3

15.5K 330 5
                                    

Suicide




             Ilang araw na naman ba ang lumipas at wala syang ginawa kundi ang umiiyak at tumulala sa kulungan nya. Oo kulungan dahil daig pa nya ang mga presong hindi nakakalabas ng selda. Mula ng araw na magkausap nya ang binata ay hindi na nya ulit ito nakausap. Katulad ng dati, hinahatiran lang sya ng pagkain. Naka-lock ang pinto at bintana. Mababaliw na sya kakaisip kung paano sya makakatakas.


Umupo sya sa kama at nagsimula na namang bumalik sa kanyang balintataw ang nakaraang pilit nyang kinakalimutan. Niyakap nya ang mga tuhod ng magsimulang mamalismis ang mga luha sa kanyang mga mata. Anong bang ginawa nya at lahat na yata ng kamalasan ay napunta sa kanya. Buhay pa sya pero hindi nya maramdaman. Nakaligtas nga sya pero impyerno naman ang napuntahan nya.


"Mayor" hindi nya alam, pero kusa nya iyong nasambit.


Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit sya pa. Mayor-Engineer Hellion Vonx Zuestro, the handsome yet dangerous mayor of Sta. Vista. At oo, sya ang nagwaging Mayor noong nakaraang eleksyon, pero usap usapan sa kanilang bayan ang pagiging istrikto nito. 


Aside for being a Mayor, he's also an Engineer that made him a bachelor billionaire. Marami na syang napatuyan at natulungan. Hindi rin maikakaila ang patuloy na pag-unlad ng bayan dahil sa magandang pamamalakad nya. But he is no saint, he's ruthless and cruel. Sa kabila ng mga nagawa na nya para sa bayan ay lubos syang kinakatakutan. Usap usapan kasi sa buong bayan na malupit ang alkalde sa mga taong lumalabag sa batas. Break the law and for sure you'll regret it. Sino mang susuway sa batas ay tiyak paglalamayan kinabukasan. Pinahihirapan at pinapatay ang mga susuway sa batas, pero ni isa sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya ay wala pang napapatunayan. Kaya patuloy parin syang pinupuri at sinusuportahan ng mamamayan. Lalo na ng mga kababaihan, women flock on his feet. Sino ba namang hindi mabibihag sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Para kasi itong modelo na nagmula pa sa Mt. Olympus.


Alam nya sa sarili nya na wala naman syang kasalanan pero hindi parin nya maiwasang matakot sa binata. Ngayon pang napatunayan na nyang totoo ang haka-haka sa buong bayan na may tinatagong kasamaan ang batang mayor. Malay ba nyang bigla na lang sya nitong barilin. Sayang naman kung mamatay sya agad, mamatay syang birhen. Hindi man lang nya mararanasang makipag s*x diba. Masarap daw kasi 'yon, sabi ng kapitbahay nila. At saka paano kung balak talaga ni mayor na patayin sya, medyo natagalan lang kasi busy sa opisina. Pumalahaw sya ng iyak, mamatay na sya. Not now but soon.


"Mamatay na 'kooo huhuhu," suminghot singhot sya. "Mamatay akonggggg virginnn waahhhhh."


"Want me to do something about you being a virgin?" Nanlalaki ang matang tiningnan nya ang pinanggalingan ng malamig na boses. Kasabay ng pagsalubong nya sa pamilyar na  abong mga mata ay ang pagusbong ng kaba sa kanyang dibdib. There her heart again with that familiar feeling she knew she already felt before. Nakapamulsa itong nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan sya ng matiim. Seryoso lang at walang kangiti ngiti.


"A virgin huh?" He said, mocking her. Naramdaman nya ang pag init ng magkabila nyang pisngi dahil sa kahihiyan. Nakita nito ang kabaliwang ginagawa nya.


"T-totoo naman ho 'yon mayor, kung may balak kayong p-patayin ako, mamatay akong virgin." tinakpan nya ang sariling bibig. Ngunit nginisian lamang sya nito ng nakakaloko. Hindi nya alam kung saan nya nahugot ang lakas ng loob nya para masabi iyon. Totoo naman talaga singit ng isang parte ng isip nya. Hindi naman kasi sya katulad ng iba dyan na buka lang ng buka. Malinis syang babae at ipinagmamalaki nya iyon.


"So," nakangisi ito habang unti unting lumalapit sa kinauupuan nyang kama. Napatigalgal sya  sa paglapit nito. He stopped a few inches away from her. Nang hindi sya sumagot ay mas lalo itong lumapit sa kanya, hanggang sa wala ng distansya pa sa pagitan nila. Kumalabog ang puso nya ng ilapit nito ang mukha sa mukha nya.


Hot Politicians Series 1: Take Me, Mayor-EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon