilang linya.

Bwesit na bwesit siya sa kanyang kuya james.
Maayos ang usapan nila na magsama sila papunta sa charity event sa orphan pero saan ito wala.

Nasa hospital ito dahil sinugod si jhon rafael dahil inataki ng allergy.

Hinilot niya ang kanyang noo at sumandal sa upuan pagkatapos sa tawag.

Pinakalma niya ang sarili bago lumabas sa opisina.

"be prepare nova ikaw ang isama ko!" saka bumalik sa loob ng opisina at inayos ang mga nagkalat na papeles sa mesa.

Ten minuter after agad silang bumaba ni nova.
Paglabas nila sa building naghintay na ang isang company service na may lamang mga gamit para sa mga bata at limang staff na sumama.

" sa akin na kayo sumabay!" alok niya sa kanyang sekretarya at limang staff pa niyang sinama.

Sinuot niya ang sunglasses saka niya ginaya ang mga ito sa hilux at pinagbuksan pa ng pinto bago umikot sa driver seat.

Kalahating oras bago sila dumating sa orphanage. Nagtaka pa siya ng mapansin ang tila may medication na naganap sa loob.

Inayos niya ang sasakyan sa pagpark sa labas ng orphan bago naglabasan ang kanyang staff.

Kinuha niya agad sa dashboard ang papel at tiningnan ang program sheet.
May nakalagay na medication care pala hindi niya napansin noong nakaraan.

Sumalubong sa kanila sa labas ng gate si sister mila.
Nakilala niya si sister Mila sa unang charity event ng kuya james niya dahil nagkataon siya ang nasama.

"welcome back iho..." salubong nito

Napangiti din siya pati ang kasama niyang staff.

"kumusta po sister mila..?"

"naku.. Maayos na maayos!"

Maya maya dumating na din ang company service.

Agad na silang inakay papasok sa gate patungo sa may stage kung saan naganap ang medication ng mga bata.

"matatapos na ang medication maya maya kaya kunting hintay nalang!" ani ni sister mila at iniwan sila.

Inikot niya ang paningin sa orphan saka marahang tinangal ang suot na sunglasses at sinabit sa kwelyo ng kanyang polo jeans.

"sir nagtanong si bench kung ibaba na ba ang mga gamit?" mahinang tanong ng kanyang isang staff ng malapitan siya.

"aah.. Yeah... Tutulungan ko na kayo!" ngiti niyang sabi.

Marahang tumango ang staff niya at tumalikod. Sumunod din siya ng mga ito.

Madami dami din ang dinala nilang gamit para sa mga bata.
Halos lahat gamit pang skwela.
May ilang laruan din.

Mabuti at tumulong din sa pagbuhat ng gamit ang ilang kalakihan na nasa medication.

"sobrang sobra na itong dinala niyo iho...Maraming salamat. Napasaya mo ng lubos ang mga bata." ngiting sambit ni sister mila habang tanaw nila ang nagpipila na bata para bigyan ng tig isang bag kung saan nakalagay na ang mga ilang gamit katulad ng notebook, lapis, bondpaper, crayons at iba pa!

" walang problema sister mila..."

" oo nga pala...magkilala ba kayo ni doktor corpuz!! Kanina pa yan dito nakatingin." pabulong na sambit ni sister mila.

Napangiti siya saka marahang magkamot ng batok. Wala naman siyang kakilala na corpuz na doktor.

"mahilig talaga sa gwapo ang mga bakla sister!!." biro niyang hirit kaya napatawa na ng marahan ang madre.

"babae siya hindi lalaki." iling na sagot ni sister mila saka iniwan siya.

Natigilan siya at napatingin sa direksiyon na sinabi ni sister mila.

Nakangiting si janine ang nakita niya.

His chest pound wildly and excitement.

I'ts almost three month mula noong huli niya itong nakita.

Marahan niya itong tinitigan habang palakad palapit sa kinatatayuan nito.

Gustong gusto na niyang mahawakan at mayakap ang dalaga. Miss na miss na niya ito.

Siguraduhin niyang wala ng kawalan ang dalaga sa muli nilang pagkikita.

Hindi man sila tinadhana noon, ngayon sigurado siyang ang dios na ang gumawa ng paraan para sa kanilang dalawa.

Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa buhok.

Napapikit siya ng maamoy ang familiar na bango nito na gustong gusto niyang amuyin.
Hinding hindi niya ito pakakawalan pa!




The end!!



Salamat sa pagbabasa! Lovelots 😊❤️😘

Ellvy💜

Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon